Kabanata 18

1.2K 24 7
                                    

Kabanata 18

Second Base

----------

Buong araw kong inisip iyong pag-uusap nina Maru at Yuniko. Hindi matanggal sa isip ko iyong connections sa pagitan nilang dalawa habang nag-uusap. Kahit medyo malayo ako sakanila, ramdam ko. Parang matagal na silang magkakilala.

Kung hindi lang dahil may practice ngayon, baka nakahilata lang ako buong magdamag. O kaya naman ay nag-aaral ako para magkaroon ng mataas na grades ngayong sem. But we have a practice today. Kailangan pa kasing i-practice iyong pag cheer namin sa FEU Cheering Dance Company while they are dancing and cheering on stage. We also need props and costumes.

Tinatamad pa kong umalis kaya humilata muna ako sa aking kama at nag browse ng FB account ko. Dapat ay rest day namin ngayon. Gusto ko sanang umayaw sa cheering na iyan dahil hindi naman kami makikita sa camera pero sayang kasi. May plus points sa aming grade sa PE subject kapag nagparticipate kami. Okay na rin siguro kahit nasa bench lang kami habang sumisigaw. Atleast, we are part of it.

Pagbungad pa lang sa aking news feed, nakita ko agad ang hundred likes sa photo ni Yuni. She changed her display picture. Napigil ko ang aking hininga. Maru liked her photo. He liked it. Wala pang dalawang oras, naka-one hundred plus likes na agad?!

I bit my lip, suppressing my scream. I don't want to feel this insecurities again towards my friend. But I can't help it. Para akong pinapatay sa sobrang inggit.

Masakit na sa loob ko na ni-like ni Maru ang picture ni Yuni. Mas lalo pang sumakit, no, mas lalo pang bumigat at sumikip ang dibdib ko nang mag comment siya sa photo ni Yuni. Hindi ko na kinayang basahin kaya nag log out na lang ako.

May nabubuo ng idea sa isip ko. Na baka siya iyong tinutukoy ni Maru na nagugustuhan niya.

What do I expect? Yuniko is pretty. May lahi siyang Japanese. Matalino pa. She is a mysterious girl. Siguradong magugustuhan ni Maru ang isang katulad niya.

Pumunta ako sa practice na mabigat ang loob. Wala ang buong atenyon ko sa mga tinuturo sa aming iba't-ibang klase ng cheer. Nasa loob kami ng mini gym ngayon. Sapat na ang laki nito para magkasya ang anim na blocks na napili para magparticipate.

Sa pwesto ko, kitang kita ko na magkatabi si Yuni at Maru sa upuan. Hindi ko alam na kasama ang block ni Maru sa napiling mag cheer.

Nasa likod nila ako at hindi ko alam kung alam ba nila na nandito ako. Hindi ko makita sina Precis at Opera. Siguro ay late ang dalawang iyon. Imposibleng hindi sila pumunta. Ang FEU boosters ang nagtuturo sa amin ngayon. Kasali roon ang mga lalaking hinaharot nila. They wouldn't miss this practice for the world.

Hindi ko tinanggal ang paningin ko kina Maru at Yuni. Wala namang kakaiba. Hindi sila nag-uusap o nagkakalingunan man lang.

Mali lang ba ko ng iniisip? Kung si Yuni ang babaeng gusto ni Maru, dapat kinakausap niya na ito ngayon. Magpapapansin. Magpapacute. Ganoon siyang lalaki. Kapag gusto niya ang babae, magpaparamdam agad siya. Kagaya noon. Iyong mabilis na pagpaparamdam niya sa akin.

Sabay-sabay kaming napatingin sa pintuan nang maingay na pumasok sina Opera at Precis. Gusto ko silang irapan. Ang landi. Agaw atensyon ang ginawa nila. Halatang nagpapapansin sa mga boosters.

Bago pa ko mainis nang sobra sakanila, nilayo ko na lang ang paningin ko. Nabigla ako nang may tumabi sa akin. Si Khris, iyong blockmate kong hindi ko naman ka-close.

"Bakit hindi ko na kayo nakikitang magkasama nina Yuni?" mabilis na tanong niya.

Oh. May nakakapansin pala.

Kung KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon