Señorito 52:Le Maistre

2.7K 61 1
                                    

Gallardo Camaro Grei Punto De Vista

"Ama,hayaan niyo nalamang sila Kuya Drago,nagmamahalan sila ni Mariposa.Mas lalo lang sasakit ang ulo mo kung patuloy niyong pinapakealaman ang relasyon nila ni kuya."Sermon ko kay Ama pag kauwi namin rito sa Mansion niya,pumunta ulit kami sa mansion ni Darcio ngunit hindi namin siya do'n naabutan,kahit ang kapadit kong si Sano ay hindi ko ma-contact,ngunit nakakasiguro akong kasama niya si Darcio,dahil sinundan niya ito kagabi.Pabalik balik siya ng lakad,napapahilot sakanyang sentido,napapasinghal dala ng init ng ulo kila kuya Drago't Mariposa.

Gusto ko ng matapos ang problemang ito,awang awa na ako kila kuya Drago't Mariposa,masyado ng naaapektuhan ang relasyon nila.Noon paman ay inaasahan ko ng mangyayare ito.Dati paman din ay kinakabahan na ako para sakanilang dalawa,alam ko na gagawin lahat ni ama na ipaglayo silang dalawa.Bakit kasi isa ka pang Mastrantonio,Mariposa?Kung hindi lang siya isang Mastrantonio ay tahimik sana ang relasyon nila ngayon.Hindi ko alam kung ano ang rason ng diyos at ang anak pa ng pumatay saaming ina ang nagpaibig kay kuya Drago,at sila pa ang pinagtagpo sa dinami rami ng babae diyan.

"Hayaan?!Hindi ako papayag na mapangasawa ng kuya mo ang babaeng iyon!"asik niya sabay lagok ng natitirang alak sa hawak niyang wine glass.

"Kilala ko si Mariposa,Ama.Mabuti siyang tao,may respeto at higit sa lahat disenteng babae.Hindi ko masisisi kung ba't siya ang nagustuhan ni kuya Drago,kung ba't mahal na mahal siya ng panganay mong anak.Bigyan mo ng pagkakataon si Mariposa na kilalanin siya ng maige,sigurado akong maiintindihan mo kung ba't mahal na mahal siya ni kuya Drago."

"Tumigil ka,Gallardo!Isa ka pa!Pagkatapos ni Darcio ay ikaw naman itong kumakampi sa Mastrantonio'ng iyon!Wag mong sabihing may gusto ka rin sa babaeng 'yon?!"

"May iba akong babaeng gusto,Ama.Sinasabi ko lamang sainyo kung ano ang totoong pagkatao ni Mariposa,na hindi siya katulad ng inaakala niyo,hindi siya tulad ni Valencio."

"Ngunit isa parin siyang Mastrantonio!Noon paman ay ang mga Mastrantonio na ang numero unong kalaban ng mga Grei!Kaya hindi ako papayag na magkaroon ng Mastrantonio saating pamilya,hindi rin ako papayag na ang isa sa magiging apo ko ay may dugo ni Valencio!"

"Don Grei! Don Grei! Don Grei!"

Magsasalita na sana ako nang biglang sumulpot ang mayordomang si Laverna,hingal na hingal ito sa kakatakbo papunta rito saamin mula sa labas ng Mansion at nanabalutan ng kaba't takot ang mukha.Base sa nakikita kong ekspresyon sa mukha niya'y pakiramdam ko ay masama itong balita.

"Ano iyon,Laverna?sabihin mo na?"sa kaba't kuryusidad ay ako na itong nagsalita,inunahan ko na si ama.

"Ang Don Valencio,Narito!Handito ang mga Mastrantonio!"

"What?!"gulat na wika ko.

"Punyeta!"singhal ni ama.Naalarma naman ako nang dali dali na siyang naglakad palabas ng Mansion.

"Tangina!"sa galit at inis ay napasinghal ako at nagmamadaling sinundan si ama.Malaking problema't gulo ito!

"Ama!"habol ko kay ama.Sumunod sakanya ang iba naming mga gwaryda.

"Sa wakas nagkita rin tayo Valencio"Kaagad na dumilim amg awra ni ama nang makaharap niya na ang hari ng mga Mastrantonio,Walang iba kundi si Vakencio,ang ama ni Mariposa.Kasama nito ang mga tauhan niya.

Nakaramdam naman ako ng gulat ng makilala ang isa pa nitong kasama.Ang isa pang anak ni Valencio'ng si Antheros.Ganoon nalamang ang pag-ukit ng nangiinis niyang ngisi sa labi nang mapunta ang tingin niya saakin.Agad namang sumama ang awra ko,kasabay ng pagkiyom ng mga kamao ko't pagtalim ng tingin.May nais pa sana akong makita na isa ring Mastrantonio,Iyong nag ngangalang Seymour.Naririnig ko na ang pangalang iyon ngunit ang taong nag ma-may ari nito ay hindi pa.Base sa mga naririnig ko tungkol do'n ay isa rin iyong demonyo.

Chasing Butterfly(Señorito Series One)Where stories live. Discover now