Kabanata 38
Love Is Not An Obligation
----------
"Bakit hindi mo sinabi agad sa akin na umalis ka na ng SC?" tanong ni Ate Lousha.
Umagang umaga, tumataas ang boses niya. Nawawalan tuloy ako ng ganang kumain. Makaalis na nga.
"Sorry," sabi ko na lang para magtigil na siya.
"Kung di lang sinabi sa akin ni Maru kahapon, hindi ko pa malalaman." Bumuntong hininga siya. "Ikaw pa naman ang gusto kong gawing secretary next year."
Uminom ako ng tubig. "Wag na, Ate Lousha. Wala namang boboto sa akin kasi hindi naman ako sikat katulad mo."
Tinignan niya ako na para bang hindi siya makapaniwala. Tumayo na ako.
"Mauna na kong pumasok." Narinig kong may bumusina sa labas.
Agad akong napatingin sa kwarto nina mama at papa. Natatakot ako na baka magising sila sa ingay ng busina.
"Sino 'yon?" tanong ni ate.
"Zieg," simple kong sagot at tsaka lumabas na ng bahay.
Pagkalabas ko ng gate, nakaabang na siya sa akin. Sinalubong niya ako ng kanyang ngisi.
"Good morning," he greeted.
"Good morning." Sumimangot ako. "Next time itext mo na lang ako kapag nandiyan ka na. Palagi akong natatakot na baka magising sina mama dahil sa ingay ng busina mo, e."
Natawa siya. "Alright. I'm sorry. Hindi na mauulit."
Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga kamay namin. Napatingin kami parehas sa aming mga kamay at sabay kaming napangiti. Wow, ang saya ko ata ngayon. Umaapaw ang saya ko. Abot hanggang FEU.
"Mauna ka na sa room, Zieg. Punta muna akong cr," sabi ko sakanya.
Tumango siya at binitiwan ang kamay ko. "Okay. Take your time."
Nang makita kong pumasok na siya ng room, pumasok na rin ako sa cr. Napahinto ako sa pagpasok ng cubicle dahil may isang nilalang na kung makatitig sa akin ay akala mo ang bait bait ko. Really, Leilani? Mukha talaga siyang mabait pero ang totoo, hindi naman! May dilang demonyo 'yan, e.
Sinuklian ko rin ang titig niya. I was looking at her like she was an angel fell from heaven. Huh, take that. Susuklian ko ang lahat ng mga ibibigay o gagawin mo sa akin para pantay lang tayo.
"Mukhang masaya ka, ah?" her smile became wider.
Mas lumapad din ang ngiti ko. "Syempre naman. Masaya talaga ako."
"Because of Zieg? Why? Did you have sex already? Hindi ka na virgin?"
Nalaglag ang panga ko sa narinig. Oh my gosh. Tama ba ang narinig ko? Sinabi ng isang Leilani iyon? Kahit alam kong may dilang demonyo siya, hindi pa rin ako makapaniwala na sasabihin niya iyon. Sa itsura niyang sobrang inosente, maling mali na marinig ko iyon mula sakanya.
"Bastos," hindi makapaniwalang sabi ko.
Umiling ako bago siya talikuran at pumasok ng cubicle. Mabilis kong sinarado ang pinto. Nagulat ako nang humiyaw si Leilani. Binuksan ko ang pinto. Nakita kong hindi na maipinta ang mukha niya sa sobrang sakit habang hawak ang kamay niyang mukhang naipit sa pinto dahil sa pagkasara ko.
"Ang sama mo! Isusumbong kita kay Zieg!" bulyaw niya at lumabas ng cr.
Natameme ako. Ilang segundo pa akong natameme bago ako tumawa. Ang isip bata naman ni Leilani. Nakakatuwa.
BINABASA MO ANG
Kung Kailan
RomancePiyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo lang ang tunay na halaga kapag hindi na kayang maramdaman pa ng palad mo ang bagay na iyon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Wala kang magag...