Señorito 1

16.8K 226 1
                                    

Disclaimer:This is a work of fiction.Names,characters,places,
Businesses,events and Incidents are either the product of the authors imagination or used in a fictitious manner.Any resemblance to real person,living or dead or actual events are purely Coincidental.

Warning:This story contains Mature Content.

Vote and comments are Highly recommended! Pa-follow rin po ako,Thank you! :)

Hindi ko naiwasang mapalingon sa gawi ng mga nagkukumpulan at nagtitliang mga kakabaihan rito sa pier.Pinagkakaguluhan nila ang magkakapatid na Grei.Nakasakay ang mga ito sa kabayo't may kausap na dalawang mag sasakang lalake.

Naka side view sila rito sa may gawi ko ngunit sapat na para makita ko ang kanilang mga tinataglay na kagwapuhan.Bukod sa mga gwapong mukha nila'y nasisiguro kong pati ang matitipunong katawan nila ay isa rin sa pinagkakaguluhan ng mga babae dahil pare-pareho silang walang saplot pang itaas.Naka-maong pantalo lang silang apat na medyo kupas kupas ng tingnan.

Ngunit tulad ng dati ay mas nangibabaw parin sa paningin ko ang gwapong mukha ng nasa unahang lalakeng nakasuot ng cowboy hat na kulay brown,ang panganay na anak ng Don Leonhart Ephraime Grei.Siya iyong nasa unahan na ngingiti ngiting nakikipag usap sa dalawang mag sasaka.Hindi ko nga lang alam kung ano ang kanyang pangalan at hindi ko maitatangging interisado akong malaman.Ang tanging kilala ko lang sakanilang magkapatid ay yung nag ngangalang camaro,iyong ikatlong anak ng Don Grei.

Madalas kong makita rito sa Valeriana ang panganay na anak ng Don Grei pati na ang kanyang mga kapatid sa tuwing naglalako ako ng Banana cue at kamote cue.Tumutulong kasi sila sa pagsasaka sakanilang bukid.Kahanga hanga lang na sa kabila ng sobrang yaman nila ay tumutulong sila sa pagsasaka,hindi tulad ng iba na masyadong inaabuso ang kanilang kayamanan.

Dinala ako ng mga paa ko patungo sa mga nagkukumpulang mga babae,bit bit ang nigong may lamang isda na tinitinda ko.Ngayon ay mas malinaw ko ng nakikita ang kabuuhan ng kanyang mukha.Nasisinagan ng araw ang maamo niyang mukha kaya kitang kita ang kulay abo niyang mga mata.Maraming nagsasabi na sa magkakapatid ay siya raw ang pinakamabait.

May dugo mang pinoy ay mas nangingibabaw sakanyang itsura ang dugong kastila.Hindi biro ang kagawapuhan niya.Iyon ang paulit ulit na sinasabi ng aking utak.Siguro ay ganoon nalang kabait sakanya ang diyos dahil wala man lang akong makitang kapintas pintas sakanyang itsura.Perpektong perpekto sa paningin ko at alam kong gano'n din sa iba.

Ngunit kumalabog nalamang ang dibdib ko sa kaba nang biglang mapunta ang tingin niya saakin.Saglit siyang napatitig saakin,maya maya pa'y biglang gumuhit ang ngiti sakanyang labi na naging dahilan naman kung ba't bumilis ang pintig ng puso ko.Bago paman mahalata ng mga babaeng narito na ako ang nginingitian niya ay tumalikod na ako't naglakad na palayo.

"I'm Engage!"Tili ng matalik kong kaibigan na si Thalia isang sabado ng hapon habang nagmemeryenda kami rito sakanilang Mansion.Pinakita niya pa saakin ang kumikinang na diamond ring na nakasuot sakanyang daliri.

"Wow!Ang ganda naman Thalia!"Kumikinang ang mga mata ko sa ganda ng diamond ring na suot suot niya.Nasisiguro kong hindi biro ang presyo ng singsing na ito,paniguradong nasa milyon ang halaga nito.Masyadong mayaman ang mapapangasawa niya."Congrats,Sainyo.Masaya akong ikakasal na kayo ng lalakeng pinapangarap mo."nakangiting saad ko.

Crush na crush niya kasi ang lalakeng 'yon,Sa tuwing magkasama kami ay hindi niya nakakalimutang banggitin ito saakin.Panay kwento niya tungkol dito at sa mga kabaitang ipinapakita nito sakanya,kinikilig pa siya habang nagkekwento.Ngunit hindi niya pa nasasabi saakin ang pangalan nito,kahit kyuryos man ako kung sino ito ay hindi na ako nag tanong.Baka kasi hindi niya naman talaga gustong sabihin kaya nirerespeto ko nalamang ito.Pangarap niya na dati pa na makasal silang dalawa at masaya akong natupad ang pangarap niyang iyon.

Chasing Butterfly(Señorito Series One)Where stories live. Discover now