Kabanata 23

1.2K 23 2
                                    

Kabanata 23

Cheater

----------

Isang araw ay nalaman ko na lang kay Precis na lumipat ng block si Maru. Hindi na kami parehas ng block. Ang alam ko sa block nina Precis siya lumipat. I couldn't help but to feel disappointed and sad. Bakit siya lumipat? Dahil sa akin? Dahil sa nangyari? Siguro ay ayaw na niya akong makasama. Hindi niya maatim na makasama ako sa iisang block next sem.

Sa kabila ng nangyari sa amin ni Maru, gusto ko pa rin siyang maging blockmate. I want him to be next to me, always. Gustong gusto ko pa rin siya. Mahal na mahal. Nangungulila ako sakanya. Gusto ko siyang makausap pero parehas din naman kaming nag-iiwasan. My pride won't let me to be next to him.

"Mahal mo ba talaga si Maru?"

I was surprised. Nasa isang linya ang labi ko nang lingunin ko si Yuni sa aking tabi. Nasa canteen kami ngayon, hinihintay sina Opera at Precis para sabay-sabay kaming kumain.

Napalunok ako at hindi agad nakasagot.

"Sagutin mo ako, Sae. Mahal mo ba si Maru? Iyong totoo?" Diretso ang tingin niya sa kanyang harapan.

Ito ang sinasabi ko. Napakamisteryoso ni Yuni. Bakit niya tinatanong ito ngayon? Bakit gusto niyang malaman ang sagot ko? Anong mapapala niya sa sagot ko? And the way she asked me, parang sobra siyang interesado sa sagot ko. Parang sa akin nakasalalay ang isang bagay na gusto niyang mangyari. I don't get it. Ano iyon?

Mapanuri ko siyang tinitigan. Nagkasalubong ang mga kilay niya pero hindi naalis ang tingin niya sa harap.

"Oo. Pero ayoko na. Ayoko nang masaktan," sagot ko.

Nagsimulang kumirot ang puso ko.

"Nasaktan din naman si Maru noon," pabalik na sagot niya.

"Alam ko. Kaya nga hindi na kami pwede kasi nagkakasakitan lang kaming dalawa."

Hindi na siya sumagot. Napatingin na rin ako sa aking harapan at nagsimulang panoorin ang ilang estudyanteng maingay kumain. Sumisikip ang aking dibdib. Alam ko naman na nasaktan din si Maru. Nasaktan ko siya noon. Pero nasaktan niya rin ako. Parehas kaming nasaktan. At sa tingin ko, mas maganda kung hindi na namin ipagpapatuloy ang relasyon namin.

Gusto ko siyang kausapin dahil wala kaming closure man lang. Wala kaming malinaw na break-up. Pero sa tuwing balak ko na siyang kausapin, umuurong ang lahat sa akin. Namamalayan ko na lang na umiiwas ako palayo sakanya.

"Yuniko," seryosong tawag ko. Nakatulala na ako sa kawalan. "Maru likes you. Gusto mo ba siya?"

Mas lalong sumikip ang dibdib ko. Nanginig ang labi ko, hudyat na malapit na akong umiyak. Mariin ko itong kinagat. Ouch.

Hindi ko magawang tignan si Yuni sa tabi ko. Natatakot akong makita ang reaksyon niya. Paano na lang kung gusto niya rin ang lalaking mahal ko? Gusto rin siya ni Maru... Paano na ako?

Biglang tumawa si Yuni. Iyong tawang pilit. "Ano ka ba. May iba akong gusto."

Napatingin na ako sakanya. Sinuri ko ang kanyang mukha.

"What?" tanong niya nang mapansin ang titig ko sakanya. "May iba na nga akong gusto. Nakilala ko siya noong enrollment."

Tipid akong ngumiti.

Pero okay lang kahit gusto mo rin si Maru. Okay lang kahit magkatuluyan kayong dalawa. Okay lang sa akin dahil wala naman akong ginawa kundi saktan siya noon. Ayoko nang magalit sakanya dahil sa ginawa niyang panloloko sa akin. Nabulag lang siya ng sakit na pinaramdam ko. Kasalanan ko ang lahat kaya wala akong karapatan magalit. Sapat na ang isang araw na poot na naramdaman ko sakanya noong birthday niya. That day was enough for me to console my broken heart.

Kung KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon