Kabanata 33

1.2K 29 6
                                    

Kabanata 33

Dito Ka Lang... Sa Tabi Ko... Kagaya Dati...

----------

Maaga akong pumasok kinabukasan. Laking pasasalamat ko nang makarating ako sa FEU nang hindi napapahamak. Simula kahapon, wala na ako sa aking sarili.

Nakaupo lang ako habang nakatulala sa kawalan. Nararamdaman ko na lang na unti-unting dumadating ang mga kablockmates ko. Nabalik lang ako sa katinuaan nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko.

Pagtingin ko, nagulat ako nang makita ko ang nakangiting Maru sa aking tabi. Umaalingasaw ang pamilyar niyang bago. Sumulyap ako sa upuang inuupuan niya. Diyan dapat nakaupo si Zieg pero dahil malandi siya, nandoon siya sa pinakadulo katabi si Shaira.

Inangat ko ang paningin ko kay Maru. "Good morning. Naayos mo na sched mo? Dito ka na sa block na 'to?" tanong ko, napapatitig sa gwapo niyang mukha.

"Good morning din. Yup, dito na ko. Mabuti nga may dalawa pang slot na natira. Siguro may lilipat pa rito kasi may nakasabay ako kahapon. Ito rin iyong nakuha niyang block, e."

Tumango ako, nangingiti dahil sa kagwapuhan niya. I really couldn't believe that he fell for me. Itong klase ng lalaki na 'to? Mamahalin ang isang katulad kong wala man lang ipagmamalaki at ipagmamayabang?

Bumukas ang pinto ng classroom at parang kusang lumingon ang ulo ko sa harapan. Zieg and Shaira went in. Sabay na naman silang pumasok dalawa. Kapag wala ba si Shaira, ako kaya ang sasabayan ni Zieg pag pasok? Sabay din kaya kaming uuwi?

Tumingin si Zieg kay Maru at sa akin. Ngumisi siya at dumiretso lang siya sa pinakalikod kasama si Shaira na parang hindi ako ang girl bestfriend niya. Kasunod nina Zieg si Yuni. Napatigil siya sa harapan nang makita si Maru sa aking tabi. Halos mawalan siya ng dugo sa mukha habang tinitignan ang lalaking parehas naming mahal. Napatingin ako kay Maru para malaman kung anong reaksyon niya pero parang wala lang siyang pakialam sa naging reaksyon ni Yuni. Nakapangalumbaba lang siya at nakatingin sa akin.

Kinagat ko ang labi ko at tinapunan si Yuni ng tingin. Kumurap siya nang ilang beses bago niya sinalubong ang tingin ko. Tumaas ang kilay ko. Umismid lang siya at naglakad na papunta sa upuan niya sa likod.

"Si Yuni..." nabanggit ko bigla ang kaibigan ko.

Kaibigan ko pa ba siya? Parang hindi na.

Tumaas ang dalawang kilay ni Maru. "Bakit?"

"Diba gusto mo siya?" diretso kong sabi. Hindi ko tinantanan ang mga mata niya. Don't lie to me, Maru.

Umiwas siya ng tingin. Huminga siya nang malalim at umayos ng upo.

"I liked her," sabi niya tsaka ako tinignan ulit. "Nagustuhan ko siya pero hanggang doon na lang iyon, Sae."

Hindi ko maiwasang tumingin sa aking likod. Nasulyapan ko ang nakayukong si Yuni. Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso ko. Hindi ko alam kung para saan ang kirot na iyon.

"Mahal kita, Sae. Ikaw lang talaga. Kahit magkagusto pa ako sa ibang babae, ikaw pa rin ang babaeng mamahalin ko. Sa'yo ko lang naramdaman 'to..." Hinawakan ni Maru ang kamay kong nasa desk.

Narinig ko ang sinabi niya. Nararamdaman ko ngayon kung gaano kainit ang kamay niyang nakapatong sa aking kamay pero nabaliwala ko ang lahat ng iyon nang makita ko ang kamay ni Zieg na humahaplos sa tuhod ni Shaira. Nagbubulungan sila at nagtatawanan sa likod. Nakita kong kinagat ni Zieg ang pang ibabang labi niya at inamoy ang ilalim ng tenga ni Shaira.

Tangina talaga nitong si Zieg. Kapag nakahanap ng chance na lumandi, lalandi talaga. Ang laking gago. Ni hindi man lang ako kausapin o kulitin kagaya ng palagi niyang ginagawa dati. Lumalayo na talaga siya sa akin. Unti-unti nang nawawala ang mga kaibigan ko. I am not really capable of having friends for too long. Siguro hindi nila matolerate ang ugali ko. Siguro hindi pa ako sapat para sakanila kaya humahanap sila ng iba.

Kung KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon