Kabanata 13
True Feelings
----------
Nginitian ko muna si Mark bago ko sundan si Maru palabas ng SC office. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Sobrang lakas. Halos naririnig ko na ang tibok nito. Hindi mapakali ang mga daliri ko sa paa. Kinakabahan ako. Mag-uusap kami ni Maru. Kaming dalawa lang.It's been a long time since magkausap kami nang ganito. . . iyong seryoso.
Napatingin kami ni Maru kay Zieg na naghihintay sa harap ng office. Nakasandal siya sa pader habang may kinakalikot sa phone ko. Nanlaki ang mga mata ko at sinaway siya.
"Zieg!" impit kong sigaw.
Nakaawang ang bibig niya nang tapunan niya ko ng tingin. Ngumisi siya at tsaka pa lamang niya nakita si Maru sa tabi ko.
Hindi niya pinansin si Maru. So bakit naman papansinin ni Zieg si Maru? Magkakilala ba sila? Hindi naman. Ano ba 'tong mga iniisip ko.
"Your pictures are so charming, Katarina," sabi ni Zieg nang tignan ulit ako.
Hindi ko maiwasang mapangisi. "Well, thanks." Humalakhak pa ko.
Binaling ko ang tingin ko kay Maru na seryosong tinitignan si Zieg. I poked his arm. He looked at me.
"Mag-uusap lang kami, Zieg. Sandali lang. Sa'yo muna phone ko," sabi ko, nakatitig kay Maru.
"Got it," bored na sagot ni Zieg.
Nauna na kong maglakad papunta sa dulo, sa tagong parte ng ground floor. Hinintay kong sumunod sa akin si Maru. Nang nasa harap ko na siya, nagsalita ako.
"Bakit di ka sumipot?" tanong ko, pinipilit na wag mabasag ang boses.
Tumagilid ang ulo niya. "Huh?"
May kumirot sa dibdib ko. Huh?
Mariin kong kinagat ang labi ko. Alam kong alam niya ang tinutukoy ko pero nagmamaang maangan lang siya. Halatang halata sa ekspresyon ng mukha niya na pinipilit niyang maging inosente sa tanong ko.
"Diba niyaya mo kong samahan kang bumili ng contact lens? Hindi mo ko pinuntahan sa SM Fairview kahapon. Hindi ka rin sumagot sa mga tawag ko. Sa mga texts ko. Sineen mo pa ko."
Mas lalong tumagilid ang ulo niya. Pinilit kong mag poker face. "Ah. Iyon ba. May iba na kong kasama kahapon. Hindi ba kita nasabihan na hindi tuloy?"
Uminit ang ulo ko sa sagot niya. "Hindi!" Iyon na lang ang nasabi ko kahit na gustong gusto ko siyang murahin.
Tumango siya na mas lalong nagpainit ng ulo ko. "Nakabili na ko. Okay ba?" Tinuro niya ang kanyang mga mata.
Naiinis ako. Nayayamot ako sakanya. Kung makapagsalita at umasta siya ay parang wala siyang kasalanan sa akin.
I clenched my fists. Kahit na gusto ko siyang saktan ay hindi ko magawa. Masyado siyang gwapo ngayon. Nakakawala ng galit.
Wala sa sariling napatitig ako sa mga mata niya. "Clear contact lens?" mababang boses na tanong ko. Di ako makapaniwala na nawala na lang bigla ang inis ko.
"Yup."
Mas lalo kong tinitigan ang mga mata niya. Pansin kong mas lalong kuminang ang eyeballs niya ngayon. Parang. . . gusto kong halikan ang mga ito.
"Mas lalo kang naging pogi ngayon." Tinakpan ko ang bibig ko. What the hell? Hindi ko intensyong sabihin iyon nang malakas.
Humalakhak siya. "Alam ko. Kuminang ang mga mata mo habang tinititigan ako kanina, eh."
BINABASA MO ANG
Kung Kailan
RomancePiyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo lang ang tunay na halaga kapag hindi na kayang maramdaman pa ng palad mo ang bagay na iyon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Wala kang magag...