Kabanata 42
Grounded
----------
Lumabas ako ng SC office pagkatapos kong ibigay ang ginawa kong letter na naglalaman ng pag-alis ko bilang member ng Student Council. Sa huling pagkakataon ay tinignan ko ang pintuan ng SC office.
Bumuntong hininga ako. Parang dati lang ay gustong gusto kong mapabilang sa mga student leaders pero ngayon halos wala na kong pakialam at ako na mismo ang umayaw. Nawalan na ako ng interest sa pagiging student leader. Sa totoo lang hindi ko gusto iyon. Hindi ako naging student leader dahil sa sariling kagustuhan. Isa lang naman ang dahilan kung bakit pumasok ako. Para matapatan si Ate Lousha at malaman ng mga magulang ko na may ipagmamalaki rin ako.
Pero sa bandang huli, iyong kagustuhan mo pa rin pala ang masusunod.
Pinuntahan ko si Zieg sa Freedom Park. Ang sabi ko kasi ay hintayin niya na lang ako roon. Pagdating ko ay nakita kong kausap niya si Shaira. Nagtatawanan pa sila. Nakita agad ako ni Zieg kaya napatayo siya.
"Napasa mo na?" tanong niya.
Tumango ako. "Yup." Tumingin ako kay Shaira.
"Kain muna raw tayo sabi ni Shai. Sa SM Manila lang. Friends na pala kayo?" natatawang tanong ni Zieg.
I pouted. "Bakit ka natatawa?"
Umiling siya pero natatawa pa rin. Tumawa na rin si Shaira.
"Wala. Hindi lang ako makapaniwala na may kaibigan ka na ulit."
That made me smile. "One friend is enough for me," I added. "Tska may isa pa akong kaibigan. Ikaw..."
Hindi siya nakatawa dahil sa sinabi ko. "I'm your boyfriend now, Katarina."
"And my guy bestfriend too," dagdag ko.
Umiling siya. Pumorma na ang ngisi sa labi niya. "If that's what you want then I'll be your boyfriend and guy bestfriend at the same time."
Hinawakan niya ang kamay ko at lumabas na kami sa gate 4. Nandoon na ang Montero niya sa aming harapan pagkalabas. Binuksan ni Zieg ang pinto sa backseat. Pinauna niyang pinapasok si Shaira at sumunod ako. Napasimangot ako. Hindi ko alam kung bakit.
Buti hindi nila napansin ang simangot sa mukha ko. Umiiral na naman ang pagiging selosa at selfish ko. Nagiging uhaw na naman ako sa atensyon. Ayokong magkaroon ng lamat ang friendship namin ni Shaira dahil kakasimula pa lang namin. But I can't help it. Nasanay ang sarili kong palaging inuuna ni Zieg. Nasanay akong sa akin lang ang atensyon niya. Tapos ngayon kasama namin si Shaira. Iyong kaibigan niyang nilalandi niya lang recently na kaibigan ko na rin.
Am I that bad if I want someone's attention so much?
Tikom lang ang bibig ko habang pumipili kami ng makakainan sa SM Manila. Kahit hawak ni Zieg ang kamay ko, na kay Shaira ang atensyon niya dahil nag-uusap sila tungkol sa sayaw namin para sa PE. Okay, sila na ang dancers.
"Saan mo gusto kumain, Katarina?" tanong ni Zieg.
Umiwas ako ng tingin sakanilang dalawa dahil natatakot akong mahalata nilang naiinis na ako. Or rather nagseselos.
"Kahit saan," I plainly said.
Nakita kong nagkatinginan sila at palihim na ngumiti sa isa't-isa. What the heck?
"Sa Tokyo Tokyo na lang. Libre naman ni Zieg, eh..." sabi ni Shaira.
Zieg made a comical face. "Damn. Ikaw nagyayang kumain tayong tatlo tapos ako pala ang magbabayad?" sabi niya pero nanguna na siyang pumasok sa Tokyo Tokyo.

BINABASA MO ANG
Kung Kailan
RomancePiyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo lang ang tunay na halaga kapag hindi na kayang maramdaman pa ng palad mo ang bagay na iyon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Wala kang magag...