Kabanata 35

1.3K 26 7
                                    

Kabanata 35

His First

----------

Nanliliit ang mga mata ko habang ginugupitan ako ng bakla rito sa parlor sa harap lang ng FEU. Kitang kita ko sa malaking salamin ang malaking ngisi ni Zieg habang pinapanood akong ginugupitan. Katabi niya si Maru na magkasalubong ang kilay at nakatingin lang sa kawalan.

Alam ko ang nararamdaman ni Zieg. Mahal niya ako. Pero bakit pakiramdam ko nakikipag labanan siya kay Maru? Ni hindi man lang niya naisip ang mararamdaman ko?

Ito naman si Maru, hindi umuurong. Hindi nagpapatalo. Ayaw din akong ipaubaya sa iba.

Pero bakit ang saya-saya ko? Kasi nasa akin ang atensyon ng dalawang lalaking mahalaga sa buhay ko. I'm not a hypocrite. Gusto ko ito. Gusto ko ang sitwasyon naming tatlo. Gustong gusto kong nakatutok ang buong atensyon nila sa akin. I feel like a queen with two kings.

"Kulayan natin, ma'am?" tanong sa akin ng bakla pagkatapos niyang gupitan ang buhok ko.

Tinignan ko ang aking buhok sa salamin. Medyo umikli ito ng mga four inches. Nagkaroon din ng volume at style. Mas umikli rin ang bangs ko. Medyo nasa gitna na siya ng mata ko.

"Hmm..." tumingin ako kay Maru dahil siya ang unang nakita ng mga mata ko. "Ano sa tingin mo? Bagay kaya kapag nagpakulay ako ng blonde?"

Tinignan niyang maigi ang buhok ko. Umayos siya sa pagkakaupo. "Wag na. Mas bagay sa'yo iyang natural na kulay ng buhok," sabi niya.

Ngumuso ako at tinignan na lang ang aking repleksyon sa malaking salamin.

"If dyeing your hair will boost your confidence, why not, Katarina?" singit ni Zieg.

Hindi ko na kailangan tumingin pa sakanya. Alam kong nakangiti siya ngayon. Abot dito sa aking upuan ang tindi ng ngiti niya. Grabe talaga, Zieg.

Nakita kong ngumiti ang baklang nag-aayos sa akin.

"Sige po. Magpapakulay ako ng blonde," untag ko.

Nasulyapan ko ang reaksyon ni Maru. Nakakunot ang kanyang noo at nakatingin na naman sa kawalan. Hindi ko na lang iyon pinansin at baka malusaw pa ang ngiti sa labi ko. Gustong gusto ko iyong sinabi ni Zieg. Hanggang sa matapos ang pagkukulay sa aking buhok, nakangiti pa rin ako.

Pinaglalaruan ko ang mga daliri ko habang naglalakad kami papunta sa harap ng 7 Eleven. Doon kasi ang pila papuntang SM Fairview. Tinignan ko si Zieg. Saktong nakatingin siya sa akin.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko.

"Uuwi na. Bakit?"

"Bakit nandito ka?" tumaas ang kilay ko. "Nasan si Kuya Joey?"

Ngumisi siya. "Hindi niya ko susunduin. Magcocommute ako kasama mo." Tumingin siya kay Maru na nasa harap ko. "Kasama siya."

"Ewan ko sa'yo." Hinarap ko na siya. Lumapit ako sakanya para bumulong. "Inaasar mo ba si Maru?"

Mas lalong lumaki ang ngisi niya. "Hindi."

"Eh ano itong ginagawa mo? Bakit sumasama ka sa amin hanggang sa pauwi? Diba lagi kang sinusundo ni Kuya Joey? Nagcommute ka na ba?" sunod sunod kong tanong.

"Wow. Easy, Katarina." Lumapit din siya sa akin para bumulong. Napaatras ako dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. Nakita kong sumulyap ang ibang estudyanteng nakapila rin sa amin. Nag-init ang mga tenga ko. "Sabi mo gusto mong palagi akong nasa tabi mo. Ito na... Hindi na ako aalis sa tabi mo."

"Iba itong ginagawa mo, Zieg Lloyd. Para kang nakikipag competition kay Maru," untag ko.

Tumaas ang kilay niya pero nakangisi pa rin. Ugok. "So what, Katarina? Liligawan din kita kung gusto ko. Didikit ako kahit saan ka magpunta. Hindi ako aalis sa tabi mo. You asked for this, you know..."

Kung KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon