Kabanata 45
We Can't Work This Out
----------
Pagkauwi ko sa bahay, diretso lang ako sa kwarto ko. Ayokong kausapin ang pamilya ko at ayoko rin na kausapin nila ako. Tumigil na ako sa pag-iyak pero panay pa rin ang hikbi ko.
Hindi maalis sa aking isipan iyong mukha ni Zieg. Alam kong nagdadalawang isip na siya sa amin. Pakiramdam ko kaunting kalabit na lang ay bibitiw na siya. Susundin na niya ang kagustuhan ng mga magulang ko.
Tumulo ulit ang luha ko. Hindi niya ako magawang tignan kanina. Tinawag ko ang pangalan niya pero hindi siya tumingin man lang. Kahit sulyap, wala.
Natatakot na kong pumasok bukas. Parang ayoko na. Natatakot ako na baka kapag nagkita kami ni Zieg ay bigla na lang niyang mapagdesisyonan na iwan ako. Hindi ko ata kakayanin.
Tinulog ko na lang ang pangamba ko. Nanalangin ako na sana ay huwag sumuko at bumitiw si Zieg sa relasyon namin. Kaya namin ito kung parehas kaming susubok at lalaban. Kakaumpisa pa lang namin tapos ay matatapos agad? Hindi ako papayag.
Kinabukasan ay hinatid ulit ako ni Kuya Ashton papasok. Tahimik lang sila parehas ni Ate Lousha habang nasa byahe kami. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng karapatan para sa sarili ko. Pakiramdam ko nawala ang pagiging malaya ko. Nasasakal ako dahil sa ginagawa ng mga magulang ako.
Sana bumilis na ang oras para tumanda na ko. At kapag nangyari iyon, sisiguraduhin kong walang makikialam sa buhay ko.
Paglabas ko pa lang sa elevator, sobra na kung kumabog ang walangya kong puso. Akala mo may report akong gagawin ngayon. Makikita ko lang naman ang ugok kong boyfriend na halos hindi man lang ako tignan kagabi.
Napalunok ako nang pumasok ako sa room. Umangat ang tingin ni Zieg. Nagtama ang mga mata namin. Umirap ako sa inis. Naalala ko kasi iyong nangyari kagabi.
Dumiretso na ako sa aking upuan. Nabangga ko pa ang braso niya pagkaupo ko kaya tumingin siya sa akin.
"Are you upset?" tanong niyang kinainis ko pa lalo.
I rolled my eyes. "Buti alam mo."
"Tungkol ba ito kagabi?" huminga siya nang malalim. "I'm sorry."
"I'm sorry kasi hindi mo man lang ako tinignan kagabi kahit ilang beses ko nang tinawag ang pangalan mo?"
"I was just thinking..." Bumigat ang kanyang paghinga.
Napaayos ako ng upo. "Anong iniisip mo kagabi?" tanong ko kahit may alam na ako kung ano.
Baliw na ba ako kung gusto ko sa bibig niya mismo manggaling ang naiisip ko? Gustong gusto kong marinig ang boses niya. Baka kasi hindi ko na ito marinig pa ulit.
Shit. Saeko! Ano bang iniisip mo? Wala ni isa sainyo ang bibitiw. Tiwala lang.
"Napaisip ako sa mga sinabi ng mama at papa mo. Hindi iyon mawala sa utak ko simula kagabi," untag niyang nagpakaba sa akin.
Kinagat ko ang labi ko at lumunok. "Hanggang ngayon iniisip mo pa rin iyon?"
He nodded. "Yeah..."
"Wag mo na lang kaya isipin." Tinignan ko siyang mabuti. Hindi siya makatingin sa akin nang diretso. Para siyang natutulala na lang bigla. Sumiklab ang kaba sa dibdib ko. "Hindi mo naman sila susundin, diba? I know you love me, Zieg. Hindi ka makikipaghiwalay sa akin..." humina ang boses ko.
Hindi siya sumagot. Nakita kong tipid siyang ngumiti. Ginulo niya ang buhok ko at umayos na ng upo. Hindi pa rin siya makatingin sa akin. Lalo akong kinabahan. Iba na ang kinikilos niya. He was not in his usual self.

BINABASA MO ANG
Kung Kailan
RomancePiyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo lang ang tunay na halaga kapag hindi na kayang maramdaman pa ng palad mo ang bagay na iyon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Wala kang magag...