Kabanata 4

1.9K 47 7
                                    

Kabanata 4

One Hello

"One hello is how it starts. You might win it all or lose your heart..."

—————

Hindi ako mapakali habang nagsasalita ang prof namin. Pinapaliwanag niya ang isang problem sa kanyang subject na Physical Science. Dapat nakikinig ako sa kanya para madagdagan pa ang kaalaman ko pero nag-iinit ang pwet ko na parang sinisilaban.

Gusto ko na kasing lumabas...

Napatingin sa akin si Yuni na katabi ko para sa subject na ito. Palihim niya kong kinurot sa braso kaya lukot ang mukha kong napatingin sakanya.

"Aray, ha. Ang sadista nito. Bakit?" Bulong ko sakanya.

"Lumabas ka na nga lang. Naiirita ako sa'yo. Atat lang makita si Maru?"

"Hindi ako atat."

"Edi hindi." Siniko pa niya ko. "Suyuin mo siya na parang patay na patay ka sakanya. Maganda 'yang gagawin mo. Tss.."

Sa kanilang tatlo nina Opera at Precis, siya lang ang tutol sa gagawin kong paghahabol. Tinaboy ko na raw kaya dapat ay hindi ko na habulin pa. Nasaktan na 'yung tao. Magsorry na lang daw ako. Nakakababa raw sa pagiging babae ang manuyo.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. May punto naman siya, eh. Kaso... gusto ko lang talaga mabalik kami ni Maru. I want to chase all of my dreams. And he is one of those.

Talagang pinanindigan ko na hindi pakikinig buong oras sa subject na ito. Ayokong pilitin dahil wala rin naman patutunguhan. Nag-isip na lang ako ng mga bagay bagay. Nag-isip kung anong mga sasabihin ko kay Maru.

"Baka naman masira ang studies mo diyan. Wag ka kasing makinig kina Opera." Sabi ni Yuni habang nililigpit na ang mga notebook at libro niya sa kanyang bag.

Nag dismissed na pala ang prof at hindi ko man lang namalayan. "Hindi iyan." Sagot ko sakanya at sinimulan na rin ang pagtatago ng notebook at librong hindi ko naman nagalaw.

"Hindi raw..." She trailed off. "Eh hindi ka nga nakinig ngayon. Nako, Saeko. Sinasabi ko sa'yo. Magsorry ka lang and that's it. Wag kang maghabol. Parang di ka babae." Nilagay na niya sa kanyang likod ang kanyang itim na jansport na backpack.

Napakagat ako ng labi. Hindi na lang ako nagsalita. Ayokong makipagtalo sa babaeng ito at baka saktan pa ko.

Lumapit sa amin sina Precis. Malaki ang ngiti nila sa akin. Alam ko na ang mga ngiting 'yan. Naeengganyo sila sa gagawin kong paghahabol sa lalaking naghabol din sa akin noon pero tinaboy ko.

"Nakakainis 'yang mga ngiti niyo. Sarap tanggalin, eh." Ngumiwi si Yuni.

Umirap si Opera sakanya. "Ang KJ mo! Hindi mo na lang suportahan si Saeko!"

"She deserves to have a happy ending." Dagdag pa ni Precis.

Nalukot ang mukha ni Yuni sa sinabi ni Precis. "Ayan! Ayan ang napapala mo sa panonood ng anime, Precis!"

"Eh bakit? Maganda naman ang mga anime! Anong problema mo sakanila?" Ngumuso si Precis.

"Ang weird mo kasi!" Sabat ni Opera at tumawa pa.

Tinitignan ko lang silang nagbabangayan sa harap ko. Kami na lang ang naiwan sa loob ng classroom kaya iniwan ko na lang sila. Nakakahiya naman sa susunod na klaseng gagamit ng room.

Kung KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon