Kabanata 28
Third Base
----------
Tumindig ang balahibo ko sa halik niya. Pakiramdam ko malapit na umusok ang buong katawan ko sa sobrang init. Para akong sasabog.
Nanatili lamang nakabuka ang bibig ko. Ang labi at dila lang niya ang umaatake. I don't know how to kiss him back. Hindi ako marunong ng ganitong halik. Parang pati ang kaluluwa ko ay hinahalikan niya.
Biglang bumigay ang mga tuhod ko. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa baywang ko. Ang kamay niyang nasa batok ko ay bumaba sa bandang pwet ko. Dahil doon ay bumalik ako sa realidad. Mabilis kong binuksan ang mga mata ko. His eyes were closed. Lumayo ako sa labi niya. Tsaka niya lang binuksan ang kanyang mga mata.
Hinahabol ko ang aking hininga habang nagkakatinginan kami sa isa't-isa. Kahit ang lumunok ay hindi ko magawa.
Wala siyang sinabi. Umamba siyang hahalikan ulit ako pero narinig ko ang nakakalokong boses ni Nico sa kung saan. Nagtama ang mga ilong namin dahil napatigil siya sa paghalik sa akin.
"Zieg, may bakante pang kwarto sa taas. Doon na lang kayo! Wag diyan! Maraming nanonood!" humalakhak si Nico.
Narinig ko rin ang pagtawa ni Opera. Damn.
Sobrang init ng pakiramdam ko. Nanliliit ako dahil sa hiya. Gusto kong sumiksik kay Zieg at iwasan ang mga matang nanonood sa amin ngayon.
Lumayo si Zieg sa akin. Nawala ang mga kamay niya sa baywang at pwet ko. He snaked his hand around my wrist. Parang umikot ang buong sikmura ko nang makita ko ang pagtiim ng bagang niya. Para siyang naiinis pero ayaw niya iyon ipakita sa lahat.
"No, thanks," he said using a very rough voice.
Nasulyapan ko pa ang pag-irap niya sa kawalan bago ako hinatak pabalik sa sofa. Saktong natapos ang kanta ni Justin Bieber nang umupo kami. Hindi ko matanggal ang mga mata ko kay Zieg. Pakiramdam ko ay hindi siya ang katabi ko ngayon. This is new to me. Iyong pinakita niyang expression at reaction sa akin noong nasa harap kami ng puntod ni Felix Co ay bago para sa akin. I saw his vulnerable side for the first time. Naiindihan ko kung bakit ganoon siya noong panahong iyon. Puntod iyon ng bestfriend niya. Syempre ay hindi maiiwasang maging emosyonal at alalahanin ang mga nakaraan.
Pero ngayon, hindi ko alam. Wala akong maisip na tamang rason para ganoon ang maging reaction niya sa sinabi ni Nico. Ang pagtiim ng kanyang bagang sa inis pati na rin ang boses niyang kasing gaspang ng kalsada sa daan ay sobrang bago para sa akin. Pati iyong pasimpleng pag-irap niya sa kawalan. Hindi ko lubos maisip na kaya palang magpahayag ng ganoong klaseng reaksyon at ekspresyon ang isang katulad ni Zieg.
He let go of my wrist and looked at me, straight into my eyes. "I'm sorry."
Medyo nanlaki ang mga mata ko. His face was serious. Oh my God! Ang isang Zieg ay sobrang seryoso ngayon! Bago ito sa akin!
"B-Bakit ka nagsosorry?" I stumbled.
"I kissed you in front of these fuckboys and girls. I'm sorry, Katarina. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko." Bumuntong hininga siya. Sa buntong hininga niya na iyon ay parang bigla na lang nawala ang inis niya sa mundo. His serious face was gone now. Umangat ang labi niya at mas lalo akong tinignan sa mga mata. That smirk again! "Bakit ka nga pala sumugod sa akin nang ganoon? You startled me! Akala ko babanatan mo ko. Pero nang makita ko ang mukha mo, nawalan na ko ng preno sa sarili ko. Dammit... Parang sinasabi ng mukha mo kanina na gusto mong makipaghalikan sa akin!" humalakhak siya dahilan kung bakit nag-init ang mukha ko.
Hindi ako nakapagsalita. Totoo naman ang sinabi niya. I couldn't argue with that. Hinayaan ko na lang siya na asarin ako. At tsaka nahihiya akong makipag-usap sakanya ngayon dahil sa nangyari kanina. Kaya umiwas ako ng tingin at sinandal ang ulo ko sa sofa. Nagsimula ulit magsayawan at mag-ingay ang mga tao sa paligid na parang walang nangyari. Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Nahihilo talaga ako...
BINABASA MO ANG
Kung Kailan
RomancePiyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo lang ang tunay na halaga kapag hindi na kayang maramdaman pa ng palad mo ang bagay na iyon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Wala kang magag...