Kabanata 22
This Is My Gift
----------
Mabilis ang lakad ko paalis sa likod ng bahay nila Maru. Hindi ko na siya binigyan ng chance na magsalita. Hindi na. Hindi na ko maniniwala sakanya. He lied to me. He made me believe that we could still be together.
Tinatakpan ng bangs ko ang aking mga mata nang nilagpasan ko ang mga bisita sa garden. Hindi na ganoon kaingay ang mga tao. Mukhang nawala ang kalasingan nila dahil sa nangyari kanina. Mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko. Ano ba, malapit na kong mabutas dahil sa mga titig nila.
"Saeko!" narinig kong tawag sa akin ni Opera pero huli na dahil nakalabas na ako ng gate nina Maru.
Masakit na ang mga kamao ko dahil sa sobrang higpit ng pagkakabilog nito. Parang hinahampas ng tubo ang lalamunan ko. Ang sakit. Parang nakalimutan kong huminga. I hate this feeling.
Nilakad ko palabas ang village ni Maru. Hindi ganoon kadilim ang lugar dahil may mga nakabukas na street lights sa bawat kanto nito. Palabas na ko ng village nang matapat sa aking mukha ang ilaw ng isang kotse sa harapan ko.
"At last!" sigaw ng isang pamilyar na boses. "Ang tagal mong umuwi, ah? Kanina pa ko naghihintay dito."
Sa boses pa lang alam ko na kung sino iyon. Hindi ko na kailangan tignan pa ang lalaki sa harapan ko.
Nanatili akong nakayuko.
"Sinabi sa akin ni Lousha ang lugar ni Maru pero hindi ko naman alam ang saktong bahay niya. Kaya naghintay na lang ako sa bungad ng village. Kaso inamag ako rito, alam mo iyon?"
Hindi ko pinansin ang mga pinagsasabi niya. Nanatili pa rin akong nakayuko. Ayoko siyang makita. Ayokong makita niya ang mukha kong malapit nang umiyak.
"Katarina?" he called me using his calm and smooth voice.
No... Wag kang lumapit.
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. Naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko. Sumiklab ang alaala noong gabi sa loob ng kotse niya. Noong gabing nanginginig ang katawan ko sa lamig ngunit pinaramdam niya sa akin ang isang klase ng init na hindi ko pa nararamdaman sa buong buhay ko.
Malakas ko siyang tinulak palayo sa akin.
"Wag kang lalapit sa akin. Manyak ka." Matalim kong tinignan si Zieg.
Nagulat siya sa ginawa at sinabi ko. "Woah, bakit?"
"Letse ka! Ewan ko sa'yo! Wag ka na lalapit sa akin! Ayoko sa mga katulad mo! Malandi!"
"Katarina!" tawag niya, natatawa. "Hindi mo pa rin ba nakakalimutan iyong nangyari sa atin? Noong gabi sa loob ng sasakyan ko?"
"Walang nangyari sa atin!" bulyaw ko.
"Alright, alright." Kinagat niya ang kanyang labi para mapigilan ang tawa niya. "Walang nangyari sa atin. Okay na?"
"Anong okay ka riyan? Hindi magiging okay sa akin iyon! Manyak at malandi ka! Wag ka na lalapit sa akin! Pare-parehas lang kayo..." pumiyok ang boses ko. Shit.
Tumaas ang kilay ni Zieg. Padabog akong naglakad. Nang malapit ko na siyang malagpasan, hinawakan niya ang braso ko.
"What happened?" Pinaharap niya ako sakanya. Nanatili akong nakayuko. "Tell me what happened, Katarina."
Umiling ako.
"Maru Domingo again?"
Sa pagbanggit pa lang niya ng pangalan ng lalaking iyon, sumiklab ang inis at galit ko. For minutes, nakalimutan ko ang nangyari kanina dahil kay Zieg. Pero nang binanggit niya ang pangalan ni Maru, bumalik ang lahat sa akin. Nagising ako sa masakit na katotohanang kalokohan lang ang lahat sa pagitan namin ni Maru Domingo.
BINABASA MO ANG
Kung Kailan
RomancePiyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo lang ang tunay na halaga kapag hindi na kayang maramdaman pa ng palad mo ang bagay na iyon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Wala kang magag...