Kabanata 15
Only Exception
----------
Umagang umaga ay nakikinig ako ng mga emotional songs. Mahapdi na ang mga mata ko. Iyong tipong mahirap na siyang ibuka nang matagal. Gusto ko na lang matulog ngayong free day ko.
Pag-uwi ko kagabi, mabilis akong pumasok sa kwarto ko. Wala akong lakas ng loob na harapin ang pamilya kong sabay-sabay kumakain sa hapagkainan. At tsaka natatakot akong kapag kinausap ko sila o kahit man lang magtama ang mga mata namin, baka bumigay ako. Iiyak ako sa harap nila. Ayokong malaman nila kung bakit.
I just want to shut myself inside of my room.
How could you, Maru? Ramdam kong may siwang na sa pagitan natin kagabi pero 'yong last statement mong nagpagunaw sa buong pagkatao ko? Grabe. Sobrang lakas ng impact sa akin.
Niyaya mo kong makipag date sa'yo. Iyong ilang araw nating pagtetext sa isa't isa kahit na sobrang busy natin parehas sa pagrereview for midterm exams, 'yong mga sinabi mo sa akin na nagpagaan ng loob ko, 'yong paghawak mo sa kamay ko kagabi . . . Pagkatapos kong mag assume na maaring bumalik na tayo sa dati? Iyong pag aassume ko na nililigawan mo ko?
Bwisit, wala ka naman sinabing nililigawan mo ulit ako, e. Nag assume lang talaga ako. Tangina kasi akala ko okay na ulit tayo.
Kasabay ng pagtulo ng luha ko ang pagkalam ng sikmura ko. Nagugutom na ako.
Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at doon umiyak. Nasasaktan ako. Sumisikip ang dibdib ko at gusto kong sumigaw nang sumigaw. Kung wala si manang dito, ginawa ko na. Marunong pa rin naman akong mahiya at i-control ang sarili ko kahit ang sakit sakit na.
Sino kaya ang tinutukoy ni Maru na kaibigan ko? Kaunti lang ang kaibigan kong kilala ni Maru at kilala siya.
Si Precis? Si Opera? Si Yuni? Or . . . isa sa mga ka-blockmates kong patay na patay kay Maru?
Nahirapan akong huminga sa mga naisip kong taong maaring nagugustuhan ni Maru.
Umupo ako at inayos ko ang aking paghinga. Saktong kumatok si manang sa pinto.
"Sae, may bisita ka. Pinapasok ko na. Mukhang kaklase mo, e. Naka-uniform pa," sabi ni manang sa kabilang pinto.
Pinahid ko ang mukha kong gusgusin na at tumayo para buksan ang pinto. Sino naman kaya iyon? Madalang lang akong makatanggap ng bisita lalo na kung kaklase ko. Wala naman kasi akong maraming kaibigan. Ni hindi nga ko sigurado kung totoong kaibigan ko lahat ng mga kaibigan ko.
Dahan-dahan ko pang binuksan ang pinto. Ayoko sanang ipakita ang mukha ko. Nakakahiya, e. Namamagang mata at malagkit na mukha lang ang sasalubong sakanya.
Ulo ko lang ang pinakita ko sa labas. Wala na si manang. Ang nakita ko lang ay ang isang lalaking bukas ang dalawang unang butones ng polo. I made a face at him.
"Err, Zieg." Umirap ako.
Pinasadahan muna niya ng tingin ang mukha ko. "Umagang umaga, ah." Natawa siya.
"Wala kang pake, Zieg. Tsupi na nga."
"Wait," pigil niya sa pagsarado ko ng pinto. "What happened last night? You didn't check your Viber, Katarina."
"Maaga akong natulog," pagsisinungaling ko.
Ang totoo niyan ay wala akong ginawa kundi umiyak kagabi. Kaya sobra na lang ang pamamaga ng mga mata ko ngayon.
"Really?" He tilted his head na para bang hindi siya convince sa sinabi ko.
I gasped. "Umiyak ako magdamag kagabi. Okay na?" sinubukan kong magsungit pero nabasag ang boses ko. Naalala ko kasi kung paano ako umiyak kagabi. Lost and hurt.

BINABASA MO ANG
Kung Kailan
RomancePiyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo lang ang tunay na halaga kapag hindi na kayang maramdaman pa ng palad mo ang bagay na iyon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Wala kang magag...