"S-señorito Darcio...."
Awtomatiko akong napalunok ng mariin nang magsimula siyang humakbang palapit saakin.Kumakalabog rin ang dibdib ko dulot ng kaba habang nakatitig sa mukha niyang nababalutan ng nakakatakot na awra.Ang dati niyang magkadikit na makakapal na kilay ay mas dikit na dikit ngayon.Kung paano niya rin ako titigan ay para bang kakainin niya ako.Habang papalapit siya ng papalapit ay iyon din ang dahan dahang pag atras ko.Tuloy tuloy lang ako sa pag atras hanggang sa maramdaman ko ang bato sa likuran ng paa ko dahilan para matalisod ako.
Ang buong akala ko ay tuluyan na akong babagsak sa tubig nang may isang brasong sumalo saaking likod.Hindi ko rin naiwasang mapakapit sa balikat ng lalakeng ito.At gano'n nalamang ang gulat ko nang mapagtantong ang Señorito Darcio ito.Namimilog ang mga mata ko't nakaawang ang bibig ko habang naka-titig ngayon sakanya.
"Pagsisishan ni Dragomir na hinayaan ka niyang pumunta mag isa rito."nakakapanindig balahibong aniya,pagkatapos ay mabilis akong hinapit palapit sakanya at walang ano-anong sinunggaban ng halik ang labi ko.
"S-señori-Uhm!"hindi ko na ipagpatuloy ang sasabihin ko nang mahuli niya ulit ang labi ko!Sa mga oras na ito ay nakahawak na ang isang kamay niya sa likuran ng aking ulo at idinidiin niya ang kanyang labi sa labi ko.Sa kabila ng lakas niya'y pilit ko paring iniiwas ang aking labi't nag pupumiglas."T-tama na,Señori-uhm!"pinagpapalo ko na ng mga kamay ko ang kanyang dibdib at nag uumpisa narin ang pagbuhos ng mga luha ko.Ramdam na ramdam ko ang panggigil niya saaking labi."Tama na,Señorito!"nang magkaroon ako ng tsansang makabitaw sa labi niya ay buong lakas ko siyang itinulak palayo saakin dahilan para makawala ako.
"¡No puedes escapar de mí, Mariposa!"'You can't escape from me,Mariposa!' asik niya't mabilis na hinablot ang braso ko pabalik sakanya saka muling pinaunalanan ng agresibong halik ang labi ko.Napadaing pa ako ng kagatin niya ang ibabang labi ko.
"T-tama na,Señorito."Umiiyak na saad ko nang bitawan niya ang labi ko ngunit hindi siya tumigil pinagpatuloy niya ang pagsungkab sa labi ko."Señorito!"napatili ako nang bigla niya akong itulak pahiga sa buhangin."P-pakiusap.." pagmamakaawa ko na sakanya habang nakatukod ang dalawang ko sa buhangin.
Umigting ang panga niya't mabilis na hinabuhad ang pangtaas niyang saplot."Wag,Señorito!"napahagulhol na ako nang paibabawan niya na ako't idiniin sa buhangin ang magkabila kong kamay.Halos mapadaing pa ako dahil sa sobrang higpit ng kanyang pagkakahawak saaking pala-pulsuhan."Pakiusap..."
Hindi niya pinakinggang ang pakiusap at pagmamakaawa ko,ipinagpatuloy niya ang kagustuhan niyang gawin saakin.Sinimulan niyang halik-halikan ang leet at balikat ko habang patuloy parin ako sa pag iyak.Hindi ko akalaing makakayang gawin ito saakin ng Señorito,hindi ko masasabing dahil sa pagkalasing kaya niya ito nagagawa saakin dahil hindi naman ganoon karami ang ininom niyang alak para malasing kaagad siya.Kapah hinintay niya pang dumating ang kapatid niya paniguradong gulo ito!
Nang halikan niya ulit ako sa labi ay doon ulit ako nagsimulang magpumiglas."Tama na,Señorito!Pakiusap,T-tama na!"pilit kong nilalaban ang lakas ng mga kamay niya at iniiwas ang labi ko.
"Kung saakin ka lang sana napunta,hindi mo mararanasan 'to,Mariposa."at ganoon niya nalamang kadaling napunit ang telang nagsisilbing takip saaking dibdib gamit ang kamay niya dahilan para bumalandra ang suot kong bra saka sinimulan ulit na halikan ang leeg at balikat ko.
"N-nakikiusap ako,Señorito.T-tama na..."pilit parin akong nagpupumiglas habang patuloy parin ang pagbagsak ng mga luha ko."P-pakiusap,Señori-"
"Hayop ka!Bitawan mo ang Girlfriend ko,Darcio!"
Kaagad na gumapang ang matinding kaba saaking dindib nang biglang mangibabaw ang tinig na iyon.Mahal! Masyadong naging mabilis ang pangyayare,nakita ko nalamang na nakahandusay na ngayon ang Señorito Darcio nang ibalibag siya ng Señorito Dragomir.
YOU ARE READING
Chasing Butterfly(Señorito Series One)
RomanceLaviente Dragomir Grei,The first son of Don Leonhart Ephraime Grei.Mahal mo kaya kahit na alam mong Mali,Bawal,may masasaktan,magagalit,masisira't maaaring gulo ang kahihinatnan ay heto ka't pilit parin siyang ipinaglalaban.Mahal mo kaya balewala sa...