Kabanata 48
Wipe Your Tears
----------
Natameme ako sa sinabi niya. Hindi ko agad naprocess sa utak ko ang pagtatapat niya. She was the one who killed Felix Co?
Ilang beses akong lumunok dahil nagsimulang manuyo ang lalamunan ko.
"Hindi kami maaaksidente kung hindi ko siya kinulit. Kung hindi ko siya inaway. Alam kong natatakot pa siyang magdrive kasi wala pa siyang license pero hindi ko na kinaya, Ate Katarina..."
Yumuko siya at pinunasan ang kanyang mukha. Tahimik siyang umiiyak. Tumayo ako at hinimas ang likod niya.
"We loved each other. I fell for my brother's bestfriend. He fell for his bestfriend's little sister. Mahal namin ang isa't-isa pero ayaw niyang ipaalam kay kuya kasi may usapan silang walang talo-talo." Humikbi siya. Mas lalo kong hinimas ang likod niya. "He was so true to his words. Kahit mahal niya ako, wala siyang ginawa. Hindi niya ko niligawan. He was a great and loyal bestfriend at sobra akong nagalit at nasaktan doon."
Umiwas ako ng tingin kasi hindi ko siya matignan nang diretso habang umiiyak siya. Sumisikip ang dibdib ko. Hindi ako handa sa ganito. Masyadong mabigat sa pakiramdam.
"Papayag naman si kuya kapag sinabi namin pero ayaw niya. Ayaw niya kasi he already fell out of love. May iba na siyang gusto..." pumiyok ang boses niya. Humagulgol na siya. Kinagat ko ang labi ko at umupo para pantayan siya. Mas lalo ko pang hinimas ang likod niya. "Sa sobrang galit ko noong araw na iyon, inaway ko siya habang nagdadrive siya. I lost it all. I physically hurt Felix. And the accident happened. He died because of me..."
Pulang pula na ang mga mata at ilong niya. Hindi ko alam kung paano siya papatahanin o papatahanin ko ba siya. She badly needs it. She needs to let out all her agony and pain. Mukhang matagal na niyang tinago ito.
"Hindi ko ito masabi kina kuya. Natatakot akong makita ang family ni Felix. Wala silang alam sa totoong nangyari. It's my fault. I'm so scared and guilty but it needs to be done. Para rin ito sa akin. Para mapalaya ko na ang sarili ko. Para gumaling na ako. This isn't about my inability to stand and walk. It's about my sanity. Mababaliw na ako sa sobrang konsensyang nararamdaman ko."
Bumuka ang bibig ko para magsalita pero agad ko rin itong sinara. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Sa tingin ko ay walang tamang salita para pagaanin ang loob niya. I just need to be here. Kahit hindi na ko magsalita. Ang presensya ko lang ang kailangan niya ngayon.
"I dreamt of him last night. I wanted to hug him so bad. I wanted to say my sorry. I wanted to feel him again..." Niyakap niya ako at mas lalong humagulgol sa balikat ko. "Ang sakit sakit kasi hindi na pwede..."
"Wherever Felix Co is, I'm sure he will be happy to see how much you love him. But he will not be happy if he sees you crying. Everything's gonna be alright, Zylie. Nandito lang ako. Kami ng Kuya Zieg mo..."
Tumagal pa ang pag-iyak niya. Pinatahan ko siya kasi ayoko namang makita kami ni Zieg na ganito.
"Gusto mo samahan kita kapag sinabi mo na sa kuya mo? Kay Tita Zenia?"
Naramdaman ko ang pag-iling niya. "A-Ako na lang..."
Siya na ang unang bumitaw sa yakapan. Sobrang pula ng ilong pati na ang mga mata niya. Humikbi siya nang paulit-ulit.
"You know, I've learned my lesson in a painful way. Kung kailan nawala na siya tsaka ko lang maiisip ang lahat." Ayan na naman tayo sa salitang kung kailan. I hate those words. "Ate Katarina, kapag hindi na pwede, hindi na talaga pwede. You must accept the fact it's not gonna happen whatever you do. When the world says no, it's really a no. You can't force something to happen just because you want it for your own sake."
BINABASA MO ANG
Kung Kailan
RomancePiyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo lang ang tunay na halaga kapag hindi na kayang maramdaman pa ng palad mo ang bagay na iyon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Wala kang magag...