Kabanata 2

2.8K 58 2
                                    

Kabanata 2

Define Commitment

"Oh kay bilis namang maglaho ng pag-ibig mo sinta. Daig mo pa ang isang kisapmata..."

—————

Di maipinta ang mukha ko habang naghihintay ng masasakyan dito sa harap ng Fairview Center Mall o mas kilala sa acronym na FCM. Naiisip ko pa rin yung panaginip ko eh. Nakakainis pero nakakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Hiling ko kasi na sana, totoo ang lahat ng nangyari sa panaginip ko. Kaso wala eh. Ganun talaga. Hanggang panaginip na lang.

May humintong fx sa harap ko dahil may bumaba. Saktong sa Morayta ang destinasyon ng fx kaya naman sumakay ako sa pinakalikod na parte. Sa kaliwa ako umupo dahil yun na lang ang bakante. Pagkasara ko ng pinto, nakaramdam ako ng kaba. Alam na kung bakit.

Nasa harap ko ngayon si Maru. Nakalagay sa dalawang tenga niya ang puting earphones at kagat niya ang labi niya habang nagsosoundtrip. Oh, ang gwapo niya talaga.

Nasabi ko na ba na taga Quezon City din siya? At malapit siya sa SM Fairview kaya malaki ang chance na magkasabay kami pero hindi ko ito inasahan dahil sobrang dami kayang bumabyaheng sasakyan papuntang Morayta. This is so much for coincidence. Parang pinaglalaruan kami ng tadhana.

Ang awkward...

Nakatingin lang siya sa labas. Malay ko kung alam niyang kaharap niya ko o hindi. Baka nakita niya ko pero wala lang siyang pakialam. Madalas kaming magkasabay dati pagpasok at pag-uwi. Kapag nangyayari yun, palaging siya ang unang namamansin sa akin. Pero kasi dati yun. Iba yung ngayon. Feeling ko invisible ako.

Napatingin ako sa violet niyang backpack at sa backpack ko ring violet. Parehas kami ng kulay pero deep violet sakanya habang sa akin naman ay may pagka lavender. Napakagat ako ng labi. Iyong bag niyang yan... kahit sa malayo, makita ko lang yan, alam ko nang siya agad yun. Isa yan sa mga bagay na sobra akong pamilyar.

"Ay ang gwapo ng kaharap ko!" Nasabi ko bigla dahil naramdaman ko ang sunod sunod na vibration ng phone ko sa aking bulsa.

Leche?! Anong sabi ko?!

Napatingin sa akin yung babaeng katabi ni Maru pati na rin yung katabi ko. Sila lang siguro ang nakarinig ng sinabi ko. Hindi ata ganoon kalakas ang boses ko kaya hindi narinig ng mga nasa harap.

Pilit akong ngumiti sakanila. Napailing na lang yung dalawang babaeng katabi ko at katabi ni Maru at sabay ngisi. Sus, kunwari pa kayo. Napopogian din kayo kay Maru eh!

Pagbalik ko ng tingin kay Maru, naabutan kong nakatingin na siya sa akin. Madiin ang pagkakasara niya ng kanyang labi. Para bang gusto niyang matawa pero dahil sa hindi na nga kami nagpapansinan, pinili na lang niyang pigilan ang tawa niya. So... narinig nga niya yung sinabi ko? Hindi ba naka-earphones siya? Ano iyon? Display lang at walang tugtog? Hindi naman malakas ang boses ko para marinig ng isang taong naka-earphones unless wala naman talaga siyang music na pinapakinggan.

Maru, ano ba talaga?

Naalala ko na may tumatawag nga pala sa akin kaya kinuha ko yung phone ko sa aking bulsa.

"Hello?"

"Go to the IABF Student Council Office later after your class. You have an interview." Isang boses ng babae ang narinig ko.

Tinignan ko ang screen ng phone ko. Lousha Montenegro. Ang ate kong malapit na sa pagiging perfect. Captain ng volleyball team sa FEU at President ng IABF Student Council. Sobrang active niya sa mga extracurricular activities. Bawat taon ay naging president na yan ng bawat organizations. Ngayong graduating student na siya, tinanggihan niya na yung ibang orgs dahil sobra na ang pagkabusy niya. At isa pa, sobrang sikat niya sa school. Ang ganda naman kasi ni Ate Lousha at varsity player pa. Isa sa mga FEU Beauties.

Kung KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon