Kabanata 17

1.3K 28 2
                                    

Kabanata 17

Wanted

----------

Si Yuniko Delos Reyes ay may lahing hapon. Ang mama niya ay half Japanese habang ang papa naman niya ay pure Pinoy. Kagaya ng parents ko, her parents have their own business.

Siya iyong tipo ng babaeng sadista. Mahilig siyang manakit. Kapag natatawa, naiinis, o kinikilig siya, kinukurot niya kung sino man ang nasa tabi niya. Ganoon siya. Tahimik na babae si Yuni. Siya kasi iyong 'I think too much, I see too much, I feel too much but I speak so little' na tao. Or mas bagay nga sakanya iyong 'Quiet people notice everything', kasi sobra siya kung makapansin ng mga bagay bagay na hindi napapansin nina Precis at Opera. Kahit ako.

Alam ko rin na hindi matalino si Yuni. Average lang siya katulad ko pero lamang ako palagi ng kaunting points sakanya pag sa mga exams. Nag-aaral siya pero hindi kagaya ko na sobrang effort at desperada na. Hindi naman kasi malaki ang expectation ng mga magulang niya sakanya. Kung baga, kung ano ang kaya niya, okay na sa mga magulang niya.

Tungkol naman sa love life ni Yuni, wala akong alam. Hindi ko alam kung may naging ex na ba siya o wala. Wala kasi siyang sinasabi sa amin except sa inamin niya sa akin na may gusto siyang lalaki ngayon. Hindi ko matanong kung sino dahil alam ko naman na mahirap paaminin si Yuni. Hihintayin ko na lang na sabihin niya mismo sa amin.

Si Opera Caballero ay isang sikat na tao sa campus o sa ibang lugar man. Sa pangalan pa lang niya, makukuha niya na agad ang atensyon ng tao. Opera. Plus, her face is beautiful. So beautiful. Kahit na bare face lang siya kapag nagvivideo call kami, sobrang ganda pa rin niya. Payat na babae si Opera kagaya ko at ni Yuniko. The petite type. But her body build is so damn sexy and much more attractive than mine, than Yuniko's. Ang graceful pa ng galaw niya. The model type. Kaso maliit kasi siya. Siya ang pinakamaliit sa amin nina Precis.

Sikat si Opera. Pati sa social medias. Madaming nagkakagusto sakanya. Kaya siguro kilala rin niya si Zieg dahil parehas silang sikat. Famous, ugh. Pero wala naman perfect na tao. Yes, maganda at sexy si Opera pero hindi siya matalino. Wala siyang effort na ginagawa para sa pag-aaral niya. Sorry for the word but she is a bitch. Malandi. Ganoon. Aminado siya na ganoon siyang babae. Sa totoo nga, tuwang tuwa siya kapag may naiinis sakanya. Sa isip niya, insecure ang mga babaeng nagagalit sakanya.

Walang boyfriend officially si Opera. Mga flings, oo. Mga kalandian, oo. Marami. Lalo na sa mga ibang universities.

Si Precis Constantino ay isang talented na tao. But she is weird. Magaling siyang mag drawing, mag lettering, music inclined, marunong tumugtog ng gitara, piano, ukulele, at violin. At syempre, maganda ang boses. Ang alam ko siya palagi ang panlaban noong elementary at highschool sa mga declamation at mga kantahan. Pati na sa mga poster at slogan making contest.

Ugh, lahat ng mga talents na wala sa akin, nasa kanya na.

But she's weird. Nasabi naming weird kasi mahilig siya sa anime. Para sa akin weird iyon. Minsan magugulat na lang kami, nagsasalita na siya ng Japanese at umaarte na parang isang babae sa anime. Talo niya pa si Yuniko na may lahing Japanese.

May similarities sila ni Opera sa ugali kaya sila palagi ang magkasama. Palagi silang nagkakasundo sa mga bagay bagay.

May boyfriend si Precis. Taga ibang school. Sa UST. Palagi niyang kinukwento sa amin 'yong mga nangyayari sa pagitan nila ni Carlo, 'yong boyfriend niya. Pati ang mga make out sessions nilang ayoko sanang marinig dahil hindi ako mapakali. Feeling ko, deep inside, gusto ko rin gawin iyon.

"Earth to Katarina!"

Ilang beses akong napakurap. My mind went back to reality. Nakita ko si Zieg na nakahiga na sa tabi ko. I gave him my most irritated look.

Kung KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon