Kabanata 16
Lap Dance
----------
Diretso lang ako maglakad papunta sa Nursing Building. Ayokong tumingin tingin sa paligid. Baka kung ano pa ang makita ko or rather baka kung sino pa ang maka-encounter ko.
Pero kapag minamalas ka nga naman. Ilang beses kong pinagdasal na sana hindi ko makita si Maru ngayong araw or kahit kailan. Wala na kong pakialam kung hindi na kami magkita. Mas gugustuhin ko iyon kesa magkita kami at itanong sa akin kung ano ang mga pinagsasabi ko sakanya kagabi sa chat.
For Pete's sake, nagkamali lang naman ako kagabi! Dapat kay Zieg ang message na iyon pero dahil sa sobrang inis ko kagabi, nagkamali ako ng sent! Kasalanan ito ni Zieg! Kung hindi siya nag sent sa akin ng nude photo niya na palagi niyang ginagawa, hindi sana ako maiinis at magkakamali ng sent kay Maru!
Gosh! Nakakahiya talaga! Napakabulgar ng mga salita ko kagabi. Wala naman sa akin kung si Zieg ang makabasa ng mga sinabi ko. Eh kaso si Maru ang nakabasa, hindi naman siya kagaya ni Zieg na napakabulgar, open minded, at green minded! Si Maru? Sa ilang buwan kong pagkakakilala sakanya, alam kong super conservative niya. Hindi siya iyong tipo ng lalaking open sa mga bagay na . . . ganito. Liberated.
Nagtagpo ang mga mata namin ni Maru. Nakapila siya sa elevator. What? Hindi naman siya sumasakay ng elevator, ah? At tsaka bakit ang aga niya ngayon? Mamaya pang nine o'clock ang pasok niya.
Iiwas pa lang ako ng tingin nang tawagin niya ang pangalan ko. Nagdalawang isip pa ako kung pipila pa ako para makasakay ng elevator or tatakbuhin ko na lang paakyat iyong hagdan. Late na late na ako.
"Saeko," tawag niya ulit sa mas malalim na boses. Patay, nahahatak ako ng boses niya.
Naramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko. Hinatak niya ko papunta sakanya. Narinig kong umangal iyong mga nasa likod namin. Okay, I know, sumingit ako sa napakahabang pila na ito. Nasa medyo gitna pa naman kami. Talagang maiinis iyong mga nasa likod.
Pero hinila lang naman ako ni Maru! Anong magagawa ko? Wag kayong mainis sa akin!
"Maru, nakakahiya. Sumingit ako," sabi ko, tinitignan 'yong mga taong nakasimangot sa likod.
"Hayaan mo sila." Tinignan niya ang kanyang kamay na nakahawak pa rin sa kamay ko. Kumirot ang dibdib ko nang dahan-dahan niyang tanggalin ang hawak niya sa akin. "Saeko, ano iyong nabasa ko kagabi? What the heck?" walang paligoy-ligoy niyang tanong sa akin. Kumunot pa ang noo niya.
Sabi ko na nga ba. Hindi niya ito palalagpasin. Tatanungin at tatanungin niya ako tungkol sa nangyari kagabi.
Kaya ayaw ko siyang makita! Anong sasabihin ko? Na nag sent kasi si Zieg ng nude photo niya sa akin? Parang ang pangit naman pakinggan! Baka kung ano pa ang isipin ni Maru.
"Uhh . . . I'm sorry," iyon na lang ang nasabi ko. "Nagkamali lang ako. Wag mo na lang isipin iyon."
Alam kong pulang pula na ang pisngi ko. Habang sinasabi ko kasi iyon, naglalaro sa utak ko ang nude photo ni Zieg! Heck! Iyong abs niya. Iyong nakakaakit niyang ngisi.
Pumikit ako at inayos ang aking paghinga. Bumilis ang tibok ng puso ko at bigla na lang ako naging unease.
Malalim na buntong hininga ang narinig ko kay Maru. Oh please, wag ka nang magtanong pa.
"Alam kong nagkamali ka lang. Halata naman, eh. Dapat kay Zieg mo iyon i-sesend. Kaso for some reason, nagkamali ka. Sa akin pa? Sa dinami dami ng taong online kagabi, sa akin pa? Sa akin mo pa na sent iyong napakabulgar mong mga salita." May diin ang bawat bigkas niya ng mga salita. Parang sinasabi niyang, 'I was disappointed, you know'. Ugh, I know! I freaking know!
BINABASA MO ANG
Kung Kailan
RomancePiyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo lang ang tunay na halaga kapag hindi na kayang maramdaman pa ng palad mo ang bagay na iyon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Wala kang magag...