Kabanata 19
We're Okay
----------
Pinilit kong pumasok kinabukasan kahit masama at mabigat ang pakiramdam ko. Ayokong magkaroon ng absent. Kasalanan ko rin naman kung bakit masama ang pakiramdam ko ngayon.
Nilalayuan ko rin si Zieg at Maru. Ayoko makita ang dalawang lalaking nagpapainis sa akin. And yes, hanggang ngayon wala pa ring pansinan sa pagitan namin nina Yuni, Precis, at Opera. Patigasan kaming apat. I know they already have hints kung bakit lumalayo ako sakanila. They know my insecurities in life.
Ngayong araw na rin ito, sinabi sa aming block na hindi na kami kasama sa magchicheer sa UAAP Cheering Dance Competition sa September 24. Aniya'y nagkaroon daw ng conflict sa pagbili ng tickets at kinulang. Tatlong blocks na lang ang isasama at swerteng hindi natanggal ang block ni Maru. Kung sabagay, pabirthday na nila iyon sakanya. That day is his birthday, anyway.
Para akong natanggalan ng tinik sa dibdib at the same time, nanghinayang ako. Para saan pa 'yong practice na ginawa namin kahapon? Nagkasakit pa ako dahil doon tapos hindi rin naman pala matutuloy.
Nakatunganga lang ako sa klase habang hinihintay ang susunod naming prof para sa last subject. Hapon pa lang pero madilim na ang mga ulap sa langit. Hindi ko maiwasang maalala iyong ginawa ni Zieg sa akin sa loob mismo ng Montero niya.
Bwisit. Ang manyak niya. Pinagsamantalahan ako! Mabuti na lang at hindi ko pa siya nakikita simula kaninang umaga. Baka masampal ko siya hanggang sa mamaga ang mga pisngi niya. Himala atang hindi siya pakalat kalat sa campus ngayon. Siguro ay kinarma ang ugok na iyon at nagkasakit.
Hindi ko namalayan na nakangisi na pala ako. Maisip ko pa lang na kinarma si Zieg, natutuwa na ako. Bagay lang sakanya iyon. Hayop ang ugok na iyon. Hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa akin. He already touched my boobs. He French kissed me. Siya ang unang lalaking humalik sa akin nang ganoon. Ang walanghiyang iyon. Tapos ang kapal pa ng mukhang tumitig sa ate ko habang pinapagalitan ako ng mga magulang ko. Shit siya.
Tinignan ko ang relo ko. Late na ang prof namin ng fifteen minutes. Absent?
Napalingon ako sa likod na pinto ng room namin. Akala ko ang prof na namin iyon pero si Maru pala. Anong ginagawa niya rito?
Pumasok siya sa loob ng room. May hawak siyang kulay pink na notebook. Napaayos ako ng upo. Akala ko ako ang pupuntahan niya dahil sa direksyon ko siya patungo pero lumagpas ang mga paa niya sa upuan ko. Tumigil siya sa upuang nasa harapan ko. Ang upuan ni Khris.
Namumula ang mukha ni Khris nang tumingala siya para tignan si Maru.
"Hey, ito na iyong notebook mo. Sinulat ko na rito ang lahat ng dapat mong pag-aralan," malumanay na wika ni Maru.
Khris bit her lip. "T-Thank you, Maru." Sabay kuha ng notebook niya sa kamay ni Maru. So sakanya pala ang nakakainis na kulay pink na notebook na iyon.
"Welcome," ngiti ni Maru.
Kumunot ang noo ko at bago pa makita ni Maru na nakatingin at nakikinig ako sakanila, binawi ko na ang buong atensyon ko sa kanilang dalawa ni Khris.
"Sae." Kumabog ang dibdib ko nang tawagin niya ang pangalan ko. "Mag-usap tayo."
Agad akong napalingon sakanya. Halos mabali na ang leeg ko habang nakatingala ako sakanya. Ramdam ko ang paninitig ni Khris at iba naming blockmates sa aming dalawa ni Maru. At alam kong kasama roon sina Yuni.
Tumango ako kay Maru. Nauna na siyang lumabas ng room.
"Okay na kayo ni Maru?" tanong ni Khris.
BINABASA MO ANG
Kung Kailan
RomancePiyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo lang ang tunay na halaga kapag hindi na kayang maramdaman pa ng palad mo ang bagay na iyon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Wala kang magag...