Kabanata 37
I Think
----------
Kinabukasan, sobrang bigat ng pakiramdam ko nang pumasok ako. Gusto ko nang sabihin sakanya. Gusto ko nang aminin kay Zieg na nagsinungaling lang ako. Pero sa tuwing naiisip kong mawawala ang kasiyahan sa mukha niya, umuurong ako.
"Katarina, where do you want to eat?" he asked me.
"Ako ang kasama niyang kakain," singit ni Maru.
Oh, please.
Tinignan lang siya ni Zieg. Mukhang wala siyang panahon na makipagtalo kay Maru ngayon. He looked at me and smiled.
"Saan mo gusto?" tanong niya ulit.
"Sa KFC na lang," sagot ko.
Sumama pa rin ako kay Zieg kahit ang laki laki na ng kasalanan ko sakanya. Mas gusto ko pa rin siyang kasama kesa kay Maru. Ewan ko ba sa sarili ko. Pati ako, litong lito na. Mahal ko si Maru pero mas gusto kong si Zieg ang palaging kasama ko. Hindi ko na nabibigyan ng pansin si Maru and I feel bad about it.
Nakapangalumbaba lang ako habang pinapanood siyang kumain. Mabilis akong natapos kumain dahil hinanda ko pa ang sarili ko para sabihin sakanya ang totoo. I don't love him. I just used him.
But then again, umurong na naman ako dahil nakita ko ang saya sa mukha niya. I've never seen him this happy before. He looked so contented. Ayokong sirain ang ngiti sa mukha niya.
Dumaan ang araw at mas lalo lang akong nakokonsensya. Pinapaniwala ko si Zieg sa kasinungalingan ko. Iyong kasinungalingan kong pwedeng makasira sa pinagsamahan namin. Naalala ko noon na sinabi niya sa akin na ginamit lang siya ng dalawang ex niya. Tapos ito ako ngayon... ginamit siya para sa sariling pagnanasa. Ang gago ko rin.
"Pwede ba kitang makausap?"
Nagulat ako nang may tumabi sa akin. Mag-isa lang ako rito sa gilid ng chapel. Nakita kong nakangiti sa akin si Shaira.
"Tungkol saan?" tanong ko. Umayos ako ng upo.
"About Zieg?"
Bumagsak ang mga balikat ko nang marinig ko ang pangalan ni Zieg.
"Bakit? Anong gusto mong pag-usapan tungkol sakanya?"
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako comfortable kay Shaira. Never ko pa siyang nakausap nang kaming dalawa lang. Ako na mismo ang umiiwas sakanya dahil isa siya sa mga babae ni Zieg. Pero nitong mga nakaraang araw, nakikita kong hindi na sila masyadong nag-uusap ni Zieg.
"Nakwento sa akin ni Zieg na umamin ka na raw na mahal mo siya?" Tinitigan niya ako. "Totoo ba iyon?"
Tinikom ko ang aking bibig. Hindi ako nakasagot.
"He was so happy about it, Katarina—oh I'm sorry. I mean Saeko. Nasanay kasi ako na tinatawag ka ni Zieg ng Katarina." Ngumiti siya. Isang ngiting hindi ko inaasahan na manggagaling sakanya. "Masayang masaya si Zieg. Alam mo ba iyon?"
Napalunok ako. "Bakit naman niya ikukwento sa'yo iyong tungkol sa amin?" hindi ko napigilang tanungin siya. I was mean, I know. But I couldn't help it.
Lumapad ang ngiti niya. "Oh, hindi mo ba alam? Tropa kami ni Zieg simula noong highschool. We were friends with benefits." Tumawa siya.
Nanlaki ang mga mata ko. "Talaga? So kilala mo rin si Leilani? Alam mo iyong tungkol sakanila?"
"Si Lala?" tumango ako. Lala rin pala ang tawag niya kay Leilani. "Oo. Kilala ko siya pati iyong isang ex ni Zieg. Si Marinan."
"Alam mo rin ba iyong ginawa nila kay Zieg?"
BINABASA MO ANG
Kung Kailan
RomancePiyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo lang ang tunay na halaga kapag hindi na kayang maramdaman pa ng palad mo ang bagay na iyon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Wala kang magag...