Kabanata 39

1.1K 25 1
                                    

Kabanata 39

Fell So Hard

----------

Pigil ko ang hininga ko habang pinapanood kong pumapasok ang sasakyan nina mama't papa sa bahay namin. Nagtatakang tumingin sa amin si manang na siyang nagbukas ng gate. Ngumiti siya sa akin pero hindi ko iyon nasuklian. Masyado akong kabado at takot para ngumiti.

Takot na takot akong tumingin kay Zieg. Tikom ang kanyang bibig nang tinignan niya ako.

"P-Pasok na ako," nauutal kong paalam.

Hinawakan niya ang siko ko. "Sasamahan kita."

Umiling agad ako sa sobrang takot. "Hindi na, Zieg. Umuwi ka na." Sumulyap ako sa bahay namin. "Galit na galit si mama. Ayokong mas lalo pa siyang magalit dahil pinapasok kita sa bahay. Wala pa silang alam tungkol sa atin."

"Ipapaalam natin ngayon, Katarina. Don't be scared. I'm here with you."

Mapait akong ngumiti. "Wag na... Next time na lang natin ipaalam. Oh kaya ako na lang ang magsasabi. Umuwi ka na, please. Itetext na lang kita. Okay?"

Tinignan ko ang mukha niyang mukhang hindi makikinig sa lahat ng mga sinabi ko. Bumuntong hininga ako.

"Dali na, Zieg. Umuwi ka na." Lumapit ako at hinalikan siya sa pisngi. "Bye. Ingat ka." Kumaway ako kahit nanlalambot na ako sa takot at kaba.

Hindi na siya nakaangal nang pumasok ako. Nakatayo lang siya roon habang pinapanood akong nanginginig na sinasarado ang gate.

Nanunuyo na ang lalamunan ko. Hindi ko na mapakalma ang puso kong sobrang lakas kumabog. Alam kong pagagalitan nila ako ngayon. Hindi nila gustong magkaroon ako ng boyfriend habang nag-aaral pa ako. Ganoon din naman sila kay Ate Lousha at Kuya Ashton. Hanggang ngayon ay wala pang nagiging boyfriend si ate at si kuya alam ko wala pa rin siyang nagiging girlfriend. Gusto ng mga magulang namin na unahin namin ang pag-aaral bago ang pag-ibig.

Pero nahuli nila akong nakikipaghalikan kay Zieg sa harap mismo ng bahay namin.

Pumasok ako sa bahay at gustong gusto kong tumakbo pabalik kay Zieg nang maabutan ko ang mama't papa ko na nakatayo sa aming sala. Nakahalukipkip si mama habang si papa ay may tinetext sa kanyang cellphone. Parehas silang napatingin sa akin. Nalunok ko na ang lahat ng laway ko sa sobrang kaba.

Napapitlag ako nang dinuro ako ni mama. "Ikaw babae ka! Bakit nakikipaghalikan ka sa harap ng bahay natin? Paano kapag may nakakita sa'yong mga kapitbahay natin? Anong iisipin nila?"

Gusto kong humingi ng tawad pero hindi ko mabuka ang bibig ko sa sobrang takot. Nakakatakot ang mama ko habang dinuduro niya ako gamit ang nanginginig niyang kamay. Galit na galit siya.

"Zieg ang pangalan nung lalaking iyon, diba? Boyfriend mo ba iyon?" tanong ni papa.

Napatingin ako sakanya. Kalmado lang siyang nakatingin sa akin pero sobrang seryoso ng kanyang mga mata.

"Opo, boyfriend ko siya," diretso kong sagot kay papa.

Hindi ako masyadong natatakot sakanya dahil hindi naman siya kagaya ni mama na sobra kung makapag react. Sa gilid ng mata ko, nakita ko si mama na suminghap. God, ayoko nang tumingin kay mama. Aatakihin ako sa puso dahil sakanya.

Kumunot ang noo ni papa. "Hindi ba siya iyong lalaking nag-uwi sa'yo nang lasing? Boyfriend mo 'yong ganoong lalaki?"

Nakagat ko ang labi ko. It's not his fault. Ako naman ang may gustong uminom noon. Kasalanan ko kung bakit ako nalasing.

"He's a bad influence! Saeko, alam mong ayaw kong nagboboyfriend kayo habang nag-aaral! Sumuway ka sa gusto ko! Kahit kailan ay hindi pa ako sinuway ng ate at kuya mo dahil sa pag-ibig na 'yan. Anong mapapala mo diyan? Hindi ka naman magkakaroon ng magandang grades kung uunahin mo ang pag-ibig!"

Kung KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon