Kabanata 44

1.1K 22 0
                                    

Kabanata 44

Ikaw Na Lang Ang Unang Bumitiw

----------

Hindi ko maintindihan kung bakit sobra akong kinilabutan sa naging titigan namin ni Maru. I felt it again... that same old darn feeling whenever we are staring to each other's eyes. Fuck. Bakit?

Tinignan ko si Zieg na nakangisi habang hawak ang kamay ko. Darn. Ano ba itong iniisip ko? Kapag minura ko ba ang sarili ko nang ilang milyong beses, titigil na siya sa kakaisip ng mga bagay na ganoon? Damn, self. You're confusing me.

Tumikhim ako. "Wala si Kuya Joey?" tanong ko para mawala ako sa mga iniisip ko.

Si Zieg ang kasama mo pero si Maru ang iniisip mo. Ano na naman ba 'yan, Saeko? Konti na lang maniniwala na kong malandi ka talaga.

Pumikit ako nang mariin.

"Nasa bahay pa iyon. Ang sabi ko kasi mamaya pa ako uuwi kaya kung magtetext na lang ako bigla na uuwi na ako, baka mamaya pa siya dumating. Mag taxi na lang tayo."

Dumilat ako at tinignan siya. His smirk didn't waver. "Wag na. Mag fx na lang tayo. Mapapamahal ka pa, eh."

Tumingin siya sa akin nang nakangisi pa rin. "It's okay. Iyong babaeng mahal ko naman ang pagkakagastusan ko. No big deal."

Nakipagtitigan ako sakanya. My heart skipped a beat. Oh, heart. Ano bang problema mo? Titig lang naman ang ginawa namin.

Napangiti ako at umiling. Damn, self. Ang sarap murahin ng sarili ko sa mga panahong ganito. Iyong bigla na lang magdadalawang isip.

I'm really sure that I'm in love with this guy beside me. Walang iba.

Hindi na kami pumila para makasakay ng fx dahil wala namang estudyanteng umuuwi pa. Busy sila sa Paskong Piyu.

Pinatong ni Zieg ang ulo niya sa balikat ko. Sa likod kami nakapwesto kaya hindi masyadong masikip. Gusto ko kasing makatulog nang maayos si Zieg.

"I'm sleepy, Katarina..."

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Tinignan ko ang dalawang lalaking taga-FEU rin na nasa harap namin. Iyong isa sakanila ay nakatingin sa amin. Umiling na lang ako at niyakap si Zieg para makatulog siya nang maayos. PDA na kung PDA. Walangya.

Umiwas ako ng tingin sa lalaking nakatingin sa amin nang yakapin ako pabalik ni Zieg. Akala ko magiging malikot ang kamay niya sa baywang ko pero nanatili lang iyon sa isang lugar. Sumulyap ako sa mukha niya at nakita kong nakapikit na siya.

Napabuntong hininga ako. There, baby. Matulog ka lang...

Dilat na dilat ang mga mata ko buong byahe. Ayokong matulog kasi natatakot akong lumagpas kami. At tsaka gusto kong bantayan si Zieg. Ang sarap pala sa feeling nang ganito. Iyong pinapanood mo lang ang taong mahal mong matulog sa balikat mo. Hindi nakakasawa. Parang gusto ko na nga itong gawing trabaho. Kahit walang sahod. Walang naman kasing katumbas ang sayang nararamdaman ko ngayon. Feeling ko buong buo ako. Nakakaewan pakinggan pero iyon ang totoo.

"Zieg..." marahan ko siyang tinapik. Malapit na kaming bumaba.

Nadala ako sa sayang nararamdaman ko kaya hinalikan ko ang ulo niya. I don't care anymore kung nakita ako ng dalawang lalaking nasa harapan namin. Seize the moment.

Hindi man lang gumalaw si Zieg. Maingat ko siyang sinilip. Anak ng...

"Gising ka naman pala, eh. Niloloko mo lang ako. Natulog ka ba talaga?" naiinis kong sabi.

Umalis siya sa aking balikat at tinignan ako. Humigpit ang yakap niya sa akin. "Nakatulog ako pero nagising agad ako. Umaapaw kasi iyong pagmamahal mo. Ramdam na ramdam ko hanggang sa panaginip ko. Sinundan ako, eh." He showed me his boyish grin.

Kung KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon