Kabanata 43

1.1K 23 0
                                    

Kabanata 43

Mata Sa Mata

----------

Natulala lang ako habang kinukuha ni mama ang lahat ng gadgets ko. Huli niyang kinuha ang cellphone ko. Hindi ako nakapalag. Tanging ang earphones ko lang ang naiwan sa akin.

Mariin akong tinignan ni mama bago siya lumabas ng kwarto ko. Pagkatapos kong matulala ay bumuhos bigla ang mga luha ko. I'm freaking grounded!

Humiga ako at tinakpan ng unan ang mukha ko. Umiyak lang ako nang umiyak. Never pa akong nagrounded sa buong buhay ko. Kahit kailan ay hindi pa dahil palagi naman akong sumusunod sa mga gusto nila. Ngayon lang ako naging suwail. Ngayon lang nang umibig ako.

Hindi ba pwedeng magmahal habang nag-aaral? Pinagbabawal ba sa mga katulad ko ang pag-ibig? Ang alam ko, para sa lahat ang pag-ibig. Estudyante man o hindi. Pangit man o maganda. Mayaman man o mahirap.

Ganoon na ba kalupit ang mga magulang ko?

Narinig kong bumukas ang pinto ng aking kwarto. Hindi ako nag-abalang tignan kung sino ang pumasok. Kahit sino, please. Wag lang si mama.

"Saeko..." tawag sa akin ni Ate Lousha. Mababa ang kanyang boses. Parang mas lalo akong naiyak sa paraan ng pagtawag niya sa akin. "Kain ka muna..."

Umiling ako at mas lalong tinago ang aking mukha sa unan. Humikbi ako.

Hindi ako kumain sa gabing iyon kahit halos hatakin na ako ni Ate Lousha palabas ng kwarto. Ayokong kumain. Iiyak lang ako sa harap ng mga pagkain. Dito na lang ako sa kwarto.

Walang nagawa si Ate Lousha. Pinabayaan niya akong humilata sa aking kama habang umiiyak. Hindi ko alam kung gaano katagal na kong umiiyak. Sobrang hapdi na ng mga ko. Hindi na ko makahinga nang maayos dahil sa pagbabara ng ilong ko.

Narinig ko ulit na bumukas ang pinto. Nanliliit ang mga mata kong napatingin kay Ate Lousha. Malungkot ang kanyang mukha habang tinitignan ako.

"Saeko, wag ka na umiyak. Kinausap ko na si mama. Ibabalik niya rin ang mga gadgets mo kapag sumunod ka na raw sakanya..." sabi niya.

Humagulgol ako lalo. Wala naman akong pakialam sa gadgets, eh. Ang iniiyak ko ay iyong utos niya sa akin na makipaghiwalay kay Zieg. Kahit wag na niyang ibalik sa akin lahat ng mga luho ko, basta wag lang niya kong utusang makipaghiwalay kay Zieg.

"Ayokong hiwalayan si Zieg. Mahal ko siya..." sabi ko sa napapaos na boses.

Malungkot siyang tumango. "Alam ko..." Ngumiti siya na para bang may naalala. "Ang sakit, diba? Ang sakit sakit kapag okay naman kayong dalawa pero ayaw ng mga magulang mo sa relasyon niyo."

Hindi ako sumagot. Wala akong alam sa buhay pag-ibig ng ate ko pati ng kuya ko. Pero sabi niya, naranasan na nilang magmahal ngunit hindi nila tinuloy dahil sa takot.

"You need to make sacrifices for your own good. For your life to be good and perfect." Tumingin siya sa akin. Hindi na maipinta ang mukha ni ate. Parang iiyak na siya. Humikbi ako. "Alam nina mama na wala namang perpektong buhay pero pinipilit pa rin nila. At saan kami dinala ni Kuya Ash? Yes, maganda ang buhay niya. Yes, maganda ang performance ko sa school. Malapit na akong grumaduate. Pero may kulang talaga. Kasi hindi namin nagawa iyong gusto ng puso namin. Hanggang ngayong nagsisisi kami. Kung kailan stable at maganda na ang buhay ni kuya, wala na iyong taong mahal niya. Kung kailan malapit na kong grumaduate, iba na ang mahal ng taong mahal ko. Ang sakit. Nakakapanghinayang. Kasi alam namin na hindi na maibabalik ang nakaraan. We don't have the power to control the time. Kung maibabalik ko lang talaga iyong nakaraan, hahayaan ko 'yong sarili kong magmahal kahit magalit sa akin sina mama."

Kung KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon