Kabanata 25
Hindi Ako Aalis
----------
"Sae, hindi ka sasama sa akin? Never ka pang nag duty since sembreak?" tanong ni Ate Lousha.
Ngumiwi ako. "Bakit may duty pa rin kahit sembreak na? Ganoon ba karami ang trabaho ng student council?"
Siya naman ang ngumiwi. "Kailangan matapos iyon bago magsimula ang second semester. Kulang ang oras kapag may pasok kaya kailangan magtrabaho kahit sembreak na."
"Wala naman bayad iyan," matabang kong sagot.
"What's your problem ba?" kumunot ang kanyang noo. "Parang ang bitter mo ngayon sa SC, ah?"
Umiling ako. "Hindi ako bitter. Ayoko lang talaga mag duty ngayong sembreak."
Tumango si Ate Lousha pero hindi pa rin nawawala ang kunot ng kanyang noo. "Ikaw ang bahala..." sabi niya tsaka umalis.
Bumuntong hininga ako. Hindi ko rin alam kung bakit ako ganito ngayon. Simula noong nangyari sa akin noong finals, iyong nahuli akong nanduga, naiba na ang pananaw ko tungkol sa mga bagay-bagay.
Una, ayoko nang pilitin ang sarili kong gawin ang mga bagay na hindi ko naman kaya. May limit ang kakayahan ko. Hindi ako superhero. Tao ako. Hindi ko kailangan ipakita sakanila na magaling ako.
Pangalawa, I realized something. Nawawala na ako sa sarili ko. Nagpakain ako sa insecurities ko at hinayaan ko itong kontrolin ako. Hindi ko namalayan na nasasaktan ko na ang mga tao sa paligid ko. Ang mga kaibigan ko pati na rin ang sarili ko. I even did something bad like cheating na kailanman ay hindi ko ginawa noon. Nagpadala ako sa inggit at takot. Inggit sa mga kaibigan ko at mga kapatid ko. Takot na baka mahigitan nila ako.
Pangatlo, ayoko na. I will continue being a competitive person pero hindi na dahil para maipakita sa mga magulang kong kaya ko rin gaya ng mga kapatid ko. I will continue for myself, not for the others. Pagod na akong humingi ng atensyon sakanila. Kung ayaw nila sa akin, or kung wala silang pakialam sa lahat ng ginagawa ko, o kung hindi nila matanggap na hindi ako kagaya nina Kuya Ashton at Ate Lousha, edi okay. Okay na iyon sa akin. Hindi na ko hihingi ng atensyon nila. Kung ano lang ang kaya nilang ibigay sa akin, tatanggapin ko iyon. Hindi ako magrereklamo. Hindi na. Hindi na ulit. Dahil ang pagiging uhaw ko sa atensyon ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa akin.
Ang prinsipyo at pangarap ko ang dahilan kung bakit nawala sa akin si Maru.
Ang insecurities at inggit ko ang dahilan kung bakit nasaktan ko ang mga kaibigan ko.
Ang pagiging uhaw ko sa atensyon at ang kagustuhang malagpasan ko ang mga tao sa paligid ko ang dahilan kung bakit nakakagawa ako ng mga bagay katulad ng pandadaya.
Ayoko na. Hanggang dito na lang talaga ako. I already reached my limit and that's it. I'm done seeking for my parents' attention. I am their daughter. Dapat ay tanggapin nila kung hanggang saan lang ako.
Nakatunganga ako habang hinihintay ang grades kong lumabas sa portal ng FEU. Tatlong araw na ang nakalipas simula nang magsembreak at ito ako, babad sa mga panonod ng movies. Ngayon ko lang titignan ang grades ko for first sem.
Nang lumabas ay agad kong hinanap ang grade ko sa College Algebra. Bumuga ako ng hangin. Yes, pasang-awa.
Okay na sa akin ang pasang-awa. Ayokong bumagsak. Mas mabuti na iyon kesa magkaroon ng pulang Failed sa record. At ayoko na rin umulit. The summer is for me to enjoy it with other things. Hindi ko sasayangin ang summer break ko para i-take ulit ang bagsak kong subject.
BINABASA MO ANG
Kung Kailan
RomansaPiyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo lang ang tunay na halaga kapag hindi na kayang maramdaman pa ng palad mo ang bagay na iyon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Wala kang magag...