Kabanata 34

1.2K 21 7
                                    

Kabanata 34

Zieg's Passionate Love

----------

Hawak hawak ni Zieg ang kamay ko habang palabas kami ng FEU. Nakayuko lang ako. Hindi ko kayang tapatan ang tingin ng mga estudyanteng napapatingin sa amin. Hindi ko kaya lalo na kung namumugto ang mga mata ko at namumula ang ilong ko.

Naghintay kami sa harap ng gate 4. Kausap ni Zieg ngayon si Kuya Joey. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko.

I have an idea already. Kung ano man ang pag-uusapan namin, kung ano man ang sasabihin niya, mukhang alam ko na kung ano. Nararamdaman ko na ngayon pa lang ang intensity ng feelings niya.

Napahawak na rin ako sa kamay niya. Tumingin siya sa akin at binigyan niya ako ng ngiti.

"Okay. Nandito kami sa harap ng gate 4," sabi niya kay Kuya Joey sa kabilang linya bago niya binaba ang tawag.

Kanina ko pa nararamdaman ang vibration sa aking bulsa mula sa cellphone ko. Wala akong ganang kunin iyon at tignan kung sino ang tawag nang tawag at text nang text sa akin. Mamaya ka na, okay...

Maya-maya ay may pumaradang isang white Montero sa aming harapan. Mabilis na binuksan ni Zieg ang pinto sa likod at inalalayan akong pumasok doon. Nang nasa loob na kami, nagulat ako nang hinubad niya ang polo niya. Halos mapasukan na ng langaw ang bibig ko nang makita ko ang biceps niya. Mabuti na lang at may puting sando pa siya kung di baka may lumabas na dugo sa aking ilong at tenga kapag nakita ko ang abs niya.

I bit my lower lip while examining his body. Napaka sexy ng lalaking ito. Bagay na bagay sakanya ang moreno niyang kutis. Lalo na ang braso niya...

Napayuko ako nang makita niya kong nakatitig sa katawan niya. Mahina siyang humalakhak at biglang pumulupot ang dalawang braso niya sa aking katawan at nilapit sakanya. Sobra akong nagulat lalo na nang maramdaman ko ang init ng katawan niya. His bared arms! Niyayakap ako ni Zieg Lloyd!

Nasulyapan ko na tumingin si Kuya Joey sa amin. Ngumuso ako nang ngumisi siya sa amin.

"Kuya Joey, wag ka tumingin sa amin. Nahihiya si Katarina," natatawang sabi ni Zieg at mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

Damn. Wala akong lakas na kumawala sakanya. At ayoko rin naman. I need this kind of hug right now. I need him. Please, Zieg, dito ka lang sa tabi ko.

Umiling si Kuya Joey habang ngumingiti. Nagsimula na siyang mag drive.

Napapikit ako. Nararamdaman ko ang mainit na hininga ni Zieg sa ulo ko.

"Paano si Shaira?" mahina kong tanong habang nakapikit.

"Don't worry about her." Pinatong niya ang kanyang baba sa ulo ko. "How about Maru Domingo?"

Napadilat ako bigla. Halos makalimutan ko na si Maru dahil kay Zieg! Dapat ay sabay kaming uuwi pero hindi natuloy dahil iniwan ko siya. Nauna na ako... kasama si Zieg.

Hindi ko na kailangan umalis sa pagkakayakap niya dahil siya na mismo ang bumitiw. Part of me was sad about that. Gusto ko pa ng yakap niya.

"Text him." Tumingin ako sakanya. Nakangiti siya sa akin. "Baka nag-aalala na siya sa'yo."

Kinuha ko ang cellphone ko. Nakita kong puro tawag at text ni Maru ang meron ako. Hindi ko na binasa ang lahat ng texts niya. Mabilis akong nagtype ng sasabihin.

Ako:

Sorry. May emergency lang kaya nauna na ko.

Tinago ko agad ang cellphone ko sa aking bulsa. Hindi ako makatingin kay Zieg. Alam kong hindi niya tinanggal ang titig niya sa akin mula kanina. Parang unti-unti akong tumitiklop...

Kung KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon