Kabanata 1

4.4K 75 6
                                    

Kabanata 1

Athena-Kenji Kuno

"Mahal kita pero, pero, pero bata pa tayo. Hindi ko pa kaya. Marami pa tayong inaasikaso."

—————

 

"Dismissed." Last word ng prof namin bago siya umalis ng room.


Tinatamad pa kong tumayo. Ayoko kasing lumabas. Umuurong ang mga paa ko dahil alam ko, paglabas ko ng kwartong ito, makikita ko ulit siya. Parehas kami ng room. Salit salitan kumbaga. Kapag papasok sila, kami naman lalabas. Kapag lalabas sila, kami naman ang papasok. Parehas kami ng ibang profs. Ano pa ba ang aasahan ko? Eh parehas kaming BSBA eh. Magkaiba lang kami ng time ng pasok. 9 am siya at ako naman 7:30 am.

Hay, Maru. These past few days, ganito na palagi ang nararamdaman ko. Para akong kinakabahan na ewan sa tuwing naiisip kong magkikita tayo o magkakasalubong man lang. Hindi ko expected na ganito ang mararamdaman ko after kitang sabihan ng mga masasakit na salita. After kitang i-reject. After kong sabihing "Begone".

Masyado kang masunurin, Maru. Umalis ka nga sa buhay ko. Nawala na parang bula. Mas pinili ko kasi ang pangarap at pamilya ko kesa sayo. Pasensya na.


"Hoy! Tara na! Papasok na sila Maru, oh." Hinampas ako ng napakalakas ni Yuni, blockmate ko na ka-close ko.


Napatingin naman ako sa pintuang punong-puno ng estudyanteng papasok na sa room namin. Nakita ko si John na Koreanong kaibigan at ka-blockmate ni Maru. Si John pa lang ang nakita ko pero sobra na kung kumabog ang puso ko. Alam kong anytime, susunod nang papasok si Maru. Kaya naman mabilis kong kinuha ang backpack kong kulay violet at walang ayos ayos sa sariling nilandas ko ang daang palabas ng room. Dapat sa sitwasyong ganito, sa kabilang pinto ako lalabas pero mas pinili kong makasalubong si Maru. Gusto kong i-testing ang puso ko kung kakabog pa rin ng sobra sobra kapag nagkasalubong kami, na palaging nangyayari sa araw-araw.

Nakita ko siyang mabagal na naglalakad papasok ng room habang may binabasang mga notes galing sa yellow paper niya. Panigurado, may quiz sila kaya naman todo review siya. You're smart, Maru. I know. You don't need to review.

Agad akong siniko ni Precis na blockmate kong ka-close ko rin. Wala silang alam sa nangyari sa amin ni Maru nung nakaraang linggo kaya naman todo kilig sila nang magkatamaan ang mga mata namin ni Maru. Nasabi ko na ba sainyo na hindi lang pagbilis ng tibok ng puso ang nangyayari sa akin kapag nandyan si Maru? Nagkakabuhol buhol din ang bituka ko sa kaba, nabablanko ang utak ko, gusto ko siyang tawagin pero umuurong ang dila ko, pinagpapawisan ako ng malamig na para bang magrereport ako sa isang subject at wala akong alam sa report ko kaya kung anu-ano na lang ang nararamdaman ko. At higit sa lahat, tumitigil ang mundo ko.

Gustong gusto ko siya. Mukhang hindi nga lang gusto. Mahal ko na ata siya. Pero nangingibabaw pa rin yung nararamdaman kong pagsisisi.

Saglit lang niya kong tinignan at tinuon agad ang paningin niya sa yellow paper. Nilagpasan niya ko na palagi niyang ginagawa these past few days. Siya ang huling pumasok kaya siya ang nagsara ng pinto ng room. Sumulyap ako sa maliit na fiber glass ng pinto para tignan siya sa loob ng room. Hindi ko na makita ang mukha niya. Ang kulay violet na lang niyang backpack ang nakita ko. Parehas kasi kami ng kulay ng bag.

Kumirot ang puso ko dahil sa pagsisisi.


"Anyare? Bakit ang cold niya ata nitong mga nakaraan?" Tanong sa akin ni Yuni.

Kung KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon