Kabanata 8
MYX Slam Jam
"Di mo na mababawi iniwang sakit sa mga salitang binitiwan mo. Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda at siyang unang umiwas? Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?"
—————
"Magkakaroon ng MYX Slam Jam concert next week."
"Hmm?" Napatingin ako kay Ate Lousha pagkalabas ng Montero ni kuya.
"Hindi ko na nasabi sa'yo kahit na isa ka sa mga Junior Committee Officers." Tinitigan niya ako na may pag-aalala. "Parang wala ka sa sarili mo nitong mga nakaraang linggo."
Medyo nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni ate. "Hindi. May iniisip lang ako."
Ngumisi siya sa akin nang pumasok kami sa bahay. "Tell me if you have a problem especially when it comes to a particular guy. I'm your ate, Saeko. I can and I will help." Kumindat pa siya sa akin.
Medyo natawa ako sa sinabi at ginawa niya. "Ayoko na dagdagan ang mga inaasikaso mo. You are a very, very, very busy lady, Ate Lousha."
"But I'm still your ate." Ngumiti na lang ako sakanya. Hindi na ako nagsalita dahil wala akong masabi. "Sa mismong araw ng concert mo na lang ikaw tumulong sa pag-aayos. Kami ng mga officers na ang bahala sa ngayon." Tinalikuran na niya ako at pumasok na siya sa kanyang kwarto.
Pumasok na rin ako ng kwarto at napahiga sa aking kama. Napaisip ako sa sinabi ni ate. Kung sabihin ko kaya sakanya ang tungkol kay Maru? Baka sakaling may maibigay siya sa aking payo at para naman may masabihan ako bukod kina Precis. Nakakabagabag na rin kasi.
Hindi muna ako nagpapansin kay Maru sa mga sumunod na araw. Nag-iisip kasi ako ng mga paraan kung paano ko ulit makukuha ang atensyon niya at sobrang busy din ako dahil panay ang pagbibigay ng mga paper works ng mga prof. Naiinis nga ako dahil sobrang demanding kahit minor subjects lang sila. Halos hindi na nga ako nakakatulog. Mahaba na ang tatlong oras na tulog sa akin ngayon. Mas naawa nga ako kay Ate Lousha dahil graduating student na nga siya, panay pa ang practice niya ng volleyball. Hindi lang iyon, palagi na siyang ginagabi sa office ng IABF SC. Palagi na nga siyang sinusundo ni Kuya Ashton dahil kahit sarado na ang FEU ay hindi pa rin siya umuuwi. She's always staying at the Starbucks to do some paper works.
Nilalagay namin ang ilang palamuti sa Grandstand dahil mamayang gabi na ang MYX Slam Jam. Kasama ko ang ibang Junior Officer Committee ng IABF. Hindi lang naman ang SC ng IABF ang nandito. Lahat ng student council ng iba't ibang institutes ay nandito para tumulong sa pag-aayos kasama na ang FEU Central Student Organization o FEUCSO. May klase ngayon pero hindi ako pumasok sa subject na iyon dahil lesson lang naman at hihingi na lang ako ng mga notes kina Yuni. I just wanted to help because I'm a part of the student council. Hindi na nga ako pinatulong ni Ate Lousha sa pag-aasikaso noong nakaraan at ang pag-iimbita sa mga sikat na bands kaya ito na lang ang matutulong ko.
Noong gumabi na at naglabasan na ang ibang estudyante ay nagsimula nang umingay sa campus. Alas sais na at alas syete ang umpisa ng MYX Slam Jam. Ang swerte ng mga wala nang mga klase at malas ang may mga klase pa mamayang alas syete. Hindi sila makakapanood. It's either pumasok sila sa klase or mag cut ng class. Puro graduating at irregular students ang may klase tuwing gabi. Ang alam ko ay may klase si ate pero hindi niya ata papasukan dahil namamahala rin siya rito kasama ang ibang officers ng SC.
There are so many sacrifices when you want to do something.
Inayos ko ang pulang v neck t-shirt ko na may tatak na malaking IABF Student Council sa harap at maliit na Project Directorate Committee sa likod gamit ang puting ink. May maliit na simbolo rin ng FEU sa harap, sa bandang kaliwa ng pulang v neck t-shirt. Naka faded jeans lang ako at white converse. May kani-kanila ring mga t-shirt ang mga student council ng ibang institutes at may iba't-ibang kulay at disenyo rin ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Kung Kailan
RomansaPiyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo lang ang tunay na halaga kapag hindi na kayang maramdaman pa ng palad mo ang bagay na iyon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Wala kang magag...