Kabanata 14
What Was That?
----------
Sa tuwing naiisip kong may date kami ni Maru ngayon, tsaka naman sumisingit 'yong midterm exams ko sa buong subjects. Okay naman. Nag-aral ako sa lahat ng subjects. Wala nga kong ginawa kundi mag-aral nitong mga nakaraang araw pero kasi . . . wala akong confidence sa mga sagot ko. Feeling ko marami akong mali. Lalo na sa College Algebra at Physical Science.
"I'm here, you know." Napatalon ako sa gulat dahil sa boses ni Zieg.
Pagtingin ko sakanya ay halos halikan na niya ang tenga ko. Agad akong lumayo sakanya.
"Ano ba," masungit kong sabi. "Bubulong na nga lang, sobrang lapit pa ng labi sa tenga ko." Napahipo ako sa batok kong nagtaasan na ang mga balahibo.
The guards checked our bags before we go out. Katatapos lang ng midterm exams namin ngayon at wala akong pasok bukas. Mabilis akong umalis ng room. Ni hindi ako nagpaalam kina Yuniko dahil sobrang excited ako sa date namin ni Maru. Remember? Niyaya niya kong mag date after ng exam.
Nagulat ako sa sobrang pagbabago ni Maru. I mean, parang bumalik na siya sa dati. Sinusuyo niya na ulit ako nitong mga nakaraang araw pagkatapos niyang sabihin sa akin na may date kami. Palagi siyang nagtetext at vibe sa akin. Nawiwindang na talaga ako.
Para kaming bumalik sa dati.
"Wala ka sa sarili mo," natatawang sabi sa akin ni Zieg. "Tara kain tayo sa 7/11."
Inirapan ko siya bago kami tumungo sa 7/11. Paglabas ko kanina ng room ay naabutan ko siyang hinihintay ako. Alam niyang may date kami ni Maru ngayon kasi sobrang chismoso niya. Palagi niyang hawak ang cellphone ko kapag magkasama kami. He was always setting his nude photo as my wallpaper.
Ewan ko ba rito sa ugok na 'to. Malakas ang trip.
Pagpasok pa lang namin sa 7/11 ay agad na may mga bumati kay Zieg. Tss. Famous. Tumingin siya sa akin at tinaasan ko siya ng kilay. Malaki ang ngisi niya. Tinuro ko gamit ang aking labi iyong polo niyang bukas ang unang dalawang butones. And I mouthed 'sarado mo'.
Tinawanan lang niya ko at hindi sinunod ang utos ko.
Habang kumakain kami ng siopao at umiinom ng slurpee ay palinga-linga ako sa labas. I texted Maru na sa 7/11 na lang kami magkita. Mamaya pa ang labas niya, alas sais. Busy din siya sa pagsagot ng exams ngayon.
"How was your exams, Katarina?" tanong ni Zieg. Malanding pagkagat ang ginawa niya sa kanyang siopao habang tinitignan ako. Err.
"Okay lang," sagot ko kahit na masama ang kutob ko sa magiging result ng exams ko.
"Really?" may bakas ng doubt sa boses at mukha niya.
"Oo nga . . ." Nanliit ang mga mata niya. Umiwas ako ng tingin. Grabe naman 'tong ugok na 'to. Parang detective kung tignan ako ngayon. Bumuntong hininga ako. Okay, fine. "Hindi ako sigurado sa magiging result ng exams ko. Okay, pasado ako. Alam ko. Pero feeling ko hindi mataas ang makukuha ko. Ewan ko."
Bumagsak ang balikat ko. Nawalan ako ng ganang kumain. Umiikot na ang buong pagkatao ko. Hindi ako mapakali. Natatakot akong hindi masatisfy ng magiging scores ko ang lahat ng pinagpaguran ko nitong mga nakaraang araw. Damn, nagsunog ako ng kilay para makakuha ng matataas na grado!
"You are funny, Katarina." Pinipigilan niyang tumawa. Sumimangot ako. "Wala pa ngang results, kung anu-ano na ang pinag-iisip mo. Masyado kang seryoso. Hintayin mo muna ang results bago ka mafrustrate."
"Tse! Wag mo kong igaya sa'yo! Easy go lucky." Umangat ang labi ko para asarin siya."Siguro bagsak ka. Hindi ka ata nag-aral."
"I told you. I'm not that kind of student." He smirked.
BINABASA MO ANG
Kung Kailan
RomancePiyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo lang ang tunay na halaga kapag hindi na kayang maramdaman pa ng palad mo ang bagay na iyon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Wala kang magag...