Kabanata 12
Self-proclaimed
----------
Maaga pa lang ay nagising na ako para mag-aral ulit. Wala akong sinayang na oras dahil ang walangyang si Zieg ay walang habas na ginulo ang social media accounts ko. Alam na rin niya ang number ko. Ewan ko ba kung paano niya nakuha ang mga impormasyon ko. Ang lakas maka-spy.
Next week na ang midterms kaya wala dapat sayanging oras. Kahit na antok na antok pa ako at gusto kong ipikit ang mga mata ko ay di ko magawa. Uminom ako ng dalawang tasa ng kape para manatiling gising.
Nag-ayos na rin ako para pumasok. Para akong zombie nang kunin ko ang Ipad sa ilalim ng unan ko. Basang basa pa ang buhok ko pero tinali ko na ito in to a bun.
Binuksan ko muna ang Viber ko kasi may message sa akin si Zieg. Nahagis ko ang Ipad ko at mabuti na lang at sa kama ko nahagis iyon kung di ay baka basag na iyon ngayon.
What the heck was that?!
Mabilis ang paghinga ko kasabay ng unti-unting paglaki ng mga mata ko. Para akong nakakita ng multo. Napamura pa ko ng ilang beses bago ulit kinuha ang Ipad.
Tangina mo, Zieg. I replied.
Fuck him! I swear! Pag nakita ko siya mamaya, papaliguan ko siya ng mura. Paano ba naman kasi, nag sent siya ng nude photo niya sa Viber ko! Prente siyang nakaupo sa kama niya at nakasandal pa ang likod sa headboard at nakahubo't hubad. As in wala siyang damit. As in nakita ko ang buong katawan niya sa picture except sa kanyang crotch na tinakpan lang ng itim na unan! Gagong Zieg iyon. Anong trip niya at kumuha siya ng picture niyang hubo't hubad at pinakita pa sa akin?!
Tumunog ang Viber ko. Nag reply siya.
ZG: I hope you have a goooood morning
SM: Leche ka. Ang bastos mo no?! Wala ka bang hiyang dumadaloy sa katawan mo?!
ZG: I told you I don't have that hahaha
SM: Kadiri ka eww yuck so perv
ZG: But you like it, right? :)
Naramdaman kong nag-init ang mukha ko sa tanong niya. Did I like it? Heck, no. Ang kadiri kaya.
Naisip ko tuloy na siguro ganito siya sa lahat ng mga babaeng nilalapitan at nilalandi niya. Magpipicture siya ng nakahubad at ipapakita sa kanila. Sa mga babae niyang gustong gusto siya at ang mga kabastusan niya.
Wait, Saeko. Hindi ka niya naman nilalandi at mas lalong hindi ka niya babae. No. Malakas lang talaga ang trip niya kaya ganyan siya sa'yo. Hinding hindi niya ko magiging babae dahil siya ang so-called guy bestfriend ko.
But did I really like it? Did I like his nude photo? Hmm. . . maybe?
Hanggang sa pumasok kami ni Ate Lousha sa FEU ay hindi ako tinantanan ng picture ni Zieg. Kahit na nasa amin or rather nasa ate ko na ang mga mata ng estudyante ay hindi pa rin talaga tumitigil ang utak kong isipin ang picture niya.
May abs siya. May triceps and biceps. Medyo nakita ko ang v-line niya sa picture. Hindi siya ganoon kaputi. Moreno ang kulay ni Zieg kaya mas lalong naging hot ang katawan niya. Para siyang isang gwapo at makisig na haciendero sa mga Mexican telenovelas.
Hindi ko namalayan na nakagat-labi na ko. Pinagnanasahan ko ba siya? Oh my goodness. Pinagnanasahan ko ang katawan niya! May pasabi-sabi pa kong kadiri at bastos, iyon naman pala sa kaloob looban ko ay gusto ko rin ang nakita ko. Damn it.
Matagal bago kami nakapasok sa NB dahil ilang beses na may nagpapicture sa ate ko. Well, siya na. Siya na ang sikat. Para tuloy akong isang outcast na nakatabi sakanya kanina habang kinagigiliwan siya ng mga estudyante.
BINABASA MO ANG
Kung Kailan
RomancePiyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo lang ang tunay na halaga kapag hindi na kayang maramdaman pa ng palad mo ang bagay na iyon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Wala kang magag...