Kabanata 21

1.2K 34 7
                                    

Kabanata 21

Deceive

----------

Nagsisimula nang umikot ang paningin ko. Mahigpit kong hinawakan ang pulang baso sa aking palad. Shit, ayoko na talaga.

"Oh, Saeko! Inom pa!" Naamoy ko ang di kaaya-ayang hininga ni Mave. Muli niyang nilagyan ng beer ang baso ko pero mabilis ko itong nilayo.

"Ayoko na, Mave," tanggi ko.

Nalukot ang mukha niya. "Ha? Bakit? Birthday naman ng boyfriend mo. Sige, inom pa!"

Sinubukan niya muling lagyan ng beer ang baso ko ngunit mabilis at padabog kong nilagay iyon sa lamesa. Napatingin sa akin si Yuni na nasa harap ko at si Maru na hanggang ngayon ay katabi ko pa rin pero walang ginagawa para pigilan ang letseng kaibigan niya na ngayon ay lasing na.

Huminga ako nang malalim bago nagsalita. I need to calm myself. Mukhang tinamaan na ako.

"Pag sinabi kong ayoko na, ayoko na. Ang kulit." Kusang umirap ang mga mata ko kay Mave.

"Oh, sorry." Kinagat niya ang kanyang labi. "Sorry, Sae."

Mukhang nahimasmasan si Mave sa naging asal ko sa kanya. Gusto ko rin humingi ng sorry pero dahil sa sobrang inis ko ay tinalikuran ko siya. Sana ay umalis na siya sa tabi ko at bumalik doon sa mga tropa niyang lasing na rin ngayon.

Saktong nagtama ang mga mata namin ni Yuni. Kumuyom ang mga kamao ko na nakapatong sa aking binti. Namumula ang kanyang pisngi at mata. Siguro ay may tama na rin siya kagaya ko.

Ako na lang ang unang umiwas sa titigan namin. Damn, ayaw ko talaga ng alak. Hindi ko lubos maisip na mapapapayag ako nina Mave na uminom. This is my first time. First time kong uminom ng alak ngayon.

"Okay ka lang?" tanong ni Maru. Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin.

Mabilis akong lumayo dahil sa amoy niya ngayon. I don't like the smell of his breath now! Alcohols!

"Gusto ko na umuwi," sabi ko kahit labag sa kalooban ko. I want to stay... a little longer.

He chuckled. "Ano? Bakit? Ayaw mo ba ko makasama?"

"Ano bang sinasabi mo?"

"Hindi mo naman ata ako mahal. Niloloko mo lang ako, diba?"

Umiling ako bilang sagot at dahil na rin sa disappointment. Lasing na ang lalaking ito. Kung ano-ano na lang nonsense ang sinasabi.

Napasulyap ako sa harap ko. Nakita kong titig na titig si Yuni sa amin ni Maru. Hindi lang titig ang ginagawa niya, mukhang nakikinig pa siya sa usapan namin.

Umismid ako. Pinatong ni Maru ang kanyang ulo sa balikat ko at hinawakan ang mga kamay kong nakapatong sa aking binti. Pinaglaruan niya ang mga iyon.

"Nag-away ba kayo nina Yuni? Hindi kayo nagpapansinan."

Naestatwa ako sa inuupuan ko. Damn, Maru! She heard you! Yuni heard you!

Bakit kailangan mo pang itanong iyon sa harap mismo ni Yuni? Nang-aasar ka ba?

"Hindi kami nag-away," sagot ko, diretso ang tingin kay Yuni.

Maliwanag ang labas nina Maru kahit gabi na. Hindi ko alam kung normal lang ito o dahil may birthday kaya sobrang liwanag. Because of that, I could see Yuni's teary eyed from here. Wait, what?

"Oh? Pero sabi niya..." napalunok ako. Sabi niya? "Sabi niya lumalayo ka raw sakanila. Bakit?"

Napapikit ako. Nako, Maru. Lagot ka sa akin. Sinasadya mo ba ito? Come on, hindi mo ba nakikita si Yuni sa harap mo?

Kung KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon