Kabanata 40

1.3K 24 3
                                    

Kabanata 40

Pinaglumaan

----------

Kagaya ng sinabi niya, tinawagan niya nga ako. Halos isang oras na kaming magkausap sa cellphone at mukhang wala siyang balak ibaba kahit may pasok pa kami bukas. Wala rin naman akong balak ibaba dahil gustong gusto ko siyang kausap. Dapat talaga hindi na lang ako umuwi at tumuloy na lang sa kanilang bahay. Doon na lang dapat ako natulog... sa tabi niya.

Ito ba iyong sinabi ni Kuya Ashton na pag-ibig na sobrang mapusok? Kasi bago pa lang? Kakasimula pa lang kaya susubukan ang kahit na anong bagay. Well, I don't care. As long as I'm happy.

"Zieg, madaling araw na. Hindi pa ba tayo matutulog?" may bakas ng antok ang boses ko.

Umungol siya. Iyong ungol na umaangal. "Mamaya na, Katarina. Hindi pa ako inaantok."

"Wala naman na tayong pinag-uusapan, e. Wala na tayong topic."

"I really don't care," he added. "Gusto ko lang ng midnight phone calls with you..."

"Nagsasayang lang tayo ng load, e. Skype na lang." May narinig akong tugtog sa background niya. "Wait, ano 'yon? Nagpapatugtog ka? Madaling araw na, Zieg. Baka magising ang mommy mo."

"Mahina lang naman. Hindi kasi ako makatulog. Kailangan ko ng music para makatulog ako."

Natawa ako. "Eh di mag earphones ka. Baliw ka."

"Hindi iyon pwede, Katarina. Kausap kita tapos nakaearphones ako? Paano ko maririnig ang mga sasabihin mo? Hayaan mo na ko. Hindi magigising si mommy. Mahina lang naman, e. Tsaka ayaw mo noon? May background music tayo habang nag-uusap," natatawa niyang sabi.

Mahina akong tumawa. Ang gaan ng pakiramdam ko kahit hindi maganda ang nangyari ngayong araw. Inalis ko muna sa aking isipan ang problema sa mga magulang ko. Bahala na. Ipagpapatuloy ko ito. Kahit magalit sila sa akin. I want to seize this moment... this feeling. Ayoko nang magsisi ulit.

Naging tahimik kami parehas. Pinakinggan ko ang tugtog sa background niya. Napangiti ako. Favorite niya talaga ang The 1975, e.

Mahigpit kong niyakap ang aking unan at pumikit.

~ Now if you never shoot, you'll never know

And if you never eat, you'll never grow

You've got a pretty kind of dirty face

And when she's leaving your home she's begging you, "Stay, stay, stay, stay, stay."~

"Siguro naman napanood mo na iyong music video ng Robbers, diba?" Hindi siya nagsalita. "Wag mo sabihing hindi! Halatang favorite mo ang The 1975, 'no!"

Bigla siyang tumawa. "Wala naman akong sinabi, ah?" Nagmura siya at ilang beses na sinabing ang cute cute ko raw. Nag-init tuloy ang mukha ko. "Alright, The 1975 is my most favorite band."

"Umamin din. So napanood mo na iyong music video ng Robbers?"

"Yeah..."

"Ang astig, 'no? Ang astig ni Matty doon pati nung girl. Kahit ganoon sila, halatang mahal nila ang isa't-isa. Walang iwanan."

"Astig din naman tayo. Hindi rin natin iiwan ang isa't-isa kahit anong mangyari."

Napakagat ako ng labi at parang asong ngumiti. "You know, Zieg. Nagiging baduy ka ata ngayon?"

"What?" he laughed. "I'm trying my best to be the cool boyfriend here."

~She says, "Babe, you look so cool, you look so cool, you look so cool, cool, cool, cool

Kung KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon