Kabanata 24

1.1K 26 1
                                    

Kabanata 24

Two Steps

----------

Magang maga ang mga mata ko nang umuwi ako sa bahay. Panay ang iyak ko kanina sa school kasama sina Yuni, Precis at syempre ang nakakita, si Opera. Wala nang nakakaalam nito bukod sakanila.

Ilang beses nila kong tinanong kung bakit ko ginawa ang pangongodigo. Ang tangi ko lang nasagot ay...

"Hindi ako nakapag-aral," sabay hikbi.

Nakita ko ang aking mukha sa salamin ng bahay namin. Pulang pula ang ilong ko sa pag-iyak. Kinagat ko ang labi ko.

Dahan-dahan akong lumakad. Hindi pa nakakauwi sina mama at papa pero sigurado akong nandito na si Ate Lousha. Maaga siyang umalis kanina sa SC office.

Nagkasalubong kami ni ate. Kalalabas lang niya sa sariling kwarto. Lumaki ang mga mata niya nang makita ako.

"Bakit namamaga ang mga mata mo?" mabilis siyang lumapit sa akin. "Anong nangyari?"

Kinuwento ko sakanya ang nangyari. Nanunuyo na ang lalamunan ko. Mahirap para sa akin ang sabihin ito. Ang umamin sa kasalanan mo... At iniisip ko pa lang na sasabihin ko ulit ito sa mga magulang ko, nagigiba na ang self-confidence ko.

Dumating si Kuya Ashton. Napabuntong hininga ako nang agaran siyang lumapit sa amin ni Ate Lousa. Nakita niya akong umiiyak.

Napayuko na lang ako nang si Ate Lousha na ang nagsabi ng problema ko. Nahalata niya ata na hindi ko na kayang ilahad pa ulit ang nangyari. Nahihiya ako. Hindi ako makatingin sa mga mata nila... lalo na ni Kuya Ashton.

Malalim na bumuntong hininga si kuya. "Mom and dad will get angry." Nang marinig niya ang hikbi ko ay agaran niyang dinagdagan ang kanyang sinabi. "I mean they will be upset..."

Pinunasan ko ang mga luha. Kumakalam ang sikmura ko pero wala akong ganang kumain ngayon. Gusto ko na lang matulog agad pero hindi pwede dahil kailangan ko pang sabihin ito sa mga magulang ko.

Hindi ako iniwan nina Kuya Ashton at Ate Lousha sa sala. Alam kong parehas silang pagod at gutom pero hindi pa rin nila ako iniwan. Ni hindi pa nga nakakapagbihis si Kuya Ashton. Suot pa rin niya ang kanyang coat at ties.

Nagsimulang kumabog ang puso ko sa kaba nang marinig namin ang busina ng sasakyan nina mama't papa, hudyat na kailangang buksan ang gate para makapasok ang sasakyan nila sa garahe. Tumakbo si manang at siya ang nagbukas ng gate.

Halos malagutan ako ng hininga habang hinihintay silang tumapak sa bahay. Nakaabang ang mga mata naming tatlo sa pintuan.

Nagtaas ng kilay si mama nang maabutan niya kaming tatlo na magkakasama sa sala. Nakaupo kaming dalawa ni ate habang si kuya ay nakatayo sa tabi ko. Naunang pumasok si mama at sinundan ito ni papa na nagtaas din ng kilay sa amin.

Nang makita ko ang mga pagod nilang mukha ay parang gusto ko na lang hayaan ang pag-aaral ko. Gusto ko na lang bumagsak. Hindi ko kayang sabihin.

Nagtataka silang dalawa sa aming tatlo pero dahil sa rin siguro sa pagod ay hindi nila kami pinansin at dumiretso lang sa paglalakad papunta sakanilang kwarto.Namilipit ang mga kamay at paa ko. Hindi ko kaya pero kailangan kong sabihin sakanila. Kailangan ko silang papuntahin sa school.

"Ma," tinawag ni Kuya Ashton si mama na lumagpas na sa amin. "Ma, pa, wait lang."

Tumigil sila parehas at tinignan si kuya. Nakita kong sumulyap sa akin si ate. Mariin akong pumikit.

"Saeko needs the both of you..." malumanay na sabi ni Kuya Ashton.

Dumilat ako at tinignan ang reaksyon nila. Tumagilid ang ulo ni papa nang bumaling siya sa akin.

Kung KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon