Kabanata 47
I Am Guilty
----------
Pasilip silip ako sa pinto ng kwarto nina mama. Kanina ko pa sila hinihintay lumabas pero ang tagal nila. Sumulyap ako sa malaking orasan na nakasabit sa dingding. Kanina pa naghihintay si Zieg sa FCM. Hindi ko na kayang paghintayin pa siya.
Bakit kasi ang tagal umalis nila mama? Kailangan ko pa kasing hintayin na umalis sila bago ako makipagkita kay Zieg. It's my free day today. Wala akong pasok kaya niyaya ako ni Zieg na sumama sakanya sa pagbisita kay Zylie sa rehab center. Grounded pa rin ako kaya tatakas na lang ako kapag umalis na sina mama at papa.
Napaayos ako nang upo sa sofa nang makita kong lumabas na sila pareho.
"Saan ka pupunta? Aalis ka?" tanong ni papa nang makita akong nakabihis.
Shit. Dapat pala hindi muna ako nagbihis. Bakit hindi ko naisip iyon? Ang tanga ko.
"Uhh... May bibilhin lang po ako," natataranta kong sagot.
"Anong bibilhin mo? Saan?" agarang tanong ni mama.
"Materials for my assignmet, ma. Sa SM Fairview lang ako..." Umiwas ako ng tingin. "Saglit lang po ako."
Tumango siya. "Okay. Sumabay ka na sa amin."
Napasinghap ako bigla. Kumunot ang noo ni mama.
"Wag na po, ma. Ayos lang ako..."
Kinabahan na ako nang humalukipkip siya. "Don't lie to me, Saeko. Saan ka pupunta? Makikipagkita ka ba sa boyfriend mo? Hindi ba sinabi kong makipaghiwalay ka na sakanya?"
"Ma, hindi po ako makikipagkita. Ayoko lang po talagang sumabay sainyo," pagsisinungaling ko.
Nakita kong hinawakan ni papa ang kamay ni mama.
"Hayaan mo na ang anak mo. Umalis na tayo," sabi ni papa.
Isang beses pa kong tinignan ni mama bago sila umalis. Napabuga ako ng hininga nang matanaw ko ang sasakyan nilang palabas sa aming gate. Ilang beses pa kong huminga nang malalim bago lumabas.
"Saeko, anak, anong oras ka babalik?" tanong ni manang sa akin.
"Baka mamayang hapon pa po," mabilis kong sagot.
"Sabi mo ay saglit ka lang? Baka tumawag ang mama mo mamaya sa akin at hanapin ka?"
Nagsusumamo akong tumingin kay manang. "Manang, ikaw na po ang bahalang magdahilan..."
"Makikipagkita ka talaga sa boyfriend mo?" seryoso niyang tanong.
Hindi ko tinantanan ng titig ang mga mata ni manang. "I want to see him. Please po, kayo na ang bahala kay mama. Sorry po..."
Bumuntong hininga siya. She really looked like my lola. Sana ay buhay pa ang lola ko. Siguro siya ang unang kakampi sa akin. Hindi niya ako pipigilang magmahal. I was her favorite grandchild and she was always looking after me when she was still alive. I missed her so much.
"Ang mga kabataan talaga kapag nagmahal, nakakatakot. Sobrang mapusok." Umiling si manang. "O sige na, sige na. Umalis ka na. Ako na ang bahala sa mama mo. Mag-ingat ka. Magtext ka sa akin. Gamitin mo cellphone ng boyfriend mo. Kabisado mo naman ang numero ko, diba?"
Napangiti ako sa sinabi niya. "Opo!"
Ngumiti rin siya. "Mag-ingat ka..."
Malapad ang ngiti ko nang umalis ako sa bahay. Agad din nawala ang saya ko nang makita ko si Zieg na kunot noong naghihintay sa akin sa labas ng FCM. He cringed his nose whe he saw me.
BINABASA MO ANG
Kung Kailan
RomantikPiyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo lang ang tunay na halaga kapag hindi na kayang maramdaman pa ng palad mo ang bagay na iyon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Wala kang magag...