Kabanata 41
You Can't Have Me
----------
Hinatak ko si Zieg papuntang hagdanan. Mabilis ang paghinga ko dahil sa ginawa ko. Binitiwan ko siya at hinarap. Malaki ang ngisi niya habang tinitignan ako.
"You just declared a war with Lala," sabi niyang kinainis ko.
"Stop calling her Lala!" bulyaw ko. "I didn't declare a war. Sinabi ko lang kung gaano siya kaewan. Gusto kong ipamukha sakanya na sa akin ka na. Ex na lang siya."
Mas lalong lumaki ang ngisi ni Zieg. "I didn't know you have this side, Katarina. Territorial and possessive."
I pouted. "Ayoko lang na may kaagaw ako. Alam ko naman, e. Sa itsura mong iyan maraming magkakagusto at hahabol sa'yo. Tapos ang landi mo pa. Talagang maraming lalapit sa'yong mga babae."
Natawa siya. Iyong tawang parang nasaktan. "Ouch, Katarina. Palagi mo na lang akong sinasabihang malandi. Nasasaktan ako."
"Malandi ka naman talaga," I teased.
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at siya mismo ang nagpulupot noon sa kanyang baywang. Namumula ko siyang tinignan. He was showing me his beautiful smirk.
"Ikaw na lang naman ang lalandiin ko ngayon." Pumulupot ang kanyang mga braso sa balikat ko. "After all, you are my one and only Katarina. You are my girlfriend. I don't have the guts to flirt with some random girls."
"Paano si Leilani?" I asked.
"Hayaan mo na siya. I don't love her anymore."
"Eh iyong isa mong ex? Si Marinan?"
Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong. Kailangan kong marinig mismo sa bibig niya na wala na siyang babae. Ipamukha niya sa akin na hindi niya na mahal iyong dalawang ex niya.
Nilayo niya ako sakanya. Humigpit ang pagkakapulupot ng mga braso ko sakanyang baywang para hindi kami magkahiwalay. Tumaas ang kilay ni Zieg.
"How did you know her?"
"Sinabi sa akin ni Shaira. Nasaan siya, Zieg? Nandito rin ba siya sa FEU?"
Umiling siya. "I... I don't know. Wala na kong balita sakanya. Hindi ko na siya kinausap simula noong birthday niya. Simula noong naaksidente sina Zylie at Felix." Lumungkot ang boses niya.
Nainis ako sa sarili ko dahil nagtanong pa ako tungkol kay Marinan. Siya pala iyong ex ni Zieg na dahilan kung bakit hindi niya nasundo noon si Zylie. Aniya ay hindi raw siya pinaalis ni Marinan noong birthday niya kaya humingi siya ng favor sakanyang bestfriend, si Felix, na siya na lang ang sumundo kay Zylie. And that accident happened.
"Don't feel bad, Katarina." Niyakap niya ulit ako. "I don't know where she is. Maybe she's in the UST. You know, I wanted to hate her but I knew all along that it was truly my fault. Kung hindi ko lang dinala iyong sasakyan ko. Kung iniwan ko na lang sa bahay at hinayaan si Kuya Joey na i-drive iyon. Kung hindi ko sana inutusan si Felix na sunduin ang kapatid ko..."
"Zieg," I stopped him. "It's okay. Kung ayaw mong pag-usapan si Marinan, okay lang. Wala naman na siya sa buhay mo. Hindi mo na siya mahal kasi ako na ang mahal mo, diba?"
He sighed. "Yeah. I'm sorry. I lost my cool again."
Umiling ako. "Ano ka ba, okay lang."
Kumalas siya sa yakap namin. Kinuha niya ang mga braso ko at tinanggal sa baywang niya.
"Pumasok na tayo sa room. Baka nandoon na si ma'am. Wala ka pang assignment, right?"
Suminghap ako. "Oh my God, Zieg! Nakalimutan ko na iyong assignment ko sa Natsci! Iyang si Leilani kasi, eh!"
BINABASA MO ANG
Kung Kailan
RomancePiyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo lang ang tunay na halaga kapag hindi na kayang maramdaman pa ng palad mo ang bagay na iyon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Wala kang magag...