Pagkaalis niya'y nag umpisa na akong magluto,habang nasa ganoon akong sitwasyon ay bigla kong naisipang dalhan siya ng tanghalian roon sa bukid bilanv pagganti't pasasalamat narin sa pagluto niya ng aslmusal saakin.Pumayag naman si Nanay sa naging desisyon ko bilang pasasalamat rin daw niya sa pag igib ng mga tubig.
Tatlong tupper wear ang nilagyanan ko,para sa adobo,paksiw na bangus at kanin.Maayos at maingat ko itong ipinasok sa bag na gawa sa banig.Nagdala rin ako ng kutsara't tinidor para saaming dalawa dahil doon ko narin naisipang kumain.Marami naman akong nilagay na kanin sa Tupper wear.
"Nay,aalis na po ako."paalam ko kay Nanay sabay kuha ng payong na nakasabit sa pako.
"Sige,Anak.Ingat."tugon ni Nanay na winawalis ang mga dahong nakapalibot sa puno.
"Nakahanda na po sa lamesa ang mga pagkain,Nay.Kumain nalang po kayo ni Diegho."saad ko.Pinaalis na ako ni Nanay dahil baka raw maabutan pa ako ni Diegho't pigilan akong pumunta roon.Maglalakad nalang ako papunta do'n,para makatipid,nakapayong naman ako.Sa hindi malamang dahilan ay medyo nakakaramdam ako ng excite para sa magiging reaksyon ng Señorito pagdating ko roon.
"Ang binibining Mariposa,Señorito Laviente!"sigaw ng isang binatilyo,isa sa mga magsasaka ng mga Grei nang makita akong paparating.Dahan dahang lumingon saakin ang Señorito,ganoon nalamang ang paglundag ng puso ko nang sumilay ang malawak na ngiti sakanyang labi nang makita ako.Patakbo siyang lumapit saakin,halatang sabik na sabik namakalapit saakin.Nakapants siyang maong,nakabotang itim na may mga putik pa't walang damit pantaas.
"Sinorpresa mo naman ako.Ako ba ang sadya mo rito?"tanong niya.
"Oo,Señorito."tugon ko."naisipan kong dalhan ka ng tanghalian."iniabot ko sakanya ang banig na bag.
"Talaga?"natutuwa't hindi makapaniwalang aniya sabay kuha ng bag sa kamay ko."Tamang tama,gutom na ako.Mukhang masasarap panaman ang mga ito."aniya habang tinitingnan isa isa ang mga tupper wear sa bag.Masarap talaga yan,pinasarap ko talaga!"Kumain ka na ba?"tanong niya.
"Hindi pa,Señorito."
"Kung ganon sabay na tayo."hinila niya na ako papunta sa lamesang gawa sa kawayan,malapit sa may malaking puno kaya hindi gaanong mainit dahil nahaharangan ng malalaking dahon nito.
"Magandang tanghali,Mariposa!"bati saakin nila Mang Sebastian na sama samang kumakain nang makita kami ng Señorito na papadaan sa may gawila,nasa cottage kasi sila.Binati ko naman sila pabalik.
"May bisita kapala,Señorito"si mang sebastian na nanunukso ang tingin at tinig.
"Oo nga,Mang Sebastian.Nakakawala ng pagod."tugon ng Señorito.Tumawa naman si Mang Sebastian."Kahit ilang beses pa akong mag araro kung ganito lang naman kagandang babae ang magbibisita saakin,hindi ako makakaramdam ng pagod."dagdag pa niya na ikinatawa na ng lahat,hindi rin nila napigilang tuksuhin ako,Napanguso nalamang ako.May pagkamaloko rin talaga itong Señorito Laviente.
Pagkaupo namin ay inilabas niya na ang mga tupperwear.Isa isa niya itong binuksan.Maya maya pa'y nagpaalam siya saakin na may kukunin saglit.Pagbalik niya'y may bitbit na siyang pitsel,baso't plato.Ilang saglit pa'y nagsimula na kaming kumain.
"Naglakad kalang ba papunta rito?"tanong niya habang nasa kalagitnaan kami ng tanghalian.Ang presko ng hangin rito,mas nakakaganadong kumain.
"Oo,Señorito."
"Sana sinabi mo sa'kin kanina na pupunta ka rito para napasundo kita."aniya,nag init naman ang pisnge ko nang punasan niya ang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki niya,hindi ito ang unang beses na ginawa niya ito ngunit gano'n parin ang epekto saakin.
"Sanay naman akong maglakad,Señorito.Minsan nga naglalakad lang ako papuntang iskwelahan."saad ko.Sa tuwing kailangan kong magtipid ay naglalakad talaga ako papunta sa iskwelahan,minsan ay nililibre ako ni flavio ng pamasahe,at sa tuwing hindi gagamitin sa pamamasada ang kanilang tricycle ay iyon ang ginagamit naming service papunta sa school,si flavio ang nagmamaneho.
YOU ARE READING
Chasing Butterfly(Señorito Series One)
RomanceLaviente Dragomir Grei,The first son of Don Leonhart Ephraime Grei.Mahal mo kaya kahit na alam mong Mali,Bawal,may masasaktan,magagalit,masisira't maaaring gulo ang kahihinatnan ay heto ka't pilit parin siyang ipinaglalaban.Mahal mo kaya balewala sa...