Kabanata 27

1.3K 25 4
                                    

Kabanata 27

A Night Before November

----------

"Saan ka na naman pupunta?" bungad agad na tanong sa akin ni Ate Lousha.

"Kina Zieg lang," simpleng sagot ko.

Nitong mga nakaraang araw, madalas na akong pumunta sa bahay nina Zieg. Bukod sa naadik na ako sa panonood ng Game of Thrones, naging close ko na rin si Zylie at madalas kaming mag fangirl sa mga iba't-ibang artista.

"Araw-araw ka na sa bahay nila." May himig ng malisya ang boses niya. Tumaas ang kilay ko. "May something ba sainyo?"

Sumimangot ako. "Friends lang kami. Pati iyong kapatid niya."

Tumalikod agad ako para hindi na siya magtanong ulit. Mabilis ang lakad ko paalis ng bahay.

Mabilis lang naman ang byahe papunta sa bahay nila. Parang nasasanay na nga ako. Parang normal na sa akin ang pagpunta sa bahay nila. Parang hindi buo ang araw ko kapag hindi ko nakikita ang pamilyang iyon. Lalo na ang mommy niya na parang anak na ang turing sa akin.

"Oh, ang aga mo ata?" ngumisi si Zylie nang makita akong pumasok sa bahay nila.

Nakaupo siya sa kanyang wheel chair habang nanonood sa malaking tv nila. Biglang lumabas si Tita Zenia mula sa kusina. Binigyan niya ako ng mainit na ngiti bago hinalikan sa pisngi. Oh, I wish my mom would do this to me too.

"Good morning po!" masayang bati ko.

"Good morning din," balik na bati niya.

Umikot ang mata ko sa buong bahay nila. "Si Zieg po?"

Payak na humalakhak si Tita Zenia. "Hintayin mo na lang. Naliligo pa ang baby boy ko."

Tumawa ako sa sinabi niya. Baby boy! Ang cute ng tawag niya kay Zieg.

Umupo ako sa sofa at tinignan si Zylie. Bumalik si tita sa kusina para kumuha ng makakain para sa amin. Alam niyang magsisimula na kaming mag marathon ng Game of Thrones once na nandito na si Zieg.

"Ate Katarina, sasama ka ba kapag hinatid nila ako sa rehab center? Sama ka ah!" pinanlakihan niya ako ng mga mata.

Mas lalo akong natawa. "Ano pa bang magagawa ko? Hindi ka naman papayag kapag hindi ako sumama. Pipilitin mo pa rin ako."

"Buti alam mo. Ipapakaladkad kita kay Kuya Zieg!" tumawa siya.

Inirapan ko siya. "Kailan ba 'yan?"

"Hmm... Sa November 7 iyon."

Natahimik ako. Sa November 7 ang simula ng Team Building ng IABF Student Council at kasama ako roon. Mariin kong kinagat ang labi ko. Hindi ko alam kung makakasama ako sa paghatid kay Zylie sa rehab center na papasukan niya.

Narinig ko ang kalampag na nanggagaling mula sa hagdanan. Sumulyap ako. Nakita ko ang half naked na si Zieg, maingay at mabilis siyang bumababa ng hagdan.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa medyo basa pa niyang katawan. Mula sa dibdib niya pababa sa kanyang abs. Gosh? May abs siya?

Nanuyo ang lalamunan ko at naramdaman kong nahalata niya ang pagtitig ko sa katawan niya kaya mabilis kong binalik ang tingin ko kay Zylie.

Shit. Nakatingin din siya sa akin. Nahuli niya akong nakatingin sa katawan ng kuya niya. Ngumuso siya patungo sa direksyon ni Zieg kaya sinundan ko ang tinuturo ng nguso niya.

Napalunok ako. Leche! Leche, Zieg? Bakit ka nakangiti riyan habang tinitignan ako? Nang-aasar ka ba?

Inayos niya ang kanyang boxer shorts. "Tara nood na," yaya niya.

Kung KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon