Kabanata 46

1.2K 18 0
                                    

Kabanata 46

Guide Us

----------

Simula noong araw na sinabi ni Zieg na hindi namin kayang i—work out ang relationship namin, hindi ko na siya pinansin pa ulit. Hindi rin naman niya ako pinansin. Hinayaan niya lang akong umiwas sakanya. Hindi ko alam kung pinapangunahan siya ng pride kaya hindi niya ko pinapansin o talagang mas gusto niyang ganito kami. Unti-unting nasisira.

Akala ko ba mahal namin ang isa't-isa? Bakit hindi namin maayos itong problema namin? Hindi pa ba sapat ang pag-ibig na nararamdaman namin?

Alam ko naman na kulang pa sa tatag ang pagsasamahan namin. Kakakilala ko lang sakanya. He became my self-proclaimed guy bestfriend. And then after some months, he became my boyfriend. Sobrang bilis ng mga pangyayari.

Kaya siguro ganito na lang ang nangyayari sa amin dahil kulang ng pundasyon ang samahan namin. We needed time to build a strong and healthy relationship. But we already lost it. Pinangunahan namin ang panahon.

Hindi ko inaasahan na tatagal ang hindi namin pagpapansin nang tatlong araw. Halos si Shai na ang palagi kong kasama. Kung hindi naman niya kasama sina Eddie at Nico, minsan ay siya lang ang mag-isa. Napapansin ko rin na parang hindi na siya iyong katulad dati. Nawala na ang pagiging playful at cheerful niya. Namimiss ko na rin ang nakakainis niyang ngisi.

Pinilit kong itutok ang buong atensyon ko sa mga gamit ko habang pinapasok ko iyon sa aking bag. Gustong gusto kong tignan si Zieg habang nilalagay niya ang kanyang string bag sa likod niya. Gusto ko siyang yakapin nang sobrang higpit. Namimiss ko na siya.

Sinundan ko ng tingin ang likod niya nang lumabas siya ng room. Hindi na siya nagpaalam sa akin.

I bit my lower lip so hard it hurts.

"Tara na, Katarina!" yaya ni Shai.

Mas mariin kong kinagat ang labi ko nang tawagin niya akong Katarina. I miss his voice so much. I miss him calling me Katarina..

Hindi ko matignan si Shai kasi pakiramdam ko maiiyak na ako.

"Tinatawag ka niya," singit ni Maru.

Napatingin ako sakanya. Hindi pa rin siya umaalis ng room.

Iniwasan ko ang tingin niya bagkus binalingan ko si Shai. Naiinip niya akong tinitignan.

Bumuntong hininga siya. "Hindi pa rin ba kayo ayos?"

Gusto ko siyang hatakin palabas. Bakit pa niya kailangan itanong iyon sa harap ni Maru? Hindi ako kumportable.

Kinuha ko na lang ang bag ko at niyaya siyang lumabas na. Siguro napapansin na rin ng lahat ng blockmates namin ang hindi namin pagpapansinan ni Zieg. Alam nilang may mali. Alam nilang may problema. Pero hindi nila alam kung ano ba talaga ang mali at problema. Tanging si Shaira lang ang may alam.

"Alam mo, pag-usapan niyo nga ni Zieg ang problema niyo. Kung maghihiwalay kayo, edi maghiwalay kayo sa magandang paraan. Kung pagpapatuloy niyo ang relationship niyo kahit na tutol ang parents mo, edi maganda. Be strong," inis niya sinabi.

Siguro naiinis na rin siya sa mga nangyayari sa amin ni Zieg. Pati kasi siya nadadamay. Alam ko naman na gusto niyang kasama si Zieg pero hindi niya ako maiwanan dahil kaibigan niya rin ako. Hindi niya alam kung sino ang sasamahan niya.

"Hindi ko gustong mag break kami. Hindi ko gusto sa idea niya. Si Zieg lang naman ang may gusto kasi natatakot siya sa mga magulang ko."

Sinubukan kong bumuga ng hininga dahil nahirapan akong huminga.

Kung KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon