Kabanata 50
Fine, Zieg
----------
Sa last day ng pasukan bago mag Christmas break, hindi pumasok si Zieg. Wala akong naging balita sakanya kahapon pagkauwi ko. Kung may cellphone lang sana ako...
Okay na kaya siya? Mukhang may sakit pa rin siya kaya hindi siya nakapasok ngayon.
Napapatulala na lang ako sa kawalan sa tuwing nakikita kong wala si Zieg sa tabi ko.
Kaya naman nang pinakawalan na kami ng prof namin sa aming last subject, mabilis kong niligpit ang gamit ko. Sinabit ko sa balikat ang bag ko at handa nang lumabas ng room. Kaso ay may naramdaman akong humawak sa palapulsuhan ko.
Nilingon ko kung sino iyon.
"Maru..."
Naging civil kami sa isa't-isa simula nang magkausap kami kagabi. Ngumingiti siya sa akin at ganoon din ako.
Nagulat ako nang hatakin niya ako at biglang niyakap. Tumama ang mukha ko sa kanyang dibdib.
Bilog na bilog ang mga mata ko habang nasisinghot ko ang pamilyar niyang bango.
"Maru!" bulyaw ko nang mapagtantong maaring nakatingin na sa amin iyong ibang blockmates namin.
Imbes na bitawan ako ay mas lalo niya lang akong niyakap. Huminga siya nang malalim. Naramdaman ko ang init ng hininga niya sa tuktok ng ulo ko.
"Basta tandaan mo na palagi lang akong nandito kahit anong mangyari. Ako pa rin ang Mario Maurer mo. Ikaw pa rin ang babaeng papangarapin ko kahit may iba na kong mahal. You'll always be here... in my heart," malambing niyang sinabi. Tumindig ang balahibo ko. "Advance Merry Christmas and Happy New Year, Saeko Montenegro. I'll miss you so much."
Hindi ako nakapagsalita nang kumalas siya sa yakap niya sa akin. Natulala ako sa kanyang nakangiting mukha. Alam ko... Kahit nakangiti siya ay bakas naman ang lungkot at panghihinayang sa mga mata niya.
Ginulo niya ang buhok ko nang mapansing natulala ako sakanya.
"Ano? Nainlove ka ulit sa akin?" sabi niya, natatawa.
Walang humor ang tawa niya. Hindi ko magawang tumawa. Hindi ko kayang tignan ang mga malulungkot niyang mata.
Umiwas ako ng tingin. Nakita kong napatingin iyong iba kong blockmates sa amin habang paalis ng room. Kumaway ang iba sakanila. Hindi ko mabalik ang kaway nila kaya si Maru na ang gumawa.
Kinagat ko ang labi ko.
"Uuwi ka na ba?" tanong niya.
Hindi ulit ako nakapagsalita.
"Pupuntahan mo si Zieg? Mukhang may sakit pa siya. Hindi pumasok, eh."
Nagbara na ang lalamunan ko. Bakit? Bakit gusto kong umiyak? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Pinunasan ko ang isang luhang pumatak sa aking pisngi. Ayokong umiyak sa harap ni Maru pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
Sinubukan niyang lumapit sa akin pero umatras ako. Damn. Pakiramdam ko kapag lumapit pa siya sa akin ay mas lalo ko lang siyang masasaktan.
"Sae..." pabulong niyang tawag.
Pilit kong pinigilan ang pag-iyak ko. "I'm sorry. Okay lang ako..."
"Hindi ka mukhang okay para sa akin. May problema ka ba? Kayo ni Zieg?"
Mas lalo lang akong naiyak nang sabihin niya iyon.
BINABASA MO ANG
Kung Kailan
RomancePiyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo lang ang tunay na halaga kapag hindi na kayang maramdaman pa ng palad mo ang bagay na iyon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Wala kang magag...