Kabanata 36

1.2K 24 6
                                    

Kabanata 36

Oo Na

----------

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na ex mo pala si Leilani?" asar kong tanong kay Zieg habang hinihintay namin si Kuya Joey sa harap ng gate 4.

Hindi nakasabay sa amin si Maru dahil may practice pa sila ng Power Band. Dahil December na at malapit na magpasko, magkakaroon ng Pasko sa Piyu. Kakanta ang Power Band. Gusto ko sanang manood ng practice nila pero naalala ko na umalis na ako sa SC at hanggang ngayon ay hindi ko pa iyon sinasabi kay Ate Lousha. Basta na lang akong umalis nang wala man lang pasabi. Bahala na.

"You didn't ask, Katarina." Ngumisi siya.

Ayan na naman ang ngisi niyang nakakainis.

"Kahit na! Dapat sinabi mo pa rin! Alam mo ba iyong mga sinabi niya sa akin? Ayaw daw niyang naglalandian tayo. Siya lang daw ang may karapatan na lumandi sa'yo. She hates me. Sinabi niya na siya ang una mo sa lahat. As in lahat. Really, Zieg?" Hindi ko mapigilang umirap. "Pumatol ka sa ganoong babae? She looks so innocent! Hindi ko inakala na may dila pala siyang demonyo. Ang talim, e."

Masama kong tinignan si Zieg. Pinapanood niya lang akong inis na inis habang siya ay halatang pinipigilan lang ang tumawa.

"Paulit-ulit ka, Katarina. Ilang beses mo nang sinabi sa akin iyan simula kanina pa," untag niya, pinipigilang tumawa.

"Kasi naiinis ako!"

"Bakit ka naman naiinis?" tumaas ang kilay niya.

"Kasi ang yabang niya. Akala niya kung sino siya. Bakit? Ex lang naman siya. Hatakin ko pa 'yong mahaba niyang buhok, e."

"Oh my, Katarina..." Naramdaman kong lumapit siya sa akin. Inakbayan niya ako. "Are you really upset? Or are you just jealous?"

"Jealous my ass!" Tinulak ko siya. "Kapal nitong ugok na 'to. Bakit naman ako magseselos?"

"Kasi may kaagaw ka na sa akin?" Tumaas taas ang dalawa niyang kilay.

"Ex lang naman siya! At tsaka matagal na kong maraming kaagaw sa'yo dahil marami kang babae! Malandi ka kasi!" hindi ko na napigilan ang bibig kong magsalita. "Ang lakas pa ng loob mong gamitin iyong dorm ni Kiel para ano? Makipaglandian kay Shaira? Ano, Zieg? Nag lap dance ka rin ba sa harap niya? Kadiri ka! Malandi!"

Nakaawang ang bibig niya pagkatapos kong magsalita nang tuloy tuloy. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko. Dammit, Saeko. Ano ba iyong mga pinagsasabi mo? Para kang jealous girlfriend! Hindi ka naman girlfriend ni Zieg! Kaibigan ka, alright!

"You are really upset and jealous, Katarina," sabi niya pagkatapos makarecover sa outburst ko.

"Hindi nga sabi!" sigaw ko at umiwas ng tingin.

"You are..." Hinawakan niya ang isang kamay ko.

Pumiglas ako pero hindi niya iyon binitiwan.

"Hindi nga sabi, e." Patuloy pa rin ako sa pagpiglas. "Nakakainis ka lang kasi. Sabi mo mahal mo ako pero ang landi landi mo pa rin."

Pumarada sa harap namin ang puting Montero. Mabilis na binuksan ni Zieg ang pinto sa backseat. Pinapasok niya ako roon.

"I'm sorry, alright. Hindi na ako lalandi," sabi niya pagkapasok namin sa loob.

Nakita kong sumulyap si Kuya Joey sa amin. Kinagat ko na lang ang labi ko.

Umusog siya palapit sa akin nang hindi ako umimik. Pumulupot ang dalawang braso niya sa katawan ko. Niyakap niya ako nang mahigpit. Nakasandal ang aking ulo sa dibdib niya. Naririnig ko na naman ang tibok ng puso niya. Malakas at mabilis.

Kung KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon