Kabanata 10
Come Along With Me
"I'm happy to please you. Though I can tell that's not what you're used to..."
—————
Nanlaki ang mga mata ko hindi dahil sa gulat ko nang makita siya, kundi sa pagiging gwapo niya habang pinapakita niya sa akin ang mapuputi at pantay pantay niyang mga ngipin. Todo ngiti siya sa akin at para bang tuwang tuwa siyang makita ang naging reaksyon ko.
Aaminin ko na mahilig ako sa mga gwapong lalaki. Malakas ang hatak sa akin kapag gwapo ang isang lalaki at ewan ko ba, halos sambahin ko na sa isip ko ang mga pinagpalang lalaki. Babae ako kaya normal naman siguro ito, diba?
Narinig kong tumawa siya. "You are so cute!" Kinuha niya ang burger at softdrinks sa akin.
Nginuya ko ang natitirang burger sa bibig ko. "B-Bakit ka nandito?" Tanong ko, hindi pinagtuonan ng pansin ang pagkuha niya sa akin ng pagkain ko.
"Got some things to buy." Tapos ay ngumisi siya. Darn it! Ang gwapo niya!
"Taga rito ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Taga-Fairview ka?"
Tumango siya sabay ang pagsilay ng nakakalaglag pangang ngiti. "Yes."
Napatingin naman ako sa uniform niyang bukas ang unang dalawang butones at sa patch niyang IABF ang tatak. So parehas kami ng institute. Ano kayang course niya? Business Administration din kaya kagaya sa akin o Internal Auditing? Matalino kaya ang lalaking ito? Saan kaya siya galing? Panay kasi ang english niya. Baka naman foreigner siya? Pero hindi, eh. Pinoy na pinoy ang mukha niya. Ang laki nga ng mga mata niya. Kung si Maru ang tatanungin, mukha siyang foreigner. Hawig nga sila ni Mario Maurer, diba? Kaso taga-Thailand iyon si Mario pero Chinese and German descent siya.
Napatitig ako sa mukha ni Zieg. Gwapo siya. Pinoy na pinoy ang pagkagwapo niya. May moreno siyang kutis at natuwa naman ako kasi mas maputi ang balat ko kesa sakanya. Lalaki siya kaya hindi ako makakapayag na makalamang siya sa akin. Lamang na nga siya sa akin dahil mayroon siyang mapula at medyo pinkish na labi. Siguro ay naglilipstick siya?
Natawa ako sa iniisip ko. Pero mukha namang natural ang kulay ng labi niya, eh.
Pinoy na pinoy ang dating ng mukha niya para sa akin pero bakit ang tangos tangos ng ilong niya?
Natagpuan ko na lang ang sarili kong interesado na sakanya.
"May pasok ka? Nag cut ka ng class, 'no?" Pabiro kong tanong.
"Nope." Nanlaki ang mga mata ko nang uminom siya sa softdrinks ko. Kagat ko ang labi ko habang tinitignan siyang sinisipsip ang straw. Indirect kiss! "I wouldn't do that shit. I value my studies, Saeko. Stop thinking of me like that. It's an insult."
Laglag ang panga ko. Tama ba ang narinig ko? Nanggaling ba sakanya ang mga salitang iyon? Iba ang tingin ko sa lalaking ito. May aura siya ng babaero, iyong tipong mapaglaro sa puso ng mga babae. Hindi siya nagseseryoso sa isang relasyon. Lalo na nang marinig ko ang mga ungol nila nong babae sa cr ng mga girls.
Nanindig ang mga balahibo ko sa braso. He's a playboy. A womanizer. I didn't think for a second that those sentences would came out from his mouth.
"Come along with me." Kinagat niya ang burger na binili ko.
"Hoy, akin 'yan!"
Bigla siyang nag puppy eyes sa akin. "Hindi mo ba bibigyan ang manliligaw mo?"
BINABASA MO ANG
Kung Kailan
RomansaPiyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo lang ang tunay na halaga kapag hindi na kayang maramdaman pa ng palad mo ang bagay na iyon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Wala kang magag...