Kabanata 7
Family Dinner
"I wish I could be somebody else..."
————
"Okay, kuya. Sige... Nandito na ko... Hinihintay ko na lang si ate... Okay... Bye..." Pagkatapos ng tawag ay binaba ko na ang cellphone ko at tinago sa bulsa.
Binibilang ko lang ang mga estudyanteng dumadaan sa harap ko. Nandito ako sa harap ng gate 4, hinihintay si Kuya Ashton na sunduin kami ni Ate Lousha dahil meron kaming dinner buong pamilya. Ganito kami minsan kapag nasa mood sina mama at papa kaya nagyayaya ng dinner sa labas.
Nilabas ko ulit ang cellphone ko at tinext si ate na nasa labas na ko ng gate 4 at puntahan na niya ako. Bigla namang may umakbay sa akin kaya nagulat ako at napatingin sakanya. Malapit pa lang magdilim kaya kitang kita ko ang nakakalokong ngiti niya sa akin habang nakaakbay. Tinanggal ko ang braso niya sa akin pero binalik niya lang ulit.
"Akala ko hindi na kita makikita, eh." Nakangiti niyang sinabi. "Where is your place?"
"Bakit mo tinatanong?" Pilit kong tinatanggal ang braso niya pero sobrang mapilit siya, binabalik niya lang ulit sa balikat ko.
"Hahatid na kita."
"Ayoko!" Marahas kong tinanggal ang braso niya. "Hindi kita kilala!"
"I'm Zieg!" Natawa siya. "What's your problem with me?"
"Ang creepy mo kaya."
Inakbayan niya ko at nilapit sa katawan niya. Napaawang ang bibig ko nang magtama ang mga katawan namin.
"I want you to be my friend." Nilapit niya ang kanyang bibig sa tenga ko. "Or your guy bestfriend. Can I?" Ramdam ko ang mainit niyang hininga mula sa tenga ko pababa sa aking leeg.
"A-Ano?"
"You don't like to be my friend? What do you want? Hmm?" Napapikit ako ng mariin nang amuyin niya ang likod ng tenga ko. For Pete's sake! Nasa kalsada kami! PDA! "Be my girlfriend, then."
"Ano?!" Natulak ko siya sa gulat.
Tumawa siya sa naging reaksyon ko. Pumorma ang ngisi sa labi niya. "I like you a bit, Miss Saeko."
Lukot ang mukha ko habang tinitignan siya. Hindi ako makapaniwala sa lalaking ito. Kanina lang kami nagkita pero kung umasta siya eh kala mo sobrang tagal na namin magkakilala! Akala ko huli na ang pagkikita namin kanina. Akala ko nakaligtas na ko sakanya nang pumasok ako sa loob ng classroom. Akala ko lang pala! Ngayong uwian na ay nagkita pa rin kami at gusto niya ko maging girlfriend?! Nahihibang na siya!
Sa tuwing tumitingin ako sa lalaking ito, ang unang pumapasok sa isip ko eh 'yong mga ungol nila sa loob ng cr ng girls. Bwisit! Kinikilabutan ako sakanya!
"Wag mo nga kong pagtripan, please." Umiwas ako ng tingin sakanya at tumingin na lang sa harap ko.
"Miss Saeko." Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglapit niya.
"Doon ka nga!" Tinulak ko siya dahil nababaliw na ko sa mga pinagsasabi niya. "Ang lakas ng trip ng lalaking 'to!"
Hindi siya nagpapigil bagkus ay tumawa lang siya at lumapit pa sa akin lalo. Bago niya pa ko maakbayan ulit, may pumaradang puting Montero sa harap namin.
BINABASA MO ANG
Kung Kailan
RomancePiyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo lang ang tunay na halaga kapag hindi na kayang maramdaman pa ng palad mo ang bagay na iyon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Wala kang magag...