Kabanata 9

1.5K 35 2
                                    

Kabanata 9

No Replies

"My pain is knowing I can't have you. I can't have you..."

—————

Nagdidiwang na ang lahat ng cells ko sa katawan nang umupo ako sa tabi ni Ate Lousha sa gitnang parte ng fx. Sumunod si Maru at tumabi sa akin. May isa pang FEU student na lalaki ang umupo sa tabi niya saka sinarado ang pinto. Puro estudyante ng FEU ang laman ng loob ng fx. Para kaming sasabak sa gyera sa ibang university.

Nagbayad na kami sa driver. Akala ko nga ay ililibre ako ni Maru pero hindi! Asa pa ako! Estudyante pa lang din siya. Malamang naman ay nagtitipid din siya ng allowance kagaya ng ginagawa namin ni Ate Lousha. Scholar ang ate ko dahil varsity player siya pero sobra pa rin ang pagtitipid na ginagawa niya kahit na binibigyan siya nina mama ng sobrang pera.

At ito namang katabi ko, nasabi ko na ba sainyo na isa rin siyang scholar? Malamang may allowance rin siya galing sa school at meron pang allowance galing sa mga magulang niya. Nang mag entrance exam kasi siya ay mataas ang nakuha niyang score kaya ayan, scholar si Maru. Ang alam ko ay balak niyang mapasama sa Dean's list, eh. Edi siya na matalino. Ako na hindi. Sila na, okay? Sila na.

Humilig ako sa sandalan at ramdam ko ang pag-usog ni Maru palayo sa akin. Ngumuso ako sa ginawa niya. Ayaw niya ba kong katabi? Mukha ba kong nakakadiring nilalang?

Binaon ko ng titig ang maputi niyang batok. Diretso lang siyang nakaupo at nakapasak sa dalawang tenga niya ang kanyang puting earphones. I wonder kung anong tumutugtog sa playlist niya.

Sobra akong naninibago. Hindi kami sabay ng sched kaya malabong magkasabay kami ng pasok at uwi. Minsan nagkakataon na magkasabay kami kapag wala akong prof sa unang subject at nagkikita kami minsan sa loob ng fx. Kapag may mga activity period lang kami sabay umuwi. Sobra ang pagkadaldal niya sa byahe dati pero ngayon ay hindi na. Hindi niya na ko dinadaldalan ng kung anu-anong topics. Palagi kong dinadala ang topic kung saan una kaming nagkita noong Tatak Tamaraw at pinapaalala ko sakanya ang paghawak niya sa dibdib ko. Panay ang sorry niya sa nagawa niya dati. Aniya'y nabigla rin daw kasi siya sa pagkahulog ko kaya natataranta niya akong sinalo. Hindi niya napansin na sa dibdib ko dumapo ang mga palad niya. Simula noon ay inaasar ko na siyang manyak. Pero ngayon... hindi ko na magawa.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtingin ni Ate Lousha sa amin ni Maru. Kilala na ni ate si Maru dahil miyembro siya ng IABF SC Power Band. Nakilala niya si Maru dahil palagi itong nakabuntot sa akin noon. Alam ko rin na may hinala na siya sa aming dalawa pero hindi siya nagsasalita. At alam ko rin na napapansin niya na hindi na kami katulad ng dati. Ang hindi niya alam ay pinagtabuyan ko si Maru nang manligaw siya sa akin. Natakot ako. Sobra. Kaya kahit gusto ko na rin siya ay hindi ako pumayag at nanaig sa akin ang mga priorities ko sa buhay.

At dito ako dinala ng desisyon ko—ang sobrang pagsisisi. I think I made a very, very wrong decision. Silly me.

Pumikit ako sa sobrang pagkabadtrip ko sa sarili ko. Naramdaman ko ang pagsandal ni ate sa bintana at alam kong matutulog siya sa buong byahe. Masama ang pakiramdam niya. Kailangan niyang magpahinga sa isang oras na byahe.

Habang nakapikit ako, pinapanalangin ko na sana ay traffic para naman tumagal ang byahe namin. Gusto kong tumagal ang sitwasyong ito. Gusto ko pang makatabi ang tahimik na si Maru. Gusto ko pang maamoy ang bango niya kahit na iba't-ibang klase na ng pabango ang naaamoy ko sa ere. Wow! Kahit gabi na at pawisan kami dahil sa Slam Jam ay mabango pa rin ang mga estudyanteng ito! Binuhos kaya nila ang kanilang pabango sa kanilang katawan bago umuwi? Kung ganon, kawawa naman ang mga pabango nila. Nakipagsapalaran sa mga pawisan nilang katawan.

Kung KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon