Kabanata 26
Zylie Jae
----------
Pagkatapos namin puntahan ang puntod ni Felix Co, dumiretso kami sa bahay nila Zieg. Hindi ko maiwasang kabahan dahil ito ang unang pagkakataong makakapunta ako sa bahay nila. At ang sabi pa niya, makikita ko ang kapatid niya.
I wonder kung anong itsura ng kapatid niya? Anong ugali? He said I resembled her a lot. Pero imposible naman na hindi sila magkamukha, diba? Katulad din kaya siya ni Zieg? Maloko? Malakas ang trip?
Napabuntong ako.
Pumasok ang Montero sa isang village. So, sa isang villaga rin pala nakatira si Zieg. Pare-parehas kaming tatlo. Ako, siya, at si Maru.
I bit my lip. Bakit nasama ang lalaking iyon? Masaya na siya kay Yuni. Stop thinking about him, Sae. May iba na siya.
Ang village na napasukan namin ay di hamak na mas malaki at mas malawak kesa sa village namin. Napatingin ako kay Zieg. Rich kid ata ang ugok na 'to.
Tumigil kami sa isang bahay na may tatlong palapag. Malaki ito at malawak. Ang kulay ng dingding ay peach na hinaluan ng mga linyang kulay mahogany sa bawat kanto. Mababa lang ang gate nilang kulay mahogany. Sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang garden at garage nila. Ang lawak. Sa lahat ng mga bahay na napuntahan ko, ang bahay nina Zieg ang pinakamalawak at pinakamalaki. Rich kid talaga!
"Rich kid," bulong ko pero narinig niya.
Humalakhak siya. "Nah. Hindi ako rich kid."
Umirap ako. Ayaw pang aminin eh kitang kita na ng dalawang mata ko ang katibayan!
Pumasok kami sa loob ng bahay nila. Hindi pinasok ang Montero sa garage dahil may inutos daw ang kanyang mommy kay Kuya Joey.
Pagpasok namin ay naabutan ko ang mommy niya sa sala at nakasimangot. Kinagat ko ang labi ko at umiwas ng tingin. Ginala ko ang aking paningin sa loob ng bahay nila. Napapalibutan ako ng kulay peach at mahogany. Simple lang ang design ng bahay nila. Walang mga nakasabit sa dingding maliban sa malaking orasan. Wala rin masyadong gamit kaya sobrang lawak ng sala nila. Isang malaking tv, sound system, sofa, coffee table, lampshade, at iilang flower vase lang sa gilid ang nakita ko.
Binalik ko ang aking tingin sa mommy niya. Napaayos ako ng tayo nang maabutang nakatingin na siya sa akin.
"Hello po, tita," bati ko.
OMG! Bakit tita ang tawag ko sakanya?
Narinig kong tumawa si Zieg. "Mom, si Saeko po," sabi niya tsaka lumapit sa kanyang mommy at nagmano.
Oh, yeah? Magalang pala itong si Zieg. Nagmamano.
Ngumiti ako sa mommy niya. Nakasimangot pa rin ito habang tinitignan ako. Napatitig din tuloy ako sakanya. Matangkad ang mommy ni Zieg. Morena ang kutis. Maganda ang pagkakahubog ng mga features niya sa kanyang mukha pati na rin sa katawan. She's a sexy and a hot mommy, alright. Ilan taon na kaya siya?
"Mom..."
Napatingin ang mommy ni Zieg sakanyang anak. Nagulat ako nang hampasin niya ang braso ni Zieg. Imbes na mapahiyaw sa sakit at gulat si Zieg ay pinarinig niya sa amin ang tawa niya.
"Mom! I'm sorry, alright!" natatawang sabi ni Zieg.
"Ang tagal tagal mong bata ka! Saan ka nagpunta? Mag-isa kang umalis dito tapos ay pagbalik mo, may dala ka ng babae?" sabi ng mommy niya.
Nag-init ang pisngi ko. Mukhang masungit ang mommy ni Zieg!
"Sorry, mom. I wanted to play with Saeko today so I went to her place first. Tapos ay pumunta kami kay Felix. Kaya natagalan," paliwanag ni Zieg.
BINABASA MO ANG
Kung Kailan
RomancePiyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo lang ang tunay na halaga kapag hindi na kayang maramdaman pa ng palad mo ang bagay na iyon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Wala kang magag...