Wakas
Nanlalamig ang kamay ko nang hinawakan ko ang doorknob ng pinto ng bago kong room. Ito ang unang araw ko bilang sophomore. I'm already second year college.
Bago ko pa mabuksan ang pinto ay may tumakip na sa aking mga mata. Napasinghap ako nang maamoy ang pamilyar niyang bango. Unti-unting umangat ang labi ko para ngumisi.
Hinawakan ko ang kamay niyang tumatakip sa mga mata ko at dahan-dahan itong inalis para makita ko siya.
"Maru..." I smiled after I saw him.
He smiled too. "Namiss kita."
Natawa ako at mahinang tinampal ang kamay niya nang mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ko.
"Kahapon lang magkasama tayo. Buong bakasyon palagi tayong magkausap at magkasama. Nababaliw ka na ba?"
Tumaas ang kilay niya. "Oo. Nababaliw sa'yo."
Pinilit kong sumimangot kahit gusto kong ngumiti. Hay, Maru.
Sabay na kaming pumasok sa room. Magkaklase pa rin kami ngayon. Bagong mga mukha ang nakita ko. Agad nahagip ng mga mata ko si Shaira. Kumaway siya sa amin at sumenyas na maupo sa bakanteng upuan na katabi niya.
Umirap siya sa akin pagkaupo ko. "Porket wala na kayo ni Zieg, palagi mo nang kasama 'yang si Maru. Pati ako nakakalimutan mo na," bulong niya.
Hindi maiwasan ng puso kong magwala nang mabanggit ni Shaira ang pangalan ni Zieg.
"Hindi, ah? Palagi nga tayong magkatext noong bakasyon, diba?" medyo nanginig ang boses ko.
"Sus! Text lang iyon. Gusto ko may bonding moments tayo. Palagi lang akong nasa bahay. Nasayang ang summer break ko." May himig ng pagtatampo at inis sa boses niya.
Kinagat ko ang labi ko. "Sorry. Babawi na lang ako sa'yo ngayon. Tsaka summer break lang iyon. Palagi naman tayong magkasama kapag may pasok! Wag ka na magtampo! Malapit lang kasi ang bahay ni Maru sa bahay namin kaya palagi kaming magkasama noong bakasyon..."
Tinignan niya ako na para bang may malaki akong nagawang kasalanan. Nakita ko sa gilid ng mata kong umupo si Maru sa tabi ko.
"Palagi kayong magkasama, diba? Bakit hindi nagalit ang parents mo? Kay Zieg nagalit sila..." May sasabihin pa sana siya kaso hindi niya tinuloy.
Napalunok ako. "Iba naman ang sitwasyon noon, Shai. Maru is only my friend. Walang rason para magalit at pagbawalan ako nina mama at papa na sumama sakanya. And Zieg... was my boyfriend. Ayaw nilang mag boyfriend ako kaya ganoon. Tumutol sila."
Umiwas ako ng tingin. Nagbara ang lalamunan ko. Hindi ko pa rin kasi kayang isipin na walang halong sakit iyong nangyari sa amin ni Zieg. We broke up last December. It's only been six months. You can't expect me to be fine already. You can't expect me not to be hurt at all. Dahil sa anim na buwan na iyon, imbes na mawala ang sakit ay mas lalo pang nadadagdagan sa tuwing nakikita ko siya at wala man lang siyang reaksyon kapag nagtatama ang mga mata namin.
Para kaming naging strangers sa isa't-isa. Ayoko nang balikan iyong mga panahon na umiiwas siya sa akin. Pero tangina kasi nitong utak ko. Masyadong masokista. Gustong gustong nasasaktan ako.
Ayoko nang balikan iyong mga panahon na sumisikip ang dibdib ko kapag naiisip kong katabi ko lang naman siya sa upuan pero pakiramdam ko ay libo-libong distansya ang namamagitan sa amin. Hindi ko siya maabot.
Napasinghap ako nang tumulo ang luha ko. Agad ko itong pinunasan. Damn it. Stop it, Saeko.
"Sorry... Naalala mo ba ang malanding Zieg na iyon? Sorry, Katarina..." sabi ni Shaira.

BINABASA MO ANG
Kung Kailan
RomancePiyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo lang ang tunay na halaga kapag hindi na kayang maramdaman pa ng palad mo ang bagay na iyon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Wala kang magag...