Kabanata 5

1.7K 34 6
                                    

Kabanata 5

Ej

"Someday you'll look back on all these days. And all this pain is gonna be invisible. Oh, invisible..."

—————

Sa mga sumunod na araw ay palagi ko na siyang nahuhuling nakatingin sa akin. Sobra akong kinikilig. As in sobra sobra. Sa sobrang kilig ko kahit na uwian na ay hindi pa ko umuuwi. Nakatayo lang ako sa harap ng NB 503 habang pinagmamasdan ko siya sa loob ng room na seryosong nakikinig. Pasilip silip ako sa maliit na fiber glass ng pinto. Kapag nagagawi ang paningin niya sa direksyon ko ay mabilis pa sa kidlat akong umuupo para hindi niya ko maabutang tinitignan siya.

Akala ko makakaligtas ako na taguan ang paningin niya pero isang beses ay nahuli niya kong titig na titig sa kanya. Hindi ko na nagawang umupo ulit para magtago. Sinalubong ko ang tingin niya. Gusto ko na nga siyang yakapin kung wala lang pintong nakaharang sa amin.

Namiss ko ang tingin niyang ganito. Nakakatusok ng puso't kaluluwa. Tagos na tagos sa pagkatao ko.

Umiwas siya ng tingin sa akin at tumutok na ulit sa lalaking prof niya sa harap. Napaupo ako pagkatapos. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil sobra na kung kumabog ang puso ko. Ilang beses akong huminga nang malalim para kalmahin ang sarili ko.

Gumapang ako para iwasan ang pinto nilang may maliit na fiber glass. Tumayo ako nang nasa pinto na ko ng kabilang class room. Mabilis akong tumayo at inayos ang kulay violet na backpack.

Bumuga ako ng malalim na hininga. "Buti mag-isa lang ako. Kundi aasarin ako nina Opera kapag nalaman nila ang ginawa ko."

Laking pasasalamat ko na umuwi na sila agad kasi nakakaloka itong ginagawa ko. Stalking, eh?

Napagdesisyonan kong umuwi na. Malapit na kasing mag gabi at malayo pa ang bahay ko. Pumila ako sa harap ng 7eleven kung saan nandoon nakaparada ang mga fx papuntang SM Fairview.

Nakinig lang ako ng mga musikang bumabagay sa mga nararamdaman ko ngayon. Minsan napapangiti, minsan nalulungkot, minsan naiiyak, minsan nasasaktan kapag tumatama ang mga lyrics ng kanta sa akin.

~Lately I been, I been losing sleep. Dreaming about the things that we could be~

Napangisi ako at sinandal ang ulo sa bintana ng fx. Counting Stars by OneRepublic ang tumutugtog sa playlist ko ngayon. Ito ang kantang kinanta ni Maru noong pinakanta siya sa Tatak Tamaraw Orientation. Napalitan ang ngisi ko ng ngiti nang maalala kung paano niya ko titigan habang kinakanta ito.

Nawala ang ngiti ko. Dreaming about the things that we could be?

Palaging sumasagi sa isip ko ang tanong na 'Ano na kaya tayo ngayon kung hindi ako nagpakatanga dati?'. Siguro masaya ako ngayon. Masaya ka. Masaya tayong dalawa. Wala sanang nagsisisi at nasasaktan.

Ang gago ko lang kasi...

Nakauwi ako sa bahay at saktong kumakain si Kuya Ashton sa sala habang may binabasang papel. Grabe. Pati ba naman habang kumakain ay nagtatrabaho siya? Ang sipag niya.

Dumapo ang tingin niya sa akin. Niyaya niya kong kumain. Ngumiti lang ako at umiling.

Hindi na ko magtataka kung wala pa si Ate Lousha. Malamang ay busy iyon sa Student Council Office o kaya naman ay may practice ng volleyball.

Hindi ko talaga maiwasang mainggit sa mga kapatid ko. Pinagpala, eh.

At hindi na rin ako magtataka kung wala pa ang mga magulang ko. They are so busy feeding up their credit cards. Wow. Sila na.

Kung KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon