Kabanata 32
Unti-unting Nawawala
----------
Sinubukan kong huminahon. Nangangati na akong tanungin si Zieg kung bakit niya ginawa iyon sa harap namin ni Maru. Kung di lang dahil sa prof na nasa harap ngayon, kanina ko pa siya napalo.
Bakit? Bakit niya ginawa iyon? Nakuha ko ang gusto niyang iparating. He did that to remind me of something. Oo na! Nakathird base na siya sa akin! Hindi na niya kailangan ipaalala pa! Sa harap pa ni Maru! Mabuti na lang at walang alam iyong tao kung hindi, di ko alam ang gagawin ko. Baka mahimatay na lang ako bigla.
Tumayo agad ako nang mag lunch break na. Sinulyapan ko si Zieg at handa ko na dapat siyang lapitan at sigawan nang makita kong nasa tabi niya si Shaira, iyong kasama niyang babaeng pumasok kanina. Narinig kong Shaira ang pangalan niya nang tawagin siya ni Eddie kanina.
Kausap nila ang isang lalaking kablock namin ngayon. Sa pagkakatanda ko, sinabi niyang Kiel na lang ang itawag sakanya kanina noong nagpakilala kami isa-isa sa harapan. May binigay si Kiel na susi kay Zieg. Kumunot ang noo ko. Naabutan ni Zieg ang paninitig ko sa susing hawak niya. Mas lalong kumunot ang noo ko nang lumapit siya sa akin habang ang braso niya ay nasa balikat ni Shaira.
Ngumisi siya. "Mauuna na ko, Katarina," sabi niya at nilagpasan ako.
Napanganga ako at nanigas sa kinatatayuan. Nilagpasan lang niya ako? Hindi niya ko yayayain maglunch? Hindi man lang niya ko kinausap nang matagal?
Napahawak ako sa aking dibdib. Bigla na lang akong nahirapang huminga.
"Saeko?" narinig ko ang boses ni Maru.
Tumingin ako sa bandang pintuan. Nakatayo si Maru doon habang hawak ang doorknob ng pinto at nag-aalalang nakatingin sa akin.
Huminga ako nang malalim at pilit na ngumiti kahit nahihirapan pa rin akong huminga.
Bago ako lumabas ng room, napasulyap ako sa direksyon ni Yuni. Nandoon lang siya, nakaupo habang seryosong nakatingin sa akin. Wala na ang ibang kaklase namin. Siya na lang ang natatanging nakaupo. Wala ba siyang balak mag lunch break?
Nakita ko kung paano lumipat ang tingin niya mula sa akin papunta kay Maru at pabalik sa akin. Kung iba lang sana ang sitwasyon ngayon, kakausapin at masaya ko siyang yayayain kumain kasama si Maru. Pero iba kasi ang sitwasyon. Mahal namin parehas ang iisang lalaki. We are not in good terms right now. Alam niyang galit ako sakanya kaya hindi rin siya gumagawa ng paraan para lapitan ako. Hinahayaan niyang magkaganito kami.
Umismid ako at hindi siya pinansin. Lumabas agad ako ng room. Hindi ko na lang pinansin ang paninitig ni Maru kay Yuni bago niya ibaling ang kanyang paningin sa akin. Ngumiti siya sa akin kahit alam kong gusto niyang magtanong tungkol sa amin ni Yuni.
"Okay ka lang?" tanong niya.
Tumango ako. "Yup."
Dumiretso kami sa hagdanan dahil hindi mahilig sumakay si Maru sa elevator. Ayaw niya roon dahil siksikan at baka may manghipo pa raw sa akin kapag sumakay kami. Natawa na lang ako sa mga pinagsasabi niya.
Habang tumatawa ako sa sinasabi niya, nakasalubong namin si Opera at Precis. Galing silang third floor at pababa na rin katulad namin. Lumapad ang ngiti ko dahil ngayon ko lang sila nakita ulit. Medyo binilisan ko ang lakad ko para sabayan at kausapin sila. Nakita nila ako. Tumango lang sila at ngumiti sa akin pagkatapos ay nag-usap ulit sila at nauna nang bumaba ng hagdan. Napatigil ako. Naramdaman kong nasa tabi ko na si Maru.
Tanging tango at ngiti lang ang binigay nila sa akin? Ganoon na lang iyon? Ngayon lang ulit kami nagkita tapos parang hindi pa sila excited na makausap ako.
BINABASA MO ANG
Kung Kailan
RomancePiyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo lang ang tunay na halaga kapag hindi na kayang maramdaman pa ng palad mo ang bagay na iyon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Wala kang magag...