Señorito 42:Dragomir Punto De Vista(Katotohanan)

2.5K 50 0
                                    

"Anong nangyare,Mang Sebastian?"

Gulat at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.Hindi ko inaasahan na ito ang bubulaga saakin pagkarating ko rito sa bahay nila tiya amora.Sira sira na ito't may mga sunog ng parte.Natutulala nalamang ako sa gulat.Pumunta ko rito dahil nagbabaka-sakali ako na dito ko makikita si Mariposa,ngunit hindi ko inaasahang ito ang bubulaga saakin.

"Nasunog ang bahay nila Amora,Señorito Laviente."kwento ni Mang Sebastian,nanatiling nasa sira sira't sunog na bahay nila Tiya Amora ang paningin ko.Para akong nanghihina habang pinagmamasdan ito."Awang awa ako kila Amora ng mangyare ang insidenteng 'yon."

Hindi ko paman nalalaman ngunit may kutob na ako kung sino ang may gawa nito sakanila."Tapatin niyo ako,Mang Sebastian.Si Ama ba ang may gawa nito sakanila?"dahil hinding hindi ko mapapatawad ang aking ama kung sakaling siya ang may gawa nito!Sawang sawa na ako sa mga kasamaang pinaggagawa niya.

Naramdaman ko ang pagbaling saakin ni Mang Sebastian."Wag sana kayong magagalit,Señorito.Kung sasabihin kong ang ama niyo nga ang nagpasunog sa bahay nila Amora.Lahat ng mamamayan ng Valeriana ay alam kung ano ang nangyare sainyo ni Mariposa."

Awtomatikong kumiyom ang mga kamao ko,umigting ang panga ko't muling nabuhay ang galit sa dibdib ko na bumalatay saaking mukha."kinasusuklaman ko ang aking Ama,Mang Sebastian."

Hindi ko siya mapapatawad sa mga kasamaan niyang ito.Kahit ang aking ina ay hindi magugustuhan ang pinaggagawa niyang ito.Namulat ako na marami ang galit at takot saaking ama,marami akong naririnig tungkol sakanya na hindi maganda,noon ay hindi ko pa naiintindihan,gustong gusto ko itong itanong sakanya ngunit napagpasyahan kong tuklasin ito ng mag-isa.Sa una'y hindi ko matanggap ng matuklasan ko ang mga kasamaan at kasakiman niya,hindi ko matanggap na mayroon akong amang gano'n,ngunit habang tumatagal ay paunti unti ko itong natatanggap.Lahat ginawa ko para baguhin siya,kahit papaano'y nagawa ko rin siyang baguhin,natuto narin siyang magbigay bg tulong sa kapwa ngunit ang buong akala ko ay tuluyan na siyang nagbago ngunit hindi pa pala,may natitira parin na kasamaan sakanyang puso,Naiintindihan ko naman kung bakit niya nagawa ito,dahil sa galit niya sa mga Mastrantonio.Ngunit wala namang kinalaman sila Tiya Amora sa pangyayareng 'yon,hindi nila ginusto ang nangyare saaking ina para pahirapan niya ng ganito sila Tiya Amora.Wala ka parin naman palang pinag-iba sa Mga Mastrantonio,Ama.

"Alam niyo ho ba kung nasaan na sila Tiya Amora,Mang Sebastian?Maaari niyo ho ba akong idala sakanila?Gusto ko silang makausap,makapagpaliwanag at humingi ng tawad."alam kong hindi magiging madali itong gagawin ko,ngunit kailangan kong harapin ang nagawa kong kasalanan sakanila,handa akong harapin ang galit ni Tiya Amora saakin lalong lalo na ang galit ni Diegho.

"Malayo layo ang nilipatan nilang bahay,Señorito.Ngunit dito parin naman iyon sa Valeriana.Walang problema saakin kung idala kita doon ngunit handa ka bang harapin sila Amora lalong lalo na si Diegho,Señorito?"

Dahan dahan akong bumaling kay Mang Sebastian."Matagal ko na pong pinaghandaan ito,Mang Sebastian.Malaki ang kasalanan ko sakanila lalong lalo na kay Mariposa,Gusto kong humingi ng tawad at makapagpaliwanag."

"Hindi magiging madali ang gagawin mo,Señorito.Hindi ako nakakasiguro kung mapapatawad ka nila kaagad,ngunit umaasa ako na kahit papaano'y pakinggan nila ang paliwanag mo."

Nalulungkot akong nagpakawala ng buntong hininga."Alam ko ho iyon,Mang Sebastian."

Dinala nga ako ni Mang sebastian sa bahay na tinutuluyan ngayon nila Tiya Amora.Ang jeep na ginagamit namin sa pagdeliver ang sinakyan namin papunta roon.May kalayuan nga ang bahay na nilipatan nila Tiya amora dahil natagalan kami sa byahe bago makarating.Hindi ko alam kung anong mangyayare,ngunit may kutob akong may mangyayareng hindi maganda,kaya ngayon palang ay inihahanda ko na ang aking sarili sa maaaring mangyare dahil inaasahan kong galit ang makikita kong reaksyon sakanilang mukha pag nakita na nila ako.

Chasing Butterfly(Señorito Series One)Where stories live. Discover now