Señorito 3

5.2K 115 1
                                    

"Ano?!Hinatid ka ng Señorito Laviente?!"

Halos mabasag ang eardrum ko sa lakas ng pagkakasabi no'n ni Nanay.Gulat na gulat siya't hindi makapaniwala.Habang ako ay abalang inihahain ang mga pagkain at naglalagay ng mga plato't kubyertos sa lamesa.Kwinento ko kasi sakanila na ang magkakapatid na Grei ang naghatid sa'kin rito sa Bahay.

"Binilin kita ate na huwag kang lalapit sakanila pero hindi mo ako sinunod,sa susunod ayoko ng malaman pa na hinatid ka ulit ng Grei na'yon,wag ka ng lalapit ulit sakanya pati na sa mga kapatid niya.Pa'no kung pagsamantalahan kanalang ng Grei na'yon?E'di wala tayong maipapangkaso dahil mahirap lang tayo."Sobra naman 'tong mag isip ang kapatid ko.Mukhang hindi naman ganoon kasama ang Señorito Laviente Dragomir para gawin iyon.

"Nasisiguro kong hindi naman niya magagawa iyon saakin o kahit sa ibang babae,Diegho."Mahinahong giit ko't naupo na para kumain.Naupo narin sila ni Nanay."Ang totoo nga niyan ay pinaalalahanan pa ako ng Señorito Laviente na wag akong maglalakad ng mag isa sa daan kapag padilim na,delikado daw."pagkekwento ko habang nagsasandok ng kanin sa plato.

"Wag kang magtitiwala kaagad sa kabaitan na pinapakita ng Grei na'yon.Paniguradong gusto niya lang kunin ang loob mo,kilalang mga playboy ang magkakapatid na Grei,Ate."

Mukhang hindi naman sila lahat playboy,Ang tanging naririnig ko lang na playboy daw mula sa mga taga Valeriana ay ang Señorito Gallardo Camaro.Malakas ang paniniwala ko na hindi gano'n ang Señorito Laviente Dragomir.

"Ang Señorito Laviente bang sinasabi mo ay yung Panganay na anak ng Don Grei,Anak?"Tanong ni Nanay.

"Opo,Nay."tugon ko.

"Maraming taga rito sa Valeriana ang nagsasabing ang panganay raw na anak ng Don Grei ang pinakamabait sa magkakapatid."pagkekwento ni Nanay.

"Mukha nga,Nay."pag sang-ayon ko."Mukhang siya rin itong hindi maloko sa magkakapatid.At maginoo rin siya,Nay."palihim akong napangiti nang maalala ang pag alalay niya saakin sa pagsakay at pagbaba sakanyang kabayo.

"Puring puri mo naman ata ate ang Laviente na'yan,wag mong sabihing may gusto ka sakanya?"ang kapatid ko na salubong na ang kilay at matalim na ang tingin saakin.

"Sinasabi ko lang ang mga napansin ko sakanya,Diegho.Walang ibig sabihin no'n."giit ko,ngunit pakiramdam ko'y hindi talaga iyon ang rason ko.Tila ba sumasang ayon ang loob ko sa sinabi ni Diegho.

Hindi ako kaagad nakatulog ng gabing 'yon dahil sa kakaisip sa Señorito Laviente Dragomir,lalo na ang paghalik niya sa kamay ko,tuloy ay hindi ko maiwasang mapatitig sa kamay kong hinalikan niya,tila may kung anong kumikiliti saakin sa tuwing inaalala ito,napapangiti nalamang ako dulot ng kilig na nararamdaman.Punong puno ng magagandang pangyayare ang araw na iyon,simula sa pag ngiti niya saakin,pag alok niyang ihatid ako pauwi,ang makasama siya,malapitan,malaman ang kanyang pangalan at mahalikan ang aking kamay.Tila ako na ang pinakamasayang tao ngayon sa mundo.

Kinaumagahan,Tulad ng kinasanayan ko ay maaga akong gumising.Ang Señorito Laviente kaagad ang unang sumalpak sa isip ko,naging dahilan ng mga ngiti ngayon sa labi ko habang nagluluto ng almusal.Pagkatapos kong magluto ay isa isa ko na itong inihain sa lamesa,tinakpan ko nguna ang mga ito para hindi langawin dahil maliligo na ako.

Gising na sila Nanay at Diegho nang madatnan ko pagkatapos kong maligo't mag bihis.Nag almusal na kaming tatlo,at si Diegho itong unang natapos para maligo na dahil kailangan niya pang mamasada.Pagkatapos namin ni nanay mag almusal ay deretso na ako hugas ng mga pinagkainan,si Nanay naman ay naligo na bago nag walis sa labas.

"Bagong huli ang mga isdang ito,Amora."saad ni Tiyo Odolfo,isa sa mga mangingisda rito sa Valeriana.Siya ang nagdadala saamin rito ng mga bagong huling isda na tinitinda ko,binibili namin ito kung minsan ay inuutang kapag walang sapat na pera,binabayaran nalang namin.

Chasing Butterfly(Señorito Series One)Where stories live. Discover now