Kabanata 3
Mario Maurer PH
"Lately, I've been going crazy. So I'm coming back for you..."
—————
Pinaglalaruan na ni Kuya Brian ang ballpen sa lamesa niya. Mukhang naiinip na dahil hindi pa rin ako nakakasagot sa huling tanong niya.
"Iyong commitment..." Natigilan ako ulit.
Walang pumapasok sa isip ko kundi yung araw na nagkita kami ni Maru sa auditorium. Iyong Tatak Tamaraw Orientation para sa lahat ng freshmen. Takte. Nablanko ako dahil sa alaalang iyon.
Naalala ko ulit ang araw na...
Pagpasok ko pa lang sa auditorium ay nanlamig na ako. Bukod sa sobrang lamig ng aircon ang bumungad sa akin, natagpuan ng mga mata ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Hinila ako ni Yuni sa bakanteng upuan sa tabi nung lalaking sumalo, yumakap, at nanghawak ng dibdib ko.
Bakit ganyan siya makatingin? Nanlalamig ako.
Pinauna ako ni Yuni sa pag-upo. Katabi ko siya ngayon at hindi pa rin matanggal ang tingin niya sa akin. Siniko ako ni Yuni. Napatingin ako sakanya. Nginuso niya yung lalaking katabi ko kaya dahan dahan ako lumingon sakanya. Leche. Bakit nakatingin pa rin siya sa akin? Nahuli ko na nga siyang nakatingin sa akin, di pa rin nahiya, pinagpatuloy niya pa rin ang pagtingin sa akin.
"Sparks na yan." Humagikgik si Yuni sa tabi ko.
Napanguso ako sa sinabi niya. Ngumiti yung lalaki sa tabi ko at binawi na ang tingin niya sa akin. Umayos siya ng upo at tumingin na lang sa harap. Ganoon din ang ginawa ko.
"Nasaan sina Precis at Opera?" Tanong ko kay Yuni.
"Nahiwalay sila sa atin. Nasa likod sila. Ikaw kasi, ang tagal mong pumasok." Reklamo niya.
Nag umpisa na ang orientation para sa aming mga freshmen. I was bored noong una at hindi ako nakikinig. Tanghali yun at sobra akong inaantok. Napipikit na ang mga mata ko pero nilakihan ko nung makita kong papalapit yung isang emcee sa direksyon namin. Nawala ang antok ko nang nilapitan niya yung lalaking katabi ko.
"Hello kuya, anong pangalan mo?" Pinatayo niya yung lalaki.
Nakangiti si kuya nang tumayo siya. Kaya agad niyang naagaw ang atensyon ko kanina kasi ang gwapo gwapo niya. Tapos ngayong nakangiti siya, mas lalo siyang naging gwapo sa mga mata kong inaantok. Pero nalulukot ang mukha ko sa tuwing pumapasok sa isip ko na nahawakan niya ang dibdib ko. Manyak ata ang gwapong ito.
Tinapat sa bibig niya yung mic. "Maru." Hindi pa rin matanggal ang ngiti niya. "Maru Domingo."
So, Maru Domingo pala ang pangalan niya. Ganda.
"May itatanong ako sayo. Freshman ka at gusto namin malaman kung ano ang nasa isip mo." Tumikhim ang baklang emcee at ngumisi bigla. "Anong masasabi mo sa FEU?"
Lalong ngumiti si Maru sa tanong. "Maganda." Tapos lumingon siya sa akin. "Ang ganda ganda."
Bigla na naman akong siniko ni Yuni. Napakasadista talaga ng babaeng 'to! Napatingin din sa akin yung baklang emce. Natawa at umiling na lang yung emcee. Feeling ko nag-init ang pisngi ko dahil doon.
BINABASA MO ANG
Kung Kailan
RomansaPiyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo lang ang tunay na halaga kapag hindi na kayang maramdaman pa ng palad mo ang bagay na iyon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Wala kang magag...